Exalt: “King of Kings”
Empower: Esther 4:14; Mark 1:15; Luke 19:41-44; Romans 13:11;
Ephesians 5:15-17
Your “Kairos” Moment
“Kairos” is a Greek word for TIME; but not just time, but an OPPORTUNE TIME; it is the RIGHT time. It is an appointed, critical, decisive moment. It is qualitative; it measures or captures moments.
Esther 4:14 - For if you remain completely silent at this time, relief and deliverance will arise for the Jews from another place, but you and your father’s house will perish. Yet who knows whether you have come to the kingdom for such a TIME (Gk.“KAIROS”) as this?”
Nasa tamang panahon (“kairos”) o pagkakataon at kinalalagyan (as queen) si Esther upang maging instrumento ng Diyos sa pagliligtas sa mga Judio. There was a sense of urgency and a call to action that requires her faith and boldness. Katulad ni Esther, may mga oportunidad o pagkakataon din na ibinibigay ang Diyos sa atin upang maisakatuparan ang Kanyang layunin, ngunit ito’y nangangailangan ng lubos na pagtitiwala ala sa Kanya (faith and confidence in Him, not in your efforts). Ang babaeng labindalawang taon ng dinudugo na gumaling matapos mahawakan ang laylayan ng damit ni Hesus, si Saulo na kinatagpo ni Hesus sa daan patungong Damasco, ang apat na magkakaibigan na nagbaba sa kanilang kaibigang paralisado upang pagalingin ni Hesus ay nakitaan ng pananampalaya. Iyon ang mga “kairos” na sandali sa kanilang buhay; and they seized (took advantage of) those moments (the opportune time for them to experience divine healing and God’s transforming grace.)
“Chronos” is another Greek word for TIME; it refers to measured, sequential or chronological time. It is quantitative; it is measured in minutes, hours, days, months or years. It means the exact time or day or season (e.g. seedtime and harvest time). Alam ng magsasaka kung ilang araw o buwan ang hihintayin bago umani; the time here is “chronos”. However, spiritually speaking, unawain natin na dumarating din ang mga “kairos” moments (e.g. time to harvest) sa buhay nating mga Kristiyano dahil mayroon tayong itinanim [hence, the principle of sowing and reaping is true not only in the physical realm (e.g. farming, business, work), but more so in the spiritual realm]. Ang “kairos” na sandali ay hindi nalilimitahan ng “chronos” time. God can accomplish in a couple of months what would take years by human efforts bound by “chronos” time [when heaven breaks into earthly time].
Bawat sandali ay may potential na maging “kairos”; but take note, hindi lahat ng sandali ay automatic na nagiging “kairos”; one must be spiritually attuned to God (aware of God’s presence, His goodness, His grace), then, even seemingly ordinary moments can become opportunities for grace, transformation or encounter.
Recognize, see (discern) and seize your “kairos” moments; don’t miss them (the Israelites at Kadesh Barnea missed their “kairos” moment]. Your “kairos” may be opportunities of healing, giving, discovery or financial breakthrough. Maaring ito’y panahon o pagkakataon upang tumayo ka (make a stand on what you believe) o magsalita ka (speak up), pagkakataon upang makagawa ka ng mabuti o makatulong sa iba (reach a person or people in need), pagkakataon upang magbago o magdulot ng pagbabago sa paligid mo, o maaaring pagkakataon upang ibahagi mo ang Magandang Balita o ang kabutihan at kadakilaan ng Diyos sa iyong pamilya, mga kaibigan o ibang tao. Paano mo malalaman kung ito ay “kairos” moment? Look at your surroundings. What is happening around you? What is happening in your life? What does God stir in your heart when you pray or meditate the Word? What open doors do you see?
Elevate: Application/Suggested Question:
1. Ibahagi ang ilan sa iyong mga “kairos” moments. How did you recognize and seize those moments?