Exalt: “Love Changes Everything”
Empower: James 3:14-16; Proverbs 14:30, 27:4; Philippians 2:1-5
Philippians 3:7-9,12,15-16; 4:8-9,11-13;
Rising Above Envy/Selfish Ambition/Pride
Sapagkat saanman naghahari ang inggit at makasariling hangarin, naghahari din doon ang kaguluhan at lahat ng uri ng masamang gawa (James 4:16 MBB). Walang kapayapaan at kasiyahan sa puso ng isang taong mayroong inggit, makasariling hangarin at pagmamalaki/kataasan. Ito ang karaniwang pinagmumulan ng gusot o pag-aaway ng magpapamilya, magkakaibigan o magkakatrabaho. A peaceful heart leads to a healthy body; jealousy is like cancer in the bones (Proverbs 14:30 NLT). Ang inggit o selos ay sumisira hindi lamang ng katawan, kundi ng kaugnayan sa ibang tao. Ito’y may “ibayong lupit” (Prov.27:4b) o mapanganib, kaya’t kinakailangan itong supilin… at tanging ang pag-ibig ng Diyos ang makakasupil nito.
Isa sa nakakapag-trigger ng inggit o selos (envy), makasariling ambisyon (selfish ambition) at pagmamataas (pride), aware man tayo o hindi, ay kapag ang mga mata ay nakatuon (focused) sa mga bagay dito sa mundo. Kung ang ating kaisipan ay laging na-fe-feed ng mundo (mostly by social media), hindi malayo na ang makikita mo ay ang sarili mong kakulangan na tiyak na magdudulot ng kawalan ng kasiyahan (discontentment in terms of beauty, wealth or possession, position or relationship). Hindi malayong ikumpara mo ang sarili mo sa iba. Gusto mo kung anong mayroon ang iba, mayron ka rin; kung ano ang naabot ng iba, maabot mo rin. Kaya, magsusumikap ka ng husto gamit ang iyong sariling lakas at kaparaanan habang tinitignan mo ang accomplishments ng iba. Hindi ba’t ito’y nakakapagod? At kapag nabigo o hindi nakuha o naabot ang inaasam, ito’y nauuwi sa frustration or disappointment.
Hindi ito nangangahulugan na hindi ka na magnanasa na gumanda, lumago o yumaman, magkaroon ng promosyon o maging maayos ang anumang relasyon (lalo na’t kung ito ay para sa iyong pamilya), kundi, kapag natutunan at naintindihan mo na ang Diyos ang tanging kailangan mo sa buhay mo at Siya ang lagi mong inuuna (you desire to have a deeper relationship with God), Siya mismo ang gagabay sa iyo upang marating mo ang iyong mga pinapangarap o inaasam sa buhay sa madali at mabisang paraan. The works or accomplishments of other people (if done in faith and out of love) are there to inspire us, not to make us envious. Huwag tayong mainggit sa promotion o success ng iba, bagkus, pasalamatan natin ang Diyos sa kanilang tagumpay.
Pinapaalala din sa atin ng Salita ng Diyos na huwag nating ituring ang ating sarili na higit sa ibang tao; ito ay pagmamalaki/kataasan (pride). But let us always humble ourselves in the sight of God (as Christ humbled Himself), and in due time God will exalt us. Magkaroon tayo ng kaisipan ni Cristo na bagamat Siya’y Diyos, Siya’y nagpakababa at nagkatawang tao upang tayo’y Kanyang abutin, kaya naman Siya’y itinampok ng Diyos nang higit sa lahat ng pangalan. Gayundin si Pablo, itinuring Niya ang lahat ng kanyang mga nagawa na basura (rabbish) makamtan lamang si Cristo at ang tanging pinakananasa niya ay ang makilala Siya ng lubusan sa kanyang buhay. Paul says in Philippians 3:24, “I press toward the mark for the prize of the high calling of God in Christ Jesus (KJV).” Ang mithiin ng kanyang puso ay ang matapos ang kanyang takbuhin o ang panawagan ng Diyos sa kanyang buhay. Ang kasiyahan niya ay si Cristo; ang buhay niya ay si Cristo; at alam niya na anuman ang kanyang kalagayan, kaya niya itong pagtagumpayan dahil si Cristo ang nagbibigay-lakas sa kanya. O anong kay ganda at saya ng buhay na may malapit na kaugnayan sa Diyos!
Elevate: Application/suggested questions:
1. Nagkakaroon ka ba ng hindi magandang pandama sa iyong sarili kapag nakikita mo ang iba na nagtatagumpay? Kung oo, ano ang kinakailangan mong gawin para mawala ito?
2. Pride has two faces: (a) you boast of your success or accomplishments or (b) you look down on yourself (low selfesteem). Saang mukha ka nakaka-relate dito?