Exalt: “When I Speak Your Name”
Empower: Matthew 8:17, 16:19; Luke 7:3-10, 9:1-2;
Hebrews 11:1-2; Mark 13:34; Acts 3:16
16 When the even was come, they brought unto him many thatwere possessed with devils: and he cast out the spirits with hisword, and healed all that were sick: 17 That it might be fulfilledwhich was spoken by Esaias the prophet, saying, Himself took our infirmities, and bare our sicknesses. (Matthew 8:16-17 KJV)
Nang nabuhay ang ating Panginoong Hesus sa mundo, ipinakita at inihayag Niya kung sino ang Diyos…na siya’y Diyos na mahabagin at mapagmahal, at ito’y pinatunayan Niya sa pamamagitan ng pagpapagaling sa lahat ng may sakit at may karamdaman. Ang ketongin at ang alipin ng centurion ay ilan lamang sa mga pinagaling ni Hesus dahil sa nakita Niyang pananampalataya. Nakita natin kung paano namangha si Hesus sa pananampalaya ng centurion (a Gentile) nang sabihin niya, “Panginoon, hindi po ako karapat-dapat na puntahan nʼyo ang tahanan ko. Sabihin nʼyo na lang na gumaling siya, at gagaling na ang aking utusan.” (Matthew 8:8 ASND) “…Speak the word only, and my servant shall be healed.” – What a great faith! Sinabi ni Hesus na wala pa Siyang nakitang tao sa Israel (ang bayang pinili ng Diyos) na mayroong ganoong pananampalataya. The centurion acknowledged the power and authority that is in Jesus. Hence, His faith brought healing to his servant at that very moment.
Lahat ng lumapit kay Hesus na mayroong sakit, karamdaman o inaalinhan ng masamang espiritu ay Kanyang ‘pinagaling. At hindi natapos doon ang Kanyang ministeryo; sa pamamagitan ng paghihirap Niya sa krus, inalis at inako na Niya ang lahat ng nagpapahirap sa tao (i.e. infirmities, sicknesses). Naghirap na Siya upang tayo na pinahihirapan ng bunga ng kasalanan ay mapalaya at mabuhay ng matagumpay sa mundong ito.
Kalooban ng Diyos na gumaling tayo sa anumang karamdaman at palakasin sa anumang kahinaan. Maging malinaw sa atin na hindi Siya ang nagbibigay ng karamdaman o sakit sa tao. Ang sakit o karamdaman ay bunga ng kasalanan (thus, giving the enemy an access to hurt or oppress man). Ang kahinaan o karamdaman ay dumarating maging sa mga Kristiyano dahil nabubuhay pa tayo sa imperfect or fallen world. Minsan, ito ay bunga na rin sa mga maling pagpili o desisyon na ginagawa ng tao sa kanyang pangangatawan. Subalit, bilang mga mananampalayaya, bagamat ang katawang lupa natin ay tumatanda, nanghihina o nagkakasakit, mayroon tayong taglay na lakas, sigla at kagalingan sa ating espiritu upang mapagtagumpayan ang mga ito. Sa Kanyang kamatayan at pagkabuhay na muli, naging posible na mapagkalooban Niya tayo ng bagong espiritu/bagong buhay (through His indwelling Spirit). Kaya ngayon, maaari na tayong lumakad at mabuhay sa Espiritu sa pamamagitan ng pagtuon ng ating mga mata kay Hesus at sa Kanyang mga Salita.
Ang kahinaan o karamdaman ay nagiging hadlang o balakid sa ipinapagawa ng Diyos kung hindi natin alam kung anong mayroon tayo sa espiritu o kung hindi natin kinikilala ang kapangyarihan (authority) na ibinigay ng Diyos sa atin. Ang kawalan ng kaalaman sa biyaya at pag-ibig ng Diyos at katatayuan bilang mga anak ng Diyos ang dahilan kung bakit natutuon ang ating kaisipan kung minsan sa nararamdaman ng katawan, imbes na kung sino tayo sa espiritu o kung ano ang sinasabi ng Salita ng Diyos [that “are life unto those that find them, and health to all their flesh” (Proverbs 4:22 KJV)]
Nawa’y patuloy tayong mabuhay sa pananampalataya (sa espiritu), maniwala sa mga bagay na hindi man nakikita sa panlabas ay pinaniniwalaan na natin na realidad o totoo na! Purihin ang Panginoon!
Elevate: Application/suggested question:
1. Kaninong karakter ka naka-relate o nagbigay ng impact sa iyo: Sa ketongin o sa centurion? Ibahagi.