Exalt: “The Stand”
Empower: Ephesians 1:19-20; 6:10-13; 1 John 4:4; Phil. 4:13; Rom.8:33; 2 Tim. 1:7, 2:1; Col. 1:10-11
Efeso 6:10 – Bilang pagwawakas, magpakatibay kayo sa kalakasang galing sa Panginoon at sa kanyang dakilang kapangyarihan. (MBB).
Efeso 6:13 – Kaya't gamitin ninyo ang kasuotang pandigma na mula sa Diyos. Sa gayon, makakatagal kayo sa pakikipaglaban pagdating ng araw na sumalakay ang masama, upang pagkatapos ng labanan ay matatag pa rin kayong nakatayo. (MBB).
Tunay na kamangha-mangha ang kabutihan ng Diyos sa Kanyang mga anak. He deeply loves us, takes care of us and guides us every step of the way. Think (ponder) of His goodness. Sa pasimula pa lang, ang Kanyang kabutihan at kadakilaan ay naihayag na sa Kanyang mga nilikha lalo na sa tao. Inihanda na Niya ang lahat ng kakailanganin ng tao [e.g. hayop, halaman, isda (biodiversity)] bago pa siya likhain, dahil espesyal siya (ang tao) sa Kanya. Ang tao lamang ang nilikhang ayon sa Kanyang larawan at wangis; kaya’t labis ang Kanyang pagmamahal dito. Maging noong nahulog ang tao sa kasalanan (and chose to live independent of God), hindi pa rin siya pinabayaan. Ang Diyos ang gumawa ng paraan upang mapanumbalik ang lahat ng nawala sa tao (e.g. life with God, joy peace, freedom), at iyon ay sa pamamagitan ng paghandog sa buhay ng Kanyang Bugtong na anak na si Hesus. At hindi pa natapos doon; sa pamamagitan ng pagkabuhay na muli (at pag-akyat sa Ama) ni Hesus, ang Kanyang Espiritu ay nanahan sa ating mga buhay upang hindi na kailanman mahiwalay sa Kanyang presensya. Purihin ang Panginoon!
Lahat… as in lahat… ay ginawa ng Diyos para sa atin dahil sa pag-ibig Niya at nais (kalooban) Niya na maranasan natin ang buhay sa piling Niya (isang buhay na ganap at kasiya-siya). Hindi lingid sa Kanya na may labanan (in the mind) tayong kinakaharap (i.e. lies and deceptions of the enemy) at mga hamon ng buhay (sufferings, tribulations, persecutions) na kailangang malampasan. Kaya naman, ibinigay Niya ang Kanyang buong baluti sa pakikipagdigma upang tayo’y ingatan at protekyonan… upang hindi manaig ang kasinungalingan ng kaaway; kundi, ang manaig sa ating puso’t kaisipan ay kung sino tayo kay Cristo.
Stand firm…be strong… and put on the full armor of God. Ito ang mga tagubilin ni Pablo sa mga taga-Efeso at ito ay kailangan nating maunawaan bilang mga mananampalataya…na tanging sa lakas at kapangyarihan lamang ng Diyos makakamit ang tagumpay; hindi sa sarili nating magagawa o kaparaanan. Limitado ang maaari mong magawa kung aasa ka sa iyong sarili o sa mundo. We cannot rely
and find peace on what this world offers to us. Only in Christ can we find strength and true joy and peace. Nawa’y matuto tayo na umasa sa Diyos at panaligan ang Kanyang Salita sa lahat ng kinakaharap natin sa buhay. Ang Kanyang biyaya ay sapat upang bigyan ka ng kakayahan na magawa ang anumang nilalayon Niya para sa iyo. Tanging sa kapangyarihan lamang Niya kung bakit mo makakayanan ang lahat ng bagay; at ang kapangyarihang iyon ay sumasaiyo. Greater is He that is in you, than he that is in the world! We can stand firm in our faith (in what we believe) because of Him.
Ang bawat bahagi ng baluti ng Diyos na ipinagkaloob sa atin ay tumutukoy sa ating kalagayan ngayon bunga ng ginawang pag-aalay ni Cristo sa Kanyang buhay. The finished work of Christ is our confidence that we can live in this world victoriously. Patuloy natin alamin ang mga katotohanan patungkol sa Diyos; kilalanin natin na tayo’y matuwid na sa harapan ng Diyos at tayo’y ligtas na. Gawin nating pananggalang ang ating pananampalataya at gamitin ang tabak, ang Salita ng Diyos, upang lagi tayong maging handa sa pangangaral ng mabuting balita ng kapayapaan; at higit sa lahat, huwag nating kalimutang manalangin sa Espiritu sa lahat ng pagkakataon. Nawa’y patuloy na mahubog sa ating puso at kaisipan ang mga katotohanang ito. Habang lumalalim ang ating pang-unawa kung sino ang Diyos at kung ano ang ginawa ni Cristo, katulad ng halaman, lumalalim din ang ating mga ugat, upang manatili tayong matatag at nakatayo sa gitna ng mga bagyo ng buhay. Purihin ang Diyos magpakailanman!
Elevate: Application/Suggested Question:
1. Ibahagi kung paano ka pinatatag o pinatibay ng mga mensahe o katotohanang narinig mo sa quarter na ito.
Announcement: CFSM Convention on December 28-30, 2023 @ Vista Verde Resort, Pulung Maragul, Angeles City