Exalt: “A Thousand Hallelujahs”
Empower: Acts 2:4-6; 1 Corinthians 12:10b,28-30; 1 Corinthians 14:1-2, 5-6,12-15,18-19, 22, 26-28
Gift of Tongues and Gift of Interpretation of Tongues
Nakapagsalita ka na ba ng ibang wika (na hindi natutunan)? Nagnanasa ka ba na maranasan mo iyon (kung hindi pa) o maipagpatuloy mo (kung naranasan mo na)?
Gift of Unknown Tongues - the ability supernaturally given by the Holy Spirit to the believers to speak in a language not understood by the speaker. Ang pagsasalita ng ibang wika (speaking in tongues, in general) ay isa sa mga controversial na gawain (activity) sa loob ng iglesia, ngunit kung mauunawaan at sasanayin (exercise) ng bawat mananampalataya, ito’y sandata at kapangyarihan na maaaring gamitin anumang oras o situasyon; secret weapon ika nga!
It is apparent na dalawang magkaibang setting o tagpo ang tinutukoy ni Pablo sa kanyang mga sulat tungkol sa pagsasalita ng ibang wika. Ang isa ay tumutukoy sa pagsasalita ng ibang wika ng pansarilinan o pribado (privately) [i.e. private communion with God]; “Ang taong nagsasalita sa ibang wika na hindi niya natutunan (Note: italicized words are not included in the original Greek manuscript) ay nakikipag-usap hindi sa tao kundi sa Dios, dahil wala namang nakakaunawa sa kanya. Nagsasalita siya ng mga hiwaga sa tulong ng Banal na Espiritu” (1 Corinto 14:2 ASND). Ang tinutukoy dito na pagsasalita ng ibang wika (or speaking in an unknown language) ay maaaring maranasan ng lahat ng nabautismuhan ng Banal na Espiritu. Ang karanasang ito ay unang nangyari sa Araw ng Pentecostes sa Acts 2:4-6 nang mapuspos ang mga alagad ng Banal na Espiritu at nagsalita sila ng iba’t-ibang wika. [Speaking in other tongues is said to be the outward evidence or proof that a believer is already baptized with the Holy Spirit.] Sa mga nabautismuhan na ng Banal na Espiritu, ang pagsasalitang ito ng ibang wika ay maaring ipagpatuloy privately sa tuwing nananalangin o nagpupuri sa Diyos upang palakasin o patibayin ang sarili; o kung nasa kapulungan man (church assembly), maaari din itong gamitin ng hindi gumagawa ng ingay (using vocal cords softly, to avoid disorder.)
Speaking in tongues (in private setting) builds up self or edifies personal spiritual life. Si Pablo ay isang halimbawa sa maaaring gawin ng pagsasalita ng ibang wika sa buhay ng isang mananampalataya. Naihayag sa kanya ang mga hiwaga tungkol kay Cristo (i.e. revelation knowledge) dahil palagi siyang nananalangin sa espiritu (praying in the spirit or speaking in tongues). Praying in other tongue or language helps us to pray without limit. Minsan hindi natin alam kung ano ang ating ipapanalangin, ngunit sa pamamagitan ng pagsasalita ng ibang wika (also praying in the spirit), maaari tayong manalangin hanggat gusto natin. Tongues may be in a form (or genre) of praise, intercession, rebuke or exhortation(*exhortation with interpretation).
Ang isa pang setting ay pagsasalita ng ibang wika sa kapulungan o pagtitipon (church assembly or public gathering), at ito ang tinutukoy sa 1 Corinto 12:10b na gift of different kinds of tongues, “Sa ibaʼy ipinagkaloob ang kakayahang magsalita sa ibaʼt ibang wika na hindi nila natutunan… (ASND)” Dito sa setting na ito pumapasok ang Gift of Interpretation of Tongues or the ability given by the Holy Spirit to speak, in a language understood by the speaker, the meaning of words previously spoken in an unknown language. Take note na ang interpretation of tongues ay hindi wordfor-word translation; ito ay pagbibigay ng kahulugan sa ibang wikang binigkas (unknown language) gamit ang wikang pamilyar sa mga nakakapakinig (known language). Depending on local church location or context, the interpretation could either be in Filipino, English or common dialect like Kapampangan, Ilokano, Bisaya and others. Take note also, na hindi binabago ng Diyos ang personalidad ng nagsasalita ng ibang wika o ng nagbibigay kahulugan sa mga ito. Upang maging maayos ang pananambahan, dalawa o tatlo ay sapat na kung mayroong magsasalita ng ibang wika sa mga kapulungan (church assembly). At ang pinakamahalaga - ang laging motibo ng mga kaloob na ito ay pag-ibig. You speak in tongues or interpret them because your love for the brethren motivates you to do so.
Elevate: Application/suggested question:
Exercise Speaking in Tongues, and if possible, Interpretation of Tongues in your group empowerment. For interpretation, be sensitive to the following prompts of the Holy Spirit: (1) an introductory phrase or sentence (2) a sense of pressure with words or scriptures, (3) Hearing words, seeing words or seeing a picture or a vision. Please do this in order; avoid creating noises or confusion.