Exalt: “Prophesy”
Empower: 1 Corinthians 12:10b; 14:1, 3-4, 22-25; Acts 2:16-18;
Gift of Prophecy
“… ang iba naman ay binigyan ng kakayahang maghayag ng mensahe ng Dios.” (1 Cor. 12:10b) Sa lahat ng mga kaloob na binanggit ni Pablo, bakit hinikayat niya na nasain (desire) ng mga mananampalataya sa Corinto ang gift of prophecy o kaloob na maghayag ng mensahe ng Diyos(1 Cor. 14:1)? Mayroon bang mas higit o mas mahalaga sa mga kaloob? Mahalaga na maunawaan ang background at context ng mga sinabi ni Pablo upang masagot ang mga katanungang ito. Sa panahong iyon, mas binibigyang halaga at oras ng mga mananampalataya sa Corinto ang pagsasalita ng iba’t-ibang wika (gift of tongues) at napapabayaan ang ibang kaloob lalo na ang paghahayag ng mensahe ng Diyos (gift of prophecy). Ipinaliwanag ni Pablo sa kanila na walang masama sa pagsasalita ng iba’t-ibang wika dahil ‘pinapalakas nito ang sarili; in fact, sinabi niya na siya’y nagsasalita ng iba’t-ibang wika ng higit pa sa kanilang lahat. However, ang mga Corinthian believers ay hindi naging balanse sa paggamit ng mga kaloob. They over-value the gift of tongues and put less value on the gift of prophecy. Kaya ganoon na lamang ang pagpapaliwanag ni Pablo sa dalawang kaloob na ito…na ang pagsasalita ng iba’t ibang wika ay nakapagpapalakas ng sarili [the believer with the gift of tongues speaks to God and edifies self]; samantala, ang paghahayag ng mensahe ng Diyos
na nauunawaan ng lahat (not just between God and himself) ay nagpapalakas sa ibang mananampalataya (strengthens other believers). The one with the gift of prophecy speaks to men; used words understood by all; and edifies or builds up the church.
Prophecy is the ability granted supernaturally by the Holy Spirit to a believer to speak forth words that proceeds from God that do not come from believer’s own wisdom or understanding or education (Derek Prince). Ito ay kakayahang ihayag ang Banal na Kasulatan o Salita ng Diyos (holy scriptures) sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu. Ito’y mga pananalitang nag-uugat sa pag-ibig at hindi kahatulan (condemnation). Hindi rin ito nagbibigay ng kaguluhan (confusion) sa mgamananampalataya. The prophecy (words) uttered by a believer who has the gift EDIFIES (strengthens), EXHORTS (encourages, stirs up), and COMFORTS (cheers up) other believers [and in some cases, unbelievers, as written in 1 Cor. 14:24 - Ngunit kung lahat kayoʼy nagpapahayag ng mensahe ng Dios at may dumating na hindi mananampalataya na hindi alam ang inyong ginagawa, makikilala niyang makasalanan siya, at malalaman niya ang tunay niyang kalagayan.] But normally, the gift of prophecy is for the believers. Ito ang layunin ng mga kaloob sa pangkalahatan.
Ang mga salitang inihahayag ng mayroong ganitong kaloob ay hindi galing sa sarili niyang karunungan; kundi, ito’y personal na kapahayagan (revelation) ng Diyos sa kanya. God speaks from the inside through His Spirit and His message is very personal. The gift does not operate through human reasoning or training but by the supernatural operation of the Holy Spirit. Paano malalaman kung ang mga salitang sinasabi ng isang mananampalaya (who claims to have the gift of prophecy) ay galing sa Diyos? Una, ito’y umaayon (not contradicts) sa sinasabi ng Salita ng Diyos; pangalawa, ang nahahayag at naluluwalhati ay si Cristo; pangatlo, ito’y nagpapalakas at nagpapatatag sa ibang mga mananampalataya. Napakahalaga ng bahagi o partisipasyon ng bawat mananampalataya sa iglesia ng Panginoon upang ito’y lumago at maging matatag. Sinasabi sa Gawa 2:16-18 na sa mga huling araw (and we believe we’re in the last days), ibubuhos ng Diyos ang Kanyang Espiritu sa lahat ng uri ng tao at ang mga anak na lalaki at babae at ang Kanyang mga lingkod o alipin ay maghahayag ng Kanyang Salita (they will prophesy).
Elevate: Application/suggested question:
1. Nakarinig ka na ba ng mga pananalita o pahayag (prophecy) mula sa isang kapatid (or believer) na alam mong hindi ito galing sa Kanyang sariling karunungan, kundi sa kaloob o kakayahan na ibinigay ng Banal na Espiritu? O di kaya’y, naranasan mo na bang magbahagi o maghayag ng mga salitang alam mong hindi galing sa iyong sariling karunungan o kakayahan kundi mula sa Banal na Espiritu?