Exalt: “Napakabuti Mo”
Empower: 1 John 2:16; Colossians 2:20-23; Galatians 5:1,17;
Romans 8:1-13; John 8:36
Rising Above Addictions. Kalimitan nating inuugnay angsalitang “addiction” kapag ang tao’y lulong sa drugs, alcohol osugal. Subalit, kung susuriin ang kahulugan ng salita, ito’y tumutukoy sa anumang paulit-ulit na ginagawa [addictive habits that can harm one mentally or psychologically (e.g. substance)] o anumang ninanasa ng laman (fleshly or worldly desires) na sa sariling kakayahan ay mahirap kontrolin (hard to break). Some may be addicted to or obsessed with money, sex, possession, position, beauty or fame, or as simple as coffee, tv, cellphone, games, o anumang bagay na maaaring magdulot ng hindi maganda sa katawan o kaisipan, o maaring maglayo sa pagsamba sa Diyos.
Biblically, ito ay may kaugnayan sa mga gawa ng laman (works of the flesh) o mas kilala sa katawagang three (3) avenues of temptations: lust of the flesh, lust of the eyes and pride of life (1 John 2:16), na tanging ang mga nagtataglay lamang ng
Espiritu ng Diyos ang may kakayahan na kontrolin o i-overcome ang mga ito. Bakit? Dahil tayo ay pinalaya na ni Hesus sa lahat ng bumibihag sa atin. Bilang mga Kristiyano, tayo’y dating naalipin (bondage) sa kasalanan (o gawa ng laman). Subalit, tayo ay naisilang nang muli sa espiritu; hindi na ang gawa ng laman ang buhay natin; patay na tayo sa kalikasang makasalanan (sinful nature); ang kalikasan natin ngayon ay kabanalan at katuwiran. Kung ganoon, bakit may mga Kristiyano pa rin na tila alipin ng gawa ng laman o addictions? Sagot: dahil hindi sila lumalakad sa espiritu (hindi nila ipinamumuhay kung sino sila sa espiritu; but they are born again).
Tandaan na noong hindi pa tayo mananampalataya, maaaring mayroon tayong mga addictive habits, attitude or behavior na hindi naman kaagad naalis dahil ito’y nakagawian o nakasanayang gawin. (Take note that we were born again in the spirit; our flesh is yet to be redeemed.) Subalit, habang nakikilala natin ang Diyos at nakikilala ang sarili bilang pinagingmatuwid na anak ng Diyos, ang mga hindi magandang nakasanayang gawain ay unti-unting nagbabago; nawawala na ang panlasa mo sa mga ito; kaya’t kusa (o effortless) ang pagbabago. Kaya’t napakahalaga na ang ating kaisipan ay mabago (Romans 12:2 “… be transformed by the renewing of your mind...”) sa pamamagitan ng Salita ng Diyos, hindi sa kaisipan ng mundo. Ang katawan (body) ay sumusunod lamang sa kung ano ang sinasabi ng kaisipan (part of the soul). [Remember, the spirit has no direct connection with the body; it is the soul that is able to connect with both the spirit and the body.]
Sa pamamagitan ng Salita (which is life and spirit) makikita at maihahayag sa atin kung sino tayo sa espiritu… kung ano na ang kalikasan natin ngayon… kung sino tayo sa harapan ng Diyos. Ang nananatili kay Hesus at sa kanyang Salita ang siyang lumalakad sa espiritu (hindi sa laman). 5Sapagkat ang mga ayon sa laman ay nagtutuon ng kanilang isipan sa mga bagay ng laman; subalit ang mga ayon sa Espiritu ay sa mga bagay ng Espiritu. 6 Sapagkat ang kaisipan ng laman ay kamatayan; subalit ang kaisipan ng Espiritu ay buhay at kapayapaan. (Romans 8:5-6 Ang Biblia, 2001) Nais mo bang maranasan ng lubos ang buhay at kapayapaan ng Diyos? Lumakad ka at mabuhay sa Espiritu!
Tayo ay tunay na malaya na; pinalaya na tayo ni Hesus (John 8:36). Huwag na tayong paalipin sa anumang bagay dito sa mundo. The world may entice us to follow its lies and deceptions (to be addicted with the things of the world) but he who walks in the Spirit has the ability to rise above them. You have the authority to rebuke ungodly thoughts… you can resist temptations…you are in control! Praise God for the new life/spirit within us!
Elevate: Application/suggested question:
1. Ano ang sumagi sa iyong kaisipan (what has reminded you) nang marinig mo ang mensahe noong Linggo? Ibahagi.