Mobirise

Preaching the Unconditional Love of GOD
----------------------------------------------------------------------------------
Katapatan Mo/Napakabuti Mo

VERSE 1:
Katapatan Mo o Diyos tunay at Dakila
Ang pag-ibig Mo’y wagas at walang kapantay
Sa aming puso, sa aming buhay
Papuri’t pagsamba’y iaalay
Bukas, noon, ngayon, magpakailanman
Luwalhatiin ka
(repeat)
CHORUS:
Panginoon, kaybuti Mo sa akin
Ikaw lamang ang tangi kong sasambahin
Aawitan kita at pupurihin
Panginoon, kaybuti Mo sa akin
Aawitan Kita at pupurihin
Panginoon kay buti Mo sa akin
Aawitan Kita at pupurihin
Panginoon kay buti Mo sa akin
Aawitan Kita at pupurihin
Panginoon kay buti Mo sa akin
Napakabuti mo aming Diyos ama
Ang 'yong likha'y luluwalhatiin ka
Napakabuti mo aming Diyos ama
Di ka nagbabago
Noon, ngayon, kailanpaman, sa buhay ko'y tapat
TAG:
Noon, ngayon, kailanpaman
Noon, ngayon, kailanpaman
Noon, ngayon, kailanpaman, sa buhay ko'y tapat
-----------------------------------------------------------------------------------

Exalt: ““Ktapatan Mo/Napakabuti Mo”
Empower: Matthew 24:30,33-34; 10:23; 16:27-28; 26:63-64; Daniel 7:13-14; 28:18; Colossians 3:1-4; Revelation 7:3; 14:1; 20:4;

“Ikaw na mismo ang nagsabi. At nais kong sabihin sa inyong lahat na mula ngayon ay makikita ninyo ako na Anak ng Tao na
nakaupo sa kanan ng makapangyarihan na Dios. At makikita rin ninyo ako na dumarating mula sa ulap dito sa mundo (Matthew 26:64).” Ito ang mga katagang isinagot ni Hesus nang tanungin Siya ng punong pari kung Siya ang Cristo (Mesias), ang Anak ng Diyos. Indirectly, Jesus was giving the high priest a clue; gusto Niyang ipaalam sa punong pari na nasa harap na niya ang nakita ni propeta Daniel sa kanyang pangitain - 13 “Pagkatapos, nakita ko ang parang tao na pinaliligiran ng ulap. Lumapit siya sa Dios na Nabubuhay Magpakailanman. 14 Pinarangalan siya at binigyan ng kapangyarihang maghari, at naglingkod sa kanya ang lahat ng tao sa ibaʼt ibang bansa, lahi, at wika. Ang paghahari niya ay walang hanggan. At walang makakapagpabagsak ng kaharian niya. Subalit, bulag ang punong pari dahil hindi niya nakita na si Hesus ang inihahayag ng mga propeta na darating na Mesias at Tagapagligtas... na Siya na ang pinakahihintay nilang Hari na mamumuno at maghahari magpakailanman!

Ating bigyan ng pansin ang tatlong mahahalagang phrases sa mga talata sa itaas:

Anak ng Tao (the Son of Man) – Ito ang kadalasang tawag ni Hesus sa Kanyang sarili; hindi “ako” or “akin.” The term “Son of Man” or “Son of Adam” signifies that Jesus is truly human (though He is also truly God) and He represents all humanity. Hence, because He’s human, He can identify Himself to us and we can
also identify ourselves to Him.
nakaupo sa kanan ng makapangyarihan na Dios [Please take note of its translation in English, “sitting at the right hand of the Power (NKJV)”] - meaning, by virtue of His resurrection and ascension, the enemy was already defeated and Jesus was exalted
and is now reigning with power and glory! Taglay Niya ang lahat ng kapangyarihan at kaluwalhatian sa langit (in the spiritual world) at sa lupa (in the physical world) (Matthew 28:18).
dumarating mula sa ulap (coming on the clouds of heaven) – Ang mga katagang ito (na binanggit din ni Hesus sa Matthew 24:30) tungkol sa pagdating ng Anak ng Tao ay isinulat din ni Daniel at makikita din natin sa aklat ng Pahayag - Behold, He is coming with clouds, and every eye will see Him, even they who pierced Him (emphasis mine). And all the tribes of the earth will mourn because of Him. Even so, Amen.(Revelation 1:7).

“With the clouds of heaven”, “coming with the clouds”, “coming in a cloud”, “coming with the clouds of heaven” – Please take note that within its symbolic context, “cloud” or “clouds” here manifests God’s presence, glory and power. [e.g. “pillar of cloud by day’ that protected the tribes of Israel; cloud covering Mt. Sinai; cloud in
the tabernacle-Shekinah glory, etc.] In relation to Jesus, ang lahat ng ito ay nasa Kanya, na nakita hindi lamang ng mga alagad kundi ng mga nagpapako sa Kanya sa krus (Rev.1:7). At dahil
sumasaating si Cristo, ang presensya, kaluwalhatian at kapangyarihan na iyon ay nasa atin din. Tayo’y pinaghaharian na
Niya; nakatago sa atin ang buhay ni Cristo kaya’t sikapin natin na maituon ang ating puso at kaisipan sa mga espirituwal na bagay (i.e. who He is; who we are in Him; His love and grace) at hindi sa mga bagay sa mundong ito (i.e. conforming to the system of the world; focus is self; reliance is on himself) upang patuloy nating
maranasan ang kaloob Niyang buhay na puno ng pag-ibig, kapayapaan at kagalakan. And always remember, taglay natin kapangyarihan Niya! “As He is, so are we in this world!”

The Millennial Reign (refers to a long period of time, not literal 1,000 years) is already a PRESENT REALITY to us. Si Hesus ay namumuno at naghahari na sa buong mundo (in the different tribes
of the world)... sa puso at buhay ng bawat kumilala at nanampalataya sa Kanya; at naghihintay pa Siya hanggang sa Kanyang pagbabalik (2nd Coming of Christ) ng mga magbabalik- loob pa sa Kanya. Purihin ang Diyos magpakailanman!!!

Elevate: Application/suggested questions:

1 . Ano ang masasabi mo sa katotohanang ito tungkol sa paghahari ni Cristo (na hindi pa lang mangyayari sa hinaharap)?

No Code Website Builder
Free Web Hosting