The Generosity of God

Only Jesus
by Bethel

Verse 1

You’re my constant in the chaos
You’re my compass when the road is long
You’re my portion, never failing
For me, only Jesus

Chorus

Let my heart want for nothing but You, just You
Let my heart want for nothing but You, just You
The riches of this world, could never satisfy
Let my heart want for only You

Verse 2

You’re my center should I wander
You’re my future and You redeem my past
Every moment and then forever
For me, only Jesus
For me, only Jesus

Bridge
For me, for me, only Jesus

Exalt: “Only Jesus”
Empower: John 1:12, 3:16; Ephesians 3:20; Col. 1:16-17

The Generosity of God
Generosity is in the very nature of God. Because God is love, giving flows naturally from who He is. He does not give merely because we deserve it; He gives because He is good.

Kung paanong hindi kailangang pilitin ng araw (sun) ang kanyang sarili na magbigay ng liwanag, dahil ito’y likas na ginagawa nito; hindi rin kailangang pilitin ang Diyos upang magmahal, maging mabuti, at magbigay. Hindi Siya kailangang manipulahin upang magbigay; to’y likas sa Kanya. Ang Kanyang biyaya ay dumadaloy mula sa Kanyang likas na kabutihan.

Mula pa sa simula, ang pagiging mapagbigay ng Diyos (generosity) ay makikita sa Kanyang mga ginawa. Bago pa Niya likhain ang tao, inihanda na ng Diyos ang lahat ng kailangan nito; at maging nang mahulog siya (ang tao) sa kasalanan, ang Kanyang biyaya ay patuloy Niyang ipinaranas dahil Siya ay Diyos na mapagmahal at mapagpatawad. In fact, bago pa magkasala ang tao, ipinangako na Niyaang Tagapagligtas. Siya ay isang Diyos na mapagmahal kaya Siya nagbibigay. Siya ay puno ng biyaya, kaya Siya nagpapatawad. Mahal Niya ang sangkatauhan, kaya ibinigay Niya ang Kanyang sarili sa pamamagitan ni Cristo. Namuhay Siya bilang tao sa gitna ng mga makasalanan upang sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan ay magkaroon ng buhay (not only life, but eternal life) ang sinumang mananalig sa Kanya. Ibinigay Niya ang Kanyang buhay alang-alang sa Kanyang mga minamahal.

John 3:16 - For God so loved the world that He gave His only begotten Son, that whoever believes in Him should not perish but have everlasting life.

What a loving and generous God we have!
Kung ang sarili niyang Anak ay hindi niya ipinagkait, sa halip ay ibinigay para sa ating lahat, hindi kaya niya ibibigay nang masagana sa atin ang lahat ng bagay? (Roma 8:32 ASND) Minsan, nakatuon tayo sa mga bagay na nais nating matanggap mula sa Diyos at nakakalimutan natin na ibinigay na Niya sa atin ang pinakamahalagang regalo – ang Kanyang Anak. Ang pinakamalaki nating pagpapala ay hindi kung anong materyal na bagay na mayroon tayo, kundi ang katotohanang mayroon tayong Diyos na nagmamahal sa atin at mayroon tayong buhay (kaugnayan sa Diyos) kay Cristo.

At dahil mahal tayo ng Diyos, maaari natin Siyang pagkatiwalaan sa lahat ng ating pangangailangan. Ang puso natin ay maaaring mapuno ng pasasalamat dahil kilala natin kung sino ang Diyos, at patuloy na nakikilala sa pamamagitan ng Kanyang Salita, na Siya’y Diyos na mapagbigay. Hindi nakasalalay sa ating kabutihan o gawa ang Kanyang pagiging mapagbigay. Ibig sabihin, hindi magiging mapagbigay ang Diyos dahil may partikular tayong ginawa para Siya magbigay. Again, Siya ay mapagbigay dahil Siya ay pag-ibig. God is love. Kalikasan Niya ito; hindi ito nababago ng anumang situwasyon o kalagayan; Siya’y patuloy na magiging mabuti, mapagmahal at ma    pagbigay, maniwala man ang tao sa Kanya o hindi. He is generous by nature! And that nature is also in us (believers)! That’s why generosity is our lifestyle.

Kay Cristo, ibinigay na ng Diyos sa atin ang lahat ng bagay na ating kakailanganin upang magawa natin ang Kanyang kalooban at layunin dito sa mundo. We received forgiveness, His righteousness, reconciliation, new identity and eternal life. We received the right to become children of God (John 1:12). We received His Spirit to guide and direct us. His power is working in us to live in victory. He has given us the power to create wealth!    

Elevate: Application Questions:
1. Mayroon bang bahagi ng iyong buhay kung saan mas nakatuon ka sa gusto mong matanggap mula sa Diyos kaysa sa kung ano na ang ibinigay Niya sa iyo kay Cristo?
2. Paano mo naipapakita ang generosity ng Diyos sa buhay mo?

‌

AI Website Builder
Free Web Hosting