Exalt: “Spirit Lead Me”
Empower: Genesis 37:5-1; Hebrews 11:1; Proverbs 19:21;
John 10:10; Rev 2:4-5; Exo. 3:14; A
The Power of Vision
Ipinakita ng Diyos kay Jose ang naghihintay na kinabukasan (future) sa kanya sa pamamagitan ng mga panaginip. Hindi pangkaraniwan ang mga panaginip ni Jose. Sa murang edad, napanaginipan niyang siya ay magiging dakila, na sinasagisag ng mga bigkis ng trigo na yumuyuko sa kanyang bigkis, at maging ang araw, buwan at mga bituin ay nagbibigay-galang sa kanya. Ipinapakita ng mga panaginip
na ito ang isang hinaharap na lubos na malayo sa kanyang kasalukuyang kalagayan – isang anak ng pastol, bunso sa magkakapatid (nang hindi pa ipinapanganak si Benjamin), at simpleng namumuhay sa Canaan. Ngunit naniwala si Jose sa pangitain na inilagay ng Diyos sa kanyang puso, kahit pa ito ay hindi tinanggap ng kanyang sariling pamilya.
Vision – is an ability to literally see the invisible in order to make it possible. Ang kapangyarihan ng pangitain (the power of vision) ay tungkol sa kakayahang makita ang higit pa sa kasalukuyan (beyond present), higit pa sa mga limitasyon ng nakikita ng ating mga mata. It is about holding on to hope and purpose when circumstances seem to contradict the promise or vision. Ipinapakita sa atin ng kuwento ni Jose na madalas, ang totoong pangitain ay hindi nauunawaan, at minsan ay kinaiinggitan at pinipigilan ng mga taong hindi kayang makita ang ipinakita ng Diyos sa atin. Ngunit hindi hinayaan ni Jose na mamatay ang kanyang pangitain; bagkus, ito ang gumabay sa kanya upang matupad ang layunin ng Diyos sa kanyang buhay - ang iligtas sa gutom (famine) hindi lamang ang kanyang pamilya kundi lahat ng mamamayan ng Egypto at mga karatig bansa.
The enemy will try to steal, kill or destroy the vision God gave to us (John 10:10); but do not allow him to succeed, instead, let us always go back to our first love (Rev. 2:4-5) and remind ourselves who we are in Christ.Mahalaga na dapat tandaan at maunawaan ay ang katotohanan na ang pangitain na mula sa Diyos ay hindi lamang para sa sariling kapakinabangan (personal gain or benefit), kundi para sa kabutihan ng iba. Vision therefore, is a call to responsibility, not just privilege. Anumang pangitain na mula sa Diyos ay nakaugat sa pananampalataya (faith) at layunin (purpose). Ito’y nangangailangan ng tiyaga, pagtitiis at matatag na pagtitiwala sa Diyos. Kung minsan naiisip natin na tila imposibleng mangyari ang ating pangarap o pangitain para sa ating pamilya, organisasyong kinabibilangan, o iglesia, subalit, maging paalala sa atin ang buhay ni Jose na huwag kailanman bibitaw sa pangitaing ipinagkaloob ng Diyos. Walang anumang kahirapan o situasyon (current circumstances) ang makapipigil sa katuparan ng pangitan na mula sa Diyos. Ang katuparan nito ay hindi nakasalalay kung sino ka o anong mayroon ka, kundi kung sino ang Diyos sa iyong buhay. God is our Jehovah Jireh (the God who provides). Mayroon Siyang nakalaan na probisyon upang matupad ang pangitaing inilagay Niya sa iyong puso.
Do you have a vision of the future (of yourself, family, organization)? Having a vision is so powerful. Ano ang nakikita mong kinabukasan mo ayon sa layunin ng Diyos sa iyo? Mahalaga na magkaroon ng malinaw na pangitain sa buhay. Where there is no vision (divine revelation), the people perish (Prov 29:18). Ang pangitain ang magtutulak sa atin na magpatuloy sa kabila ng anumang kahirapan. Ang pangitaing inilagay ng Diyos sa ating puso ang gagabay sa atin upang matupad ang Kanyang layunin kung bakit Niya tayo tinawag.
Elevate: Application/Suggested Questions:1. Ano ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng “pangitain” sa buhay, at paano ito naiiba sa simpleng pangarap o ambisyon?
2. Katulad ni Jose, naranasan mo na rin ba na hindi maintindihan o tutulan ng iba (e.g. family) ang iyong
pangarap o pangitain? Paano mo ito hinarap?