Exalt: “No Longer Slaves”
Empower: Romans 8:15; Luke 1:28-30; Matthew 14:22-34;
1 John 4:18
“Huwag kang matakot”- Ito ang paulit-ulit na paalala ng Diyos sa Kanyang Salita upang bigyan ng tapang at lakas ng loob ang Kanyang mga tinawag (e.g. Mary, Abraham, Jesus’ disciples). Alalahanin na nang mahulog sa kasalanan ang tao (since the time of Adam and Eve) naging alipin na siya ng takot [e.g. takot sa kamatayan, takot na mabigo o magkamali, takot na mapahiya, takot na magutom, takot na magkasakit, takot na maparusahan]. Simula noon, nagsimula nang gumawa ang tao sa sarili niyang pamamaraan upang hindi niya maranasan ang mga bagay na kanyang kinatatakutan. Subalit, alam natin na may limitasyon dinang kayang gawin ng tao sa mundo kaya wala pa rin siyang seguridad at kapanatagan; kaya’t ang puso at kaisipan niya ay nakakulong at kontrolado pa rin ng takot.
Purihin ang Diyos dahil tayo na nanampalataya sa Kanyang Anak ay napalaya na hindi lamang sa kasalanan kundi sa bunga nitong takot na humahadlang upang hindi natin lubos na maranasan ang kapuspusan (fullness) ng Diyos. We can rise above fear, dahil ang tinanggap natin ay hindi Espiritu na umaalipin upang matakot tayong muli; sa halip, ginawa Niya tayong mga anak upang matawag nating “Ama” ang Diyos (Romans 8:15) – isang espesyal na kaugnayan na tanging sa tao lamang ipinagkaloob. Bilang Ama, ang kasiyahan (glory) Niya ay ang Kanyang mga anak; kaya ibinigay Niya ang lahat ng kailangan natin upang mabuhay tayo ng malaya, matagumpay at may kapanatagan.
And as children of God, we are always reminded to live by faith and not by sight! Remember, hindi lamang tayo flesh and bones (physical beings), we are spirit beings who should live in the spiritual realm where everything is possible and everything we need is already given! Nakikipag-ugnayan tayo sa Diyos (who is Spirit) sa espiritual (spirit to Spirit), at pinaniniwalaan natin Siya kahit hindi natin Siya nakikita. Tama? Kung gayon, paniwalaan din natin na totoo o real na ang mga bagay na inilaan Niya para sa atin kahit hindi pa natin nakikita.
Realidad na ang nasa spiritual, hindi pa lang magiging realidad kapag ito’y lumabas o nag-manifest na sa physical. Kung hindi pa natin nakikita (sa pamamagitan ng mata ng pananampalataya) ang mga bagay na nakalaan na para sa atin, mahihirapan tayong humakbang kahit alam natin sa puso natin ang ipinagagawa ng Diyos, dahil takot ang mas nangingibabaw.
Do not let fear control your life! Ang takot ay hindi galing sa Diyos; ito’y kasinungalingan at panlilinlang na inilalagay ng kaaway sa ating kaisipan upang tayo’y mag-alinlangan sa Diyos at hindi mangibabaw ang tunay nating katayuan sa Kanyang harapan o pagkakilanlan; kaya’t pagbulayan (isaisip) natin lagi ang biyaya at pag-ibig ng Diyos sa tuwing nakakaramdam tayo ng takot. “…Perfect love casts out fear (1 John 4:18b). Tanging ang pagtitiwala (faith) sa Diyos (buhat sa malalim na pang-unawa sa Kanyang pag-ibig) ang pumapawi ng takot.
Ang pagtitiwala sa sarili o sa ibang tao o mga bagay dito sa mundo (e.g. sariling karunungan o kakayahan, pera, ari-arian) ay nagdadala din ng takot; subalit ang pagtitiwala sa Diyos ay nagdadala ng kapahingahan… mula sa mga sariling gawa (performances/works to please God). Dati-rati, pilit nating kinukuha ang pagpapala ng Diyos sa pamamagitan ng ating good performance o mabubuting gawa. Akala natin mas mamahalin tayo at pagpapalain ng Diyos kung gumagawa ka ng mabuti. Nothing could be further from the truth! Hindi masama ang gumawa ng mabuti; ito’y bunga ng lumalagong kaugnayan natin sa Diyos at mayroon itong gantimpala sa mundo, pero hindi kailanman naging basehan ng Diyos ang ating mga gawa upang tayo’y Kanyang pagpalain. [Conversely, hindi rin basehan ang masamang gawa upang parusahan tayo ng Diyos; tayo ay nasa ilalim ng biyaya (grace) ng Diyos.] Si Hesus ang Kanyang basehan; kung tinanggap natin Siya … kung nanampalataya tayo sa Kanyang ginawang pagtubos sa ating mga kasalanan. Purihin ang Diyos magpakailanman!
Elevate: Application/suggested question:
1. Magbigay ng isang risky move or step (mapanganib o walang katiyakan) na iyong ginawa o sinuong (pursued) dahil sa pananampalataya mo sa Diyos (meaning, hindi ka nagpadala sa takot). Isalaysay.