Exalt: “Katapatan Mo”
Empower: John 14:3-7; Acts 4:12; John1:12,10:7-9,17:17; John 6: 47-48; 63, 10:10, 11:25
Jesus: The Way, The Truth and The Life
Sa kaibuturan ng puso ng tao (innermost being) naroon ang paghahanap niya sa isang nakatataas sa kanya (a supreme being) na makapagbibigay sa kanya ng kasiyahan o kaganapan sa buhay. However, sa kanyang kondisyon bilang makasalanan [fallen state (man is spiritually dead/alienated from God], hindi niya mahanap ang tunay na Diyos kung kaya’t iba-ibang diyos (gods and goddesses), relihiyon (religions of the world) at pamamaraan (good works/deeds) ang kanyang kinikilala o ginagawa na iniisip niyang makapagbibigay ng kaganapan sa buhay. Mula noon hanggang ngayon, ang tao’y nagsasaliksik/naghahanap gamit ang kanyang sariling karunungan at kakayahan. Man is searching for ways and truths to ease his life’s miseries and querries (mga tanong sa buhay). Subalit hindi nagiging sapat upang makamtan niya ang kanyang hinahanap.
Dahil sa malabis na pag-ibig ng Diyos sa tao (lost and hopeless man), Siya na mismo ang umabot/naghanap sa tao sa pamamagitan ni Cristo at malaman ng tao na tanging Siya (si Hesus) lamang ang Daan tungo sa kaligtasan, ang Katotohanan ukol sa Diyos at ang Buhay na makakamtan lamang sa pakikipag-ugnayan sa Kanya.
Jesus is the Way. Wala nang ibang daan patungo sa Diyos Ama at sa Kanyang kaharian kundi si Hesus lamang. Sa Kanya lamang matatagpuan ang kaligtasan (Acts 4:12), sa pamamagitan ng pananampalataya sa Kanya. Wala nang ibang kailangang gawin pa na pamamaraan ang tao upang siya’y maligtas o upang malugod ang Diyos sa Kanya; panaligan lamang si Cristo at ang Kanyang ginawa sa pamamagitan ng pagtanggap sa Kanya bilang personal na Panginoon at Tagapagligtas. Remember, we were saved by grace; ang mabubuting gawa ay bunga na lamang ng lumalagong kaugnayan at pagkakilala (understanding) sa Kanya.
Jesus is the Door/Gate that would lead us to green pastures (John 10:9); He is everything we need in this life. Even in times of drought or crisis, alam Niya kung saan Niya tayo dadalhin kung susunod tayo sa Kanya bilang Kanyang mga tupa. Buhay Niya ang Kanyang ibinigay para sa kanyang mga tupa (followers), what more can He not give?
Jesus is the Truth. Siya ang kaganapan ng sinasabi ng Kasulatan; ang Salita ng Diyos ay katotohanan (John 17:17). Walang kasinungalingan sa Diyos; hindi Siya nanlilinlang; hindi Siya nagkakamali. Gayundin naman, lahat ng sinasabi ni Hesus ay totoo; at ang patuloy pang-unawa sa Kanyang mga sinasabi ang makapagpapalaya sa tao. “If you abide in My word, you are my disciples indeed. And you shall know the truth and the truth shall make you FREE.”(John 8:32)
Jesus is the Life. Marahil hindi bago sa ating pandinig ang mga katagang “food is life”, “coffee is life”, and even “’kilay’ is life.” Bagamat ito’y mga pang-aliw lamang sa tao, naniniwala tayo bilang mga anak ng Diyos na si Hesus lamang ang tunay na pinagmumulan ng tunay na buhay (a “zoe” life – a complete life; a life of peace, joy and freedom.) At ito’y nagpapasimula sa Kanyang Salita. “The words that I speak to you they are spirit and they are life.” Jesus is the Resurrection and the Life (John 11:25); He is the Bread of Life (John 6:47-48). Patuloy tayong mabuhay sa Kanyang Salita; ‘Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao, kundi sa bawat salitang nagmumula sa bibig ng Diyos.” Kay Hesus, hindi na tayo muling magugutom; Siya ang tunay na kaganapan ng buhay. Halleluiah!
Elevate: Application/Suggested Question:
1. Marami pang wala sa kawan ng Diyos (sa kanyang pamilya); ano ang maaari mong gawin upang ipakilala si Hesus sa iyong mga mahal sa buhay (i.e. magulang,
kapatid, kaibigan o kamanggagawa) o ibang tao bilang tanging Daan, Katotohanan at Buhay?