Hearing God through our Spirit

NARARAPAT
Song by Spring Worship

Salamat sa dakila Mong pag-ibig
Salamat sa pagyakap Mo, Ama
Ang presensiya Mo ang ninanais ko
Ang puso ko ay para lang sa 'Yo
Nararapat Ka sa papuri, luwalhati, at
pagsamba
Hesus, Ika'y dakilain
magpakailanman
Nararapat Ka sa papuri, luwalhati, at
pagsamba
Itataas ang ngalan Mo, Ama
Ooh, oh
Kailanma'y hindi Ka nagbabago
Tiwala ko'y ibibigay sa 'Yo
Mga pangako Mo, panghahawakan
ko
Mamamalagi sa kalinga Mo
Nararapat Ka sa papuri, luwalhati, at
pagsamba
Hesus, Ika'y dakilain
magpakailanman
Nararapat Ka sa papuri, luwalhati, at
pagsamba
Itataas ang ngalan Mo, Ama
Nararapat Ka sa papuri, luwalhati, at
pagsamba
Hesus, Ika'y dakilain
magpakailanman
Nararapat Ka sa papuri, luwalhati, at
pagsamba
Itataas ang ngalan Mo, Ama, oh

Ang Iyong nilikha'y luluhod sa 'Yo, itataas
ang ngalan mo
Bawat labi ay magpupuri, Hesus, dakila
Ka (ang Iyong nilikha)
Kami'y 'Yong likha'y lumuluhod sa 'Yo,
'tinataas ang ngalan Mo
Bawat lahi ay nagsasabing "Hesus, dakila
Ka"
Nararapat Ka sa papuri, luwalhati, at
pagsamba
Hesus, Ika'y dakilain magpakailanman
Nararapat Ka sa papuri, luwalhati, at
pagsamba
Itataas ang ngalan Mo, Ama
Nararapat Ka sa papuri, luwalhati, at
pagsamba
Hesus, Ika'y dakilain magpakailanman
Nararapat Ka sa papuri, luwalhati, at
pagsamba
Itataas ang ngalan Mo, Ama, oh
Kami'y 'Yong likha'y lumuluhod sa 'Yo,
'tinataas ang ngalan Mo
Bawat lahi ay nagsasabing "Hesus, dakila
Ka"
Oh, Ika'y nararapat

Exalt: “Nararapat”
Empower: 1 Cor.2:16, 6:17, 12:7-10; 2 Cor. 5:17; 1 John 4:17; Hebrews 4:12; Psalm 37:4; John 5:30

Hearing God Through our Spirit
Isa sa mga mahahalagang pundasyon na itinuturo ng Salita ng Diyos upang maging malinaw sa atin kung paano maririnig ang tinig ng Diyos ay ito: ang pang-unawa kung ano ang nangyari sa ating espiritu noong tayo ay isinilang na muli (when we got born again). Ang maling pangunawa dito ang nagiging dahilan kung bakit nahihirapan tayong marinig o ma-distinguish/discern ang tinig na Diyos (God’s impression in your heart) sa tinig na nagmumula lamang sa ating kaluluwa (own thoughts or emotion). Malinaw sa Hebreo 4:12 na tanging ang Salita ng Diyos ang kayang tumagos sa kaluluwa at espiritu ng tao; tanging ang Salita ang nakakatalos sa tunay na nilalaman ng isip at puso ng tao (a discerner of the thoughts and intents of the heart).

Ang tao ay binubuo ng katawan, kaluluwa at espiritu. Alam natin na ang katawan (the physical aspect of a person that is tangible) ang nakikipag-ugnayan sa mundo. Kasama sa katawan ang ating five senses: hearing, seeing, smelling, tasting and feeling. Alam din natin na nakakaisip, nakakaramdam at nakakapagpasya ang tao dahil siya’y mayroong kaluluwa (soul = mind, emotion and will; personality). But, how well do we know about our spiritHow well do we know that God speaks or we can hear Him through our spirit?

Sa tatlong bahagi ng tao, tanging ang espiritu ang may kakayahan na makarinig sa tinig ng Diyos; subalit, ito’y namatay (spiritually dead or separated from the source of Life - God) nang mahulog ang tao (Adam) sa kasalanan. Gayunpaman, may solusyon na binigay ang Diyos upang bumalik ang dating ugnayan ng tao sa Kanya – si Cristo. Kaya nga, noong tayo ay na-born again (nanampalataya kay Cristo sa pamamagitan ng Salita ng Diyos), ang ating espiritu na dating patay ay nabuhay na muli (resurrected with Christ). God breathed life into our spirit and therefore, we have now the ability to commune with Him and hear His voice. Kapag ang sanggol ay naisilang, automatic na ang kanyang katawan ay may kakayahan na makarinig, makakita, makaamoy, makalasa, makadama (i.e. five senses). Alam mo ba na noong tayo ay na born-again (in the spirit), automatic din na ang ating espiritu ay may kakayahan na marinig ang tinig ng Diyos? Hearing God is not a skill to be acquired; it is a (spiritual) sense to be sharpened. Hindi tinuturuan ang sanggol kung paano siya makakarinig (o makakakita); isinilang siyang may pandinig (sense of hearing), gayundin sa ating espiritu, kailangan lang na mahasa o maging matalas ang ating pandinig sa boses ng Diyos. Paano?- sa pamamagitan ng pagbababad sa Salita ng Diyos.

Bilang nakipag-isa kay Cristo, may bago na tayong pagkatao; may bagong buhay (the life of Christ)… bagong espiritu… isang espiritu na ganap (perfect). Our spirit did not undergo modification or reformation, but a complete transformation. Tayo’y naging bagong nilalang sa espiritu (a brand new creation in the spirit – 2 Cor. 5:17). “But he that is joined unto the Lord is one (Grk. heis = singular one/identical) spirit”(1 Cor. 6:17. Taglay natin sa ating espiritu ang buhay (espiritu) ni Cristo, kalakip ng Kanyang katuwiran, kabanalan at kapangyarihan. Ang pagkasi (anointing) ng Banal na Espiritu ay sumasaatin at binigyan tayo ng mga kaloob (spiritual gifts) na maaari nating magamit upang ang layunin ng Diyos sa sangkatauhan ay maisakatuparan. We also have the mind of Christ (1 Cor.2:16) Taglay natin sa ating espiritu ang kaisipan ni Cristo; ibig sabihin, maaari tayong mag-isip kung paano Siya mag-isip, at kumilos kung paano Siya kumilos. God’s desires become our desires if we delight ourselves unto Him and always seek Him through His Word.

Elevate: Application/Suggested Question:
1. Anong kapahayagan (revelation knowledge or a quickening of the Word in your spirit) ang narinig mo sa pamamagitan ng mensaheng ito? 

Mobirise.com
Free Web Hosting