Exalt: “Believe For It”
Empower: Ephesians 1:15-23; 6:18; Romans 8:26; Jude 1:20; Acts 12:1-6; 8-11
Efeso 6:18 - Manalangin kayo sa lahat ng pagkakataon, humiling at sumamo sa patnubay ng Espiritu. Lagi kayong maging handa, at patuloy na ipanalangin ang lahat ng hinirang ng Diyos. (MBB) [praying at all times in the Spirit, with all prayer and supplication. To that end, keep alert with all perseverance, making supplication for all the saints (ESV)]
Ang panalangin ay isang makapangyarihang sandata ng isang mananampalataya, subalit katulad ng ibang mga sandata kailangan itong gamitin ng tama. Paano ka ba manalangin? Ano ang laman ng iyong mga panalangin? Ano ang nag-uudyok sa iyo para ikaw ay manalangin? Ikaw ba ay nananalangin dahil mayroon kang kinakaharap na suliranin o mayroon kang hinihingi sa Diyos? O, ikaw ay nananalangin (nakikipag-usap sa Diyos) dahil sa iyong kaugnayan sa Kanya?
Maging malinaw sa atin na may malaking pagkakaiba ang panalangin (in manner and approach) sa Lumang Tipan at panalangin sa Bagong Tipan. Sa Lumang Tipan, kinakailangan nilang manikluhod o magsumamo (beg) sa Diyos upang mapawi ang Kanyang galit (because of sin) at hindi sila parusahan. Subalit sa Bagong Tipan, mayroon nang Cristo na namatay at nagbayad sa kasalanan ng buong sanlibutan. Naipagkasundo na ang Diyos sa tao sa pamamagitan ni Hesus, ang Tagapamagitan (the Mediator); nasa tao na lamang kung makikipagkasundo siya sa Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya. Tayo na nakipagkasundo sa Diyos at naging matuwid sa Kayang harapan ay malaya nang makakalapit sa Kanyang trono sa panalangin, hindi upang manikluhod at magsumamo sa Kanya (which most Christians do), kundi, kilalanin lamang ang ibinigay na Niya sa atin. Anuman ang ating pangangailangan sa buhay, karamdaman man iyan o pinansyal… anuman ang ating pinagdadaanan, binigyan tayo ng Diyos ng kapangyarihan (authority) na ideklara o ipahayag (sa pamamagitan ng panalangin) kung anong mayroon tayo at
kung sino na tayo ngayon sa harapan ng Diyos. Kaya’t kailangan nating magbabad sa Kanyang Salita upang patuloy na maliwanagan ang ating kaisipan sa mga benepisyo ng ginawa ni Cristo sa buhay natin. Ito ang panalangin ni Pablo para sa mga mananampalataya sa Efeso, ang makita nila ang mayamang biyaya at di-masukat na kapangyarihan na ibinigay ng Diyos sa mga nanalig kay Hesus. Ang kapangyarihan na bumuhay kay Hesus ang siya ring kapangyarihang sumasaatin; dahil tayo’y nabuhay din na kasama Niya (Eph. 1:18-20)! Mahirap paniwalaan ng karamihan subalit ito ang katotohanan. Hangga’t hindi nakikita ng ating puso ang katotohanang ito, mahihirapan tayong gamitin ito sa ating mga panalangin. Without faith, ang laman ng panalangin ay magiging base sa pangangailangan at nararamdaman (feeling), hindi base sa kabutihan, pag-ibig at biyaya ng Diyos. Start your prayer by praising God (to overcome negative thoughts that hinder you to pray.) Declare His goodness and faithfulness in your life. Ipahayag (declare) mo kung ano ang ginawa ni Cristo… na ikaw ay niligtas at tinubos na ni Cristo sa pamamagitan ng Kanyang dugo… na ikaw ay matuwid na dahil sa Kanyang Katuwiran…na ikaw ay itinuring na anak ng Diyos at tagapagmanang kasama ni Cristo! If you do not know what to pray, pray in the Spirit (speak in tongues). Ang Espiritu ng Diyos na nakakakita sa iyong puso ang tutulong sa iyo kung paano manalangin (Rom.8:26).
Nais ng Diyos na mamuhay tayong matagumpay sa lahat ng bagay, puspos ng kagalakan at kapayapaan. Kaya naman ibinigay na Niya ang lahat ng pagpapalang espiritual na kakailanganin natin sa pamumuhay sa mundong ito; subalit, kailangan nating lumakad ayon sa kung anong mayroon tayo at sino tayo sa espiritu (walk and live in the spirit). Always remember, everything starts and comes from within (from the inside out).
Elevate: Application:1. Sa pagtatapos ng group empowerment, manalangin ng may pasasalamat ang bawat isa sa pamamagitan ng paghahayag ng mga pagpapala o biyaya ng Diyos sa kani-kanilang buhay.
Announcement: CFSM Convention on December 28-30, 2023 @ Vista Verde Resort, Pulung Maragul, Angeles City