Seasons of Seeking God and Spiritual Renewal

ANG DIYOS AY DAKILA (GREAT IS THE LORD)
Song by Maranatha Music

Ang Diyos ay dakila at dapat purihin
Kagalaka'y sa Kanya nanggaling
Siya ay dakilain
Siya ang nagbibigay sa ‘tin ng tagumpay
Nagliligtas mula sa kaaway
Atin Siyang sambahin
Ang Diyos ay dakila at dapat purihin
Kagalaka'y sa Kanya nanggaling
Siya ay dakilain
Siya ang nagbibigay sa ‘tin ng tagumpay
Nagliligtas mula sa kaaway
Atin Siyang sambahin
Chorus:
O Diyos nais Ka naming itaas
Pasalamatan lagi
Sa'yong mga pagpapala
Magtiwala Sa'yong pag-ibig
‘Pagkat Ikaw lamang ang tunay
Tanging Diyos na walang hanggan

Exalt: “Ang Diyos ay Dakila (Great is the Lord)”
Empower: Psalm 27:4; 51:10; Psalm 23, 49,139; 2 Samuel 5:19;  Acts 13:22; Jeremiah 29:13; Hosea 10:12 

Seasons of Seeking and Spiritual Renewal
Kay Yahweh ay isang bagay lang ang aking hiniling, iisa lamang talaga ang aking hangarin: ang tumira sa Templo niya habang buhay, upang kagandahan ni Yahweh'y aking mapagmasdan, at doo'y humingi sa kanya ng patnubay. (Psalm 27:4 ASND)

What a heart that seeks God’s Presence and longs to worship the Majestic God! David desired to be in His temple and gaze on His beauty (i.e. His grace, favor, kindness and goodness). Ito ang puso na hinahanap ng Diyos sa bawat tinawag Niya – isang pusong nananabik sa presensya Niya at nagagalak sa pagsamba sa Kataas-taasang Diyos… isang pusong ang tanging hangarin ay makaniig at makasama Siya (have fellowship). Ito ang naisin ng Diyos hindi dahil sa Siya ay makasariling Diyos, kundi, sa pamamagitan ng ating paglapit sa Kanya, mamalas natin ang kanyang kagandahan, maranasan kung sino Siya - na Siya’y mabuti, mabait at mabiyayang Diyos - at makasumpong ng kapayapaan sa Kanyang Presensya.

Sa bawat yugto o panahon sa buhay ni David, natutunan niyang tumakbo lagi sa Diyos. Kahit nang siya’y nagkasala, instead of running away FROM God, he ran TO God! The “sweet psalmist of Israel” continuously sought God and longed to be in His presence. Ang mga sinulat niya ay sumasalamin sa kanyang pananabik na makapiling ang Diyos. Ang kanyang buhay ay puno ng mga tagumpay at hamon, subalit ang kanyang mga isinulat na psalmo ay laging nagpapakita ng pusong matatag sa presenya ng Diyos.

Sa Awit 23, ipinahayag ni David na ang Panginoon ang kanyang Pastol – ang gumagabay, nag-iingat at naglalaan sa mga pangangailangan niya. He expressed God’s goodness and faithfulness. Kahit sa panganib, naroon ang katiyakang hindi siya iiwan ng Diyos. Alam ni David ito dahil siya ay isang pastol; kung paano niya inaalagaan ang kanyang mga tupa, nagtitiwala siya na gayon din ang gagawing pag-aalaga at pag-iingat ng Diyos sa kanya. Dahil dito, nakasumpong siya ng kapayapaan, hindi sa kalagayan niya, kundi sa walang hanggang pagsama ng Pastol! David’s TRUE REST was God! Kinikilala mo ba na ang Panginoon din ang iyong Pastol? Nakakaranas ka ba ng tunay na kapayapaan sa Kanya?

Sa Awit 42, inilarawan ni David ang matinding pagkauhaw ng kanyang kaluluwa sa Diyos – hindi lang simpleng kagustuhan na makainom ng tubig, kundi isang pangangailangang kasinghalaga ng tubig sa nauuhaw na usa (water that sustains the life of the deer.) Kahit sa pagod, sakit, lungkot, kapighatian at tila kawalan ng pag-asa, ang tunay na aliw at lakas niya ay nakakamtan niya sa tuwing lumalapit siya sa Panginoon. God was his deliverer, fortress, strength, shield, rock, and salvation (a present help in times of trouble)! Sa Awit 139, kinilala ni David na ang Diyos ang nakakalaalam ng lahat ng bagay patungkol sa kanya (as the Omniscient God), lalo na ang nilalaman ng kanyang puso o mga nakatagong bahagi ng kanyang pagkatao. Namangha siya na saan man siya magtungo, nandoon ang Espiritu ng Diyos (as the Omnipresent God). Inihayag ni David ang kadakilaan ng Diyos (the Omnipotent God) sa paglikha niya sa kanya.

Honoring God through praise and worship was a central part of David’s life. Kung nagawa iyon ni David, gaano pa kaya tayo na pinananahanan ng Espiritu ng Diyos? Maraming paraan upang mapuno ang ating puso ng pagpupuri at pagsamba sa Diyos sa anumang kalagayan o kahit ano ang ating ginagawa. Bukod sa pagsamba tuwing Linggo, maraming mga Kristiyanong awitin at tools/apps [e.g. Youtube, Spotify (free or premium)] ang nalikha upang i-stir up ang ating puso sa
pagsamba. Higit sa lahat, nariyan ang Kanyang Salita upang ipaalala ang Kanyang kabutihan, katapatan at kadakilaan sa ating buhay (that will truly motivate us to praise/worship Him).

Elevate: Application/Question:
1. Ano ang mga hadlang na pumipigil sa iyo upang hanapin (seek) ng buong puso ang Diyos?
2. Isalaysay ang iyong karanasan sa Presensya ng Diyos. 

AI Website Generator
Free Web Hosting