The Blessing of the Kingdom

Worthy Of It All

Verse
All the saints and angels
Bow before Your throne
All the elders cast their crowns
Before the Lamb of God and sing

Chorus
You are worthy of it all
You are worthy of it all
For from You are all things
And to You are all things
You deserve the glory

Bridge
Day and night night and day let incense arise
Day and night night and day let incense arise
Day and night night and day let incense arise
Day and night night and day let incense arise

Exalt: “Worthy of It All”
Empower: Mark 1:15; Luke12:31; 17:20-21; Matthew 6:33; Genesis 15:1; Exo. 33:14-15; Psalm 27:4, 37:25, 73:25-26

The Blessing of the Kingdom
Luke 17:20-21- 20 Minsan, si Jesus ay tinanong ng mga Pariseo kung kailan darating ang kaharian ng Diyos. Sumagot siya, “Walang makikitang palatandaan ng pagdating ng kaharian ng Diyos, 21at wala ring magsasabing ‘Narito na!’ o ‘Naroon!’ Sapagkat ang kaharian ng Diyos ay nasa inyo.”

Ang kaharian ng Diyos ay hindi bagong konsepto sa mga Judio. Ito’y nakaugat sa mga pangako sa Lumang Tipan tungkol sa paghahari ng Diyos, ang pagpapanumbalik ng Israel, ang trono ni David, ang paghaharing may katuwiran at kapayapaan at ang pagdating ng Mesias. Subalit, hindi pa nila lubos na nauunawaan ang kahulugan ng sinasabi ni Hesus tungkol sa kaharian. Kaya nang sabihin ni Hesus na “malapit na” ang kaharian, ang nasa kaisipan nila ay ang pagtatatag ng darating na hari ng pisikal na kaharian (earthly/political kingdom) na magbabago sa kanilang kasaysayan.

Sa matagal na panahon ay nasakop sila at napailalim sa iba’t ibang makapangyarihang bansa (i.e. Babylon, Medo- Persia, Greece). Sa panahon ni Hesus, sila ay nasa ilalim ng pamamahala ng Roma, kaya ang inaasahan nilang haring darating ay ang magliligtas sa kanila at magbabalik ng kalayaan sa kanilang bayan. Subalit, ang kaharian na ipinakilala ni Hesus ay iba sa kanilang inaasahan. Hindi nila alam na ang kaharian o paghahari ng Diyos ay espirituwal - baguhin ang kanilang puso (espiritu) upang maipanumbalik sila sa Diyos. Hindi nila nakilala na ang mismong Hari ay nasa kanilang kalagitnaan – ang pinakadakilang pagpapala sa kaharian ng Diyos. The King, Jesus Himself, was standing among them, but they did not recognize Him. His kingdom operates through love, truth, righteousness, faith and transformed lives.

Sa ministeryo ni Hesus, ipinakita Niya na ang kaharian ng Diyos ay dumating sa mga tao (Israel): nagpagaling Siya ng mga maysakit, nagpalayas ng mga demonyo, nagpatawad ng mga kasalanan, nangaral ng Mabuting Balita sa mga dukha, at nagturo na mahalin maging ang mga kaaway. Ito ang puso ng Hari sa Kanyang mga sinasakupan.

Ang hiwaga noon sa ilalim ng Lumang Tipan ay naihayag na sa atin ngayon (under the New Covenant), na ang Diyos ay nananahan at naghahari na sa ating buhay. The kingdom of God is not a location or a territory with physical borders. It is the rule and reign of God, revealed and established through Christ, the King.

God has delivered us from the power of darkness, and hath translated us into the kingdom of his dear Son! Kung ikaw ay na kay Cristo na, hindi mo na kailangang hanapin pa ang kaharian at katuwiran ng Diyos, dahil ito’y nasa iyo na. Ang kailangan lang ay patuloy mo itong kilalanin at lubos na paniwalaan ang realidad nito sa iyong buhay. His kingdom is a present reality in Christ that affects our hearts, minds, relationships, and daily lives.

It is God’s pleasure to give us the kingdom (Luke 12:31). Kagalakan at kalooban Niya na maranasan natin ang Kanyang kaharian - ang katuwiran, kapayapaan at kagalakan mula sa Espiritu. This is kingdom living - na sa kabila ng anumang situasyon, kalagayan, o hindi magandang pangyayari sa buhay, hindi tayo paghaharian ng takot, pangamba at pag-aalala dahil ikaw ay nasa kaharian ng Diyos at ang Hari ay nasa iyo na. Lahat ng pagpapalang espiritual (His presence/His Spirit, salvation, righteousness, grace, wisdom, guidance) ay ibinigay na sa atin upang makapaghari tayo sa buhay na ito, kasama ang Diyos.
God’s kingdom is not only a place of blessing – it is life under the reign of a loving King and a faithful Father!

Elevate: Application Question:
1. Nabubuhay ka ba na may awareness na si Cristo – ang pinakamahalagang pagpapala ng Kaharian – ay nasa iyo na? Paano naapektuhan ng katotohanang ito ang iyong pamumuhay araw-araw?

‌

AI Website Generator
Free Web Hosting