Exalt: “Scandal of Grace”
Empower: Revelation 1:8; John 8:58; Matthew 6:34; Jer.29:11
Jesus: The Alpha and Omega
Revelation 1:8 - “I am the Alpha and the Omega,” says the Lord God, “who was and who is and who is to come, the Almighty.”[Alpha (Α or α) is the first letter of the Greek alphabet; while Omega (Ω or ω) is the last]
Si Hesus ang Pasimula at ang Wakas. Siya ay naroon na sa pasimula at siya’y mananatili ngayon at magpakailanman. Siya ang nagpasimula ng lahat ng bagay at alam Niya kung ano ang magiging kawakasan ng mga ito. He knows the end of the beginning. Imagine, alam na Niya kung ano ang kahihinatnan ng buhay ng lahat ng nilalang, lalong-lalo na ang mga nananalig sa Kanya. For I know the plans I have for you, declares the Lord, plans for welfare and not for evil, to give you a future and a hope (Jer.29:11). Ang Kanyang panukala ay para sa ikabubuti natin; isang magandang kinabukasan ang naghihintay sa mga anak ng Diyos. Ito ba ang pinaniniwalaan mo at nakikita mo sa buhay mo? O ikaw ay balot pa rin ng takot at pangamba dahil ang nakikita mo ay kahirapan o masamang bagay sa hinaharap kahit hindi pa man ito nangyayari? [eventually become self-fulfilling prophecies (kung ano ang iniisip ang siyang nangyayari)]
Ang mga tao ay nagbabago; ang mundo o ang mga bagay o pangyayari sa paligid natin ay mabilis magbago; subalit, nakatitiyak tayo na ang Diyos ay hindi magbabago; He is immutable; He never changes. Jesus Christ is the same yesterday, and today and forever (Heb.13:8). Minahal ka Niya noon, minamahal ka Niya ngayon at mamahalin bukas at magpakailanman. Ang Kanyang biyaya (grace) ay hindi natapos noong tinanggap natin Siya; ito’y patuloy Niyang ‘pinaparanas habang nabubuhay tayo dito sa mundo. Siya’y mabuti at tapat noon, mabuti at tapat ngayon at magiging mabuti at tapat sa hinaharap. Ang Kanyang pagibig, kabutihan at katapatan ay hindi nagmamaliw; ito’y laging bago bawat umaga. Halleluiah!
Bilang Pasimula at Wakas, alam na ni Hesus kung ano ang kahihinatnan ng buhay ng mga nananalig at sumusunod sa Kanya. Kung nabigo ka man o nakagawa ng hindi maganda sa nakaraan, ito’y hindi na mahalaga (relevant) sa harap ng Panginoon dahil ikaw ay binago na Niya; and He has already restored everything that was lost in your life. Ikaw ay matuwid na sa Kanyang harapan dahil sa Katuwiran Niya. Kaya’t ikaw ngayon ay karapat-dapat sa Kanyang harapan; at karapatdapat sa lahat ng mga pagpapala Niya.
Our future is already settled in Him. Hindi mo kailangang magalala sa bukas mo. “Kaya nga, huwag ninyong alalahanin ang bukas; sapagkat ang bukas ang mag-aalala sa sarili niya…(Matt. 6:34a) Ang paghahanda sa kinabukasan ay hindi masama; subalit kung naghahanda ka dahil sa takot (the motivation is fear), ito’y malinaw na kawalan ng pananampalataya. Kasama mo na ang Diyos ngayon, at Siya’y nangako na hindi ka Niya iiwan, ni pababayaan man. Ang Salita Niya ang siyang magiging gabay at magbibigay liwanag sa daraanan mo. Ang mga Salitang inihahayag Niya ay tiyak Niyang gagawin at isasakatuparan.
Jesus is not bounded or affected by time; hindi Siya nakatali o nalilimitahan ng oras o panahon (di tulad ng tao). He is outside of time. Kay Hesus, ang isang araw ay tulad ng isang libong taon at ang isang libong taon ay tulad ng isang araw lamang
sa Kanya (2 Peter 3:8). Ang Kanyang mga pangako (particularly, His Second Coming) ay tiyak na matutupad.
Jesus is our “Great I am”. He is the God of “present”. Ano mang situasyon, laging nandiyan ang Kanyang tulong at pag-iingat (a very present help in times of trouble). Kung ganito (at sa mga naunang talata) ang ating pagkakilala sa ating Panginoong Hesus, walang dahilan upang panghinaan o mawalan tayo ng pag-asa sa buhay. Patuloy natin Siyang kilalanin at ang lahat ay susunod na lamang. He wants us to experience Him personally.
Elevate: Application/Suggested Question:
1. Do you take advantage of what the Holy Spirit reveals in your heart about Jesus (who He is)? How?