Exalt: “I Speak Jesus”
Empower: Matthew 28:18-20; 1 Corinthians 15:27-28; John 5:22,12:49; Matthew 4:23; Colossians 1:13-14
Jesus, Full of Authority and Power
Ganito ang sinasabi ng kasulatan, “Ang lahat ng bagay ay lubusang ipinailalim ng Diyos sa kanyang kapangyarihan.” (1 Corinthians 15: 27a)
Lumapit si Jesus at sinabi sa kanila, “Ibinigay na sa akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa.(Matthew 28:18a)
Kaninong kapangyarihan ipinailalim ng Diyos ang lahat ng bagay? Sa kapangyarihan ni Cristo. Bakit ibinigay ng Ama sa Anak (Jesus) ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa? Upang makapaghari ang Diyos sa lahat; “Sa gayon, lubusang maghahari ang Diyos sa lahat” (1 Cor. 15:28b). Dahil ang Diyos Ama ay sumasa-Anak, nakakapaghari Siya sa pamamagitan ng Anak.
Jesus has been given full authority and power over all things. He has the authority to forgive sins and give eternal life. He has authority over sickness and diseases, over death, over the enemy and demons or evil spirits and over nature. Nabuhay at lumakad si Hesus ayon sa awtoridad at kapanyarihang ibinigay sa Kanya ng Ama sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. Alam Niya kung anong mayroon Siya at ginamit Niya ito habang Siya’y nasa lupa para sa karangalan ng Diyos Ama. When Jesus speaks, He speaks with authority. Sumusunod sa Kanya hindi lamang ang masasamang espiritu kundi maging ang kalikasan (storms). Gamit ang awtoridad at kapangyarihan na nasa Kanya, gumaling ang babaeng 12 taon nang dinudugo, nakakita ang bulag na si Bartimaeus, gumaling ang alipin ng isang opisyal ng hukbong Romano (distance is not a problem with Jesus) , nabuhay na muli ang anak ni Jairus, luminis ang balat ng ketongin, nakakita ang bulag na si Bartimaeus, nakalakad ang paralitikong ibinaba ng apat niyang kaibigan mula sa bubong, napalaya ang inaalinhan ng masasamang espiritu, at marami pang iba.
Take note, sa lahat (halos) ng Kanyang mga pinagaling at ginawan ng milagro, makikita natin na unang tinuran ni Hesus ang problema ng tao sa espirituwal, ang kapatawaran sa kanilang kasalanan, sumunod ang kagalingan sa pisikal (physical healing). At ito’y napangyari dahil sa kanilang pananampalataya sa Kanya. Hindi lamang binigyan ng kapangyarihan si Hesus na magpatawad ng kasalanan, kundi magbigay ng buhay na walang hanggan sa sinumang mananalig sa Kanya. At binigyan din Siya ng kapangyarihang humatol sa mga hindi mananalig sa Kanya.
As believers of Christ, kailangan din nating maunawaan na binigyan din tayo ng awtoridad at kapangyarihan ni Hesus upang gawin ang Kanyang mga ginawa at upang hindi manaig ang anumang kahirapan, sakit o karamdaman, o anumang kadiliman sa ating mga buhay. Kung hindi natin kinikilala ang awtoridad at kapangyarihan na nasa atin, hindi natin ito magagamit at tatanggapin na lang natin ang mga hindi magagandang bagay na nangyayari sa ating mga buhay. Faith comes by hearing and hearing the Word. Patuloy nating pagbulayan ang Kanyang Salita upang makita natin (in our born again spirits) kung anong mayroon tayo at kung ano ang Kanyang ninanais para sa atin. God wants us
well; healing is part of His love to us; He desires good health for all of us. He wants us to prosper in all things; He wants us to experience the abundant life He intended for each one of us. As a believer, you have the authority over your situation. Use it. Speak God’s promises.
Elevate: Application/Suggested Question:
1. “Behold, I give you the authority to trample on serpents and scorpions, and over all the power of the enemy, and nothing shall by any means hurt you.” (Luke 10:19) Gaano kadalas mong ginagamit ang awtoridad at kapangyarihang nasa iyo (over the situation or circumstances in your life)? Magbigay ng halimbawa.