Rising Above Adversity

IKAW ANG TUNAY NA DIYOS

Pupurihin Ka O Diyos
Ang aming alay ay pagsamba
Kaluwalhatian buong karangalan
Kapangyarihan Mo'y walang katulad
(Koro)
Ikaw ang tunay na Diyos
Ika'y walang katulad
Ika'y nag-iisa Ikaw lamang wala ng iba
Sa'yo ang aming awit dinggin ang aming tinig
Isisigaw sa buong mundo
Kadakilaan Mo

Exalt: “Ikaw ang Tunay na Diyos”
Empower: James 1:2-4,12; 2 Thess. 3:2-3; Romans 8:17-18;  Ps 69:14; Heb. 6:19

Rising Above Adversity
Ang adversity o kahirapan (due to many reasons: lack of finances, failures, sickness, pressures) ay laging kumakatok sa buhay ng tao. Araw-araw, in one way or another, maaaring maranasan ang kahirapan (or struggle as many call it). Para sa mga mananampalataya, habang tayo’y naglalakbay (sojourn) sa mundo, maaari tayong maapektuhan ng mga pangyayari dito (e.g. covid-19, inflation, conflict), dahil nabubuhay tayo sa hindi perpektong mundo. And the world is not getting better; it is getting worst! Kaya’t kung tayo’y nabubuhay lamang sa kultura o paraan ng mundo, tiyak na mahihirapan tayong mapagtagumpayan ang stress, struggles, pressures o kahirapan na nararanasan.

Binalaan tayo ng Espiritu ng Diyos na sa mga huling araw darating ang mga panahon ng kapighatian o kahirapan (terrible/perilous times) dahil sa kasalanan. Subalit sinasabi din sa Salita ng Diyos na habang dumarami ang kasalanan (o pagsuway), mas dumarami ang biyaya (grace). [When sin abounds, grace abounds much more (Romans 5:20).] Ang tulong at biyaya ng Diyos ay naghihintay sa lahat ng kumikilala sa Kanya at sa Kanyang ginawang solusyon o katugunan (si Hesus) para mapalaya ang tao sa kahirapang dulot ng mundo.

Hindi ikinaila sa atin ni Hesus na sa mundo ay mayroong mga kapighatian (tribulations), but the good news is, sinabi rin Niya na magalak tayo dahil napagtagumpayan na Niya ang mundo. Jesus’ overcoming life is available for us; it’s inside of us. Kaya’t magagawa nating magalak lagi dahil kaya nating pagtagumpayan ang anumang kahirapan dahil sa tagumpay ni Cristo na nasa atin. Ang tagumpay ay nagmumula sa panloob (in our spirit) patungo sa panlabas (from the inside out; not from the outside in.)

Ginawan na ng Diyos ang solusyon sa kahirapan (adversity); Jesus became poor so that we could be rich. Sapagkat alam naman ninyo ang biyayang ipinakita ng ating Panginoong Jesu-Cristo, na kahit na mayaman siya doon sa langit ay nagpakadukha siya dito sa mundo alang-alang sa atin, para sa pamamagitan ng kanyang kahirapan ay maging mayaman tayo (2 Corinthians 8:9 ASND). Tayo’y mayaman dahil ang tunay nating kayamanan (blessing) ay si Cristo at ang mga bagay na kailangan natin habang nabubuhay sa mundo ay tiyak na susunod; they will run after us, dahil sa kaugnayan natin kay Cristo. Ang kailangan lamang natin ay lubusang maunawaan ang bunga o benefits ng kaugnayan natin sa Kanya at panaligan upang maranasan natin ang mga ito.

My people are destroyed for lack of knowledge.(Hosea 4:6a) Huwag nating hayaang masayang ang mga pagpapalang nakalaan para sa atin dahil lamang sa kakulangan ng kaalaman o kapahayagan (revelation) mula sa Diyos. Let us be guided by His Word and His Spirit. Nawa’y patuloy nating maunawaan na tayo’y hindi lamang nabubuhay sa mundong ating nakikita (seen world); kundi, maaari tayong mabuhay sa mundong hindi nakikita (unseen or spiritual world). Ito ang kaharian ng Diyos kung saan Siya ang pinagkukunan (the Source) ng lahat ng bagay na kailangan natin. Inihahayag ito ng Diyos sa iyo; walang ibang makakakita nito kundi ikaw lang. You need to see it yourself by faith, and faith comes by hearing and hearing the Word of God!

Gusto Niya na maging malaya tayo sa kahirapan habang ating ginaganap ang Kanyang kalooban at ating hinihintay ang Kanyang pagbabalik. Purihin ang Panginoon!

Elevate: Application/suggested questions:
1. Ngayong patuloy mong nakikilala kung sino ang Diyos, paano mo ihahambing ang sarili mo sa isang batang paslit na may mapagmahal na magulang?

2. “Ang pag-asang ito ang siyang matibay at matatag na angkla ng ating buhay, at ito'y umaabot hanggang sa kabila ng tabing ng templo, hanggang sa Dakong Kabanal-banalan.” (Hebreo 6:19Gaano katotoo sa buhay mo ang talatang ito na nagsasabing si Hesus ang angkla ng buhay mo? (Jesus as the Anchor of our soul.)

AI Website Builder
Free Web Hosting