Exalt: “Love Has a Name”
Empower: Psalm 37:8; Ecclesiastes 7:9; Ephesians 4:26,30-32;
Romans 12:9, 21; Proverbs 15:1; John 13:34-35
Rising Above Anger/Bitterness
Ang galit ay normal na reaksyon ng isang tao sa mga bagay o gawa na taliwas sa magandang asal o pag-uugali o labag sa batas, lalo na’t kung ito’y nakakasama o nakakaperwisyo sa kapwa tao. Ito’y pagpapahayag ng damdamin at bahagi sa pagkalikha ng Diyos sa tao. Hindi ito masama o kasalanan kung gagamitin ng tama. A godly or righteous anger is not a sin. Ang ating Panginoong Hesus ay nagalit nang gawing palengke (marketplace) ang bahay ng Kanyang Ama (ang Templo), pero hindi Siya nagkasala. Sinasabi sa Efeso 4: 26, “Kung magagalit man kayo, iwasan ninyo ang kayo'y magkasala. Huwag ninyong hayaang lumubog ang araw na galit pa rin kayo.” (MBBTAG) Bilang mga mananampalataya, tayo ay galit sa anumang labag sa kalooban ng Diyos (e.g. immorality, idolatry, unrighteousness, evil).
Kung gayon, anong uri ng galit ang nakakasama sa tao? Ito ay ang galit na ang karaniwang pinagmumulan ay kataasan (pride), inggit (envy) o malabis na pagmamahal sa sarili (self-loved/selfcenteredness). Definitely, ang ganitong uri ng galit ay hindi galing sa Diyos; ito ay ipinapasok ng kaaway sa isip at puso ng tao upang sirain ang kaniyang buhay. This unrighteous anger leads to strife, chaos or sin for that matter. Again, maging malinaw sa atin na ang lahat ng galit (unrighteous anger) ay may pinag-uugatan. Cain was angry with his brother Abel because of envy; so as King Saul to David. Ang matinding galit ni Cain (na ang ugat ay inggit) ay nauwi sa pagpatay (murder); dahil din sa inggit, tinangkang patayin ni Haring Saul si David. Ang galit [poot o sama/sukal ng loob (bitteness)] na ang ugat ay kataasan (pride) ay nauuwi sa pagaaway, kaguluhan, and eventually, hiwalayan. Maging ang mga Kristiyano ay maaaring madala ng galit (o maakay ng kaaway) kung hindi natin iingatan ang ating puso (guard our hearts) sa pamamagitan ng Salita ng Diyos.
As man, we are easily offended by what we see or hear from other people. Nagagalit tayo dahil natamaan ang ating ego (self). At ang natural response natin ay gumanti (retaliate); masama din ang ating isinusukli o ‘sinasagot sa mga taong naka-offend sa atin. But this should not be the case for us who are Christians! Mayroon tayong bunga ng Espiritu Santo at may kakayahan tayo na mapagtagumpayan ang di nararapat na galit. Ang pag-ibig ng Diyos na inilagay Niya sa ating mga puso ang tanging makakatalo sa anumang galit, poot o sama ng loob sa sinumang nakagawa ng masama o nakapanakit ng ating damdamin. We can fight/overcome evil with good! (Romans 12:21) Kilalanin mo ang walangkondisyong pagmamahal (unconditional) ng Diyos sa iyo upang ito rin ang maipakita mo sa ibang tao. Minahal at pinatawad tayo ng Diyos sa kabila ng ating mga karumihan at kasalanan at iyon ang nag-udyok sa atin upang magbago. Hindi mababago ng galit ang sinumang tao; huwag mo siyang piliting baguhin, hindi mo iyon magagawa. Tanging ang habag at pag-ibig ng Diyos ang makakapagpabago sa kanya. Patawarin natin ang iba kung paano tayo pinatawad ng Diyos.
Magalit tayo sa kaaway (Diablo), hindi sa tao. Siya at ang kanyang mga gawa (e.g. sakit, kahirapan, pag-uusig) ang maging object ng ating galit. We wrestle not against flesh and blood! 12Sapagkat hindi tayo nakikipaglaban sa mga tao, kundi sa mga pinuno, sa mga maykapangyarihan, sa mga tagapamahala ng kadilimang umiiral sa sanlibutang ito, sa mga hukbong espirituwal ng kasamaan sa himpapawid. (Efeso 6:12 MBBTAG) Hindi tao ang kalaban natin; huwag nating ibuhos ang ating lakas upang makaganti sa sinumang gumawan ng masama sa atin. Bagkus, ipanalangin natin sila sa Diyos upang makawala sa anumang bumibihag sa kanila. Ang liwanag ni Cristo ang lalaban sa anumang kadiliman o kasamaan. We can shine the Light of Christ in the midst of darkness.
Elevate: Application/suggested question:
1. Pumili ng isa at kumpletuhin ang talata:
a. Galit ako sa/kay ________, dahil _____________.
b. Galit ako sa sarili ko dahil ___________________.
c. Galit ako sa Diablo dahil ____________________.
[Note: Leaders may give wise advice to those who completed a or b.]
2. Magbigay ng isang karanasan kung saan ang pag-ibig ang nangibabaw kaysa galit (unrighteous anger).