Jesus My Good Shepherd

SANDIGAN KO’Y IKAW
By Papuri Singers

Ikaw O Diyos ang tangi kong kanlungan
Bagyo man sa buhay dumaan
Lumakad man sa lilim ng kamatayan
Ikaw O Diyos ang aking kaligtasan
Natatangi kong kublihan ay Ikaw O Hesus
Natatangi kong pag-asa ay Ikaw Panginoon
Kailanman ‘di ka nagbabago
Sandigan ko’y Ikaw
Ikaw O Diyos ang tangi kong kanlungan
Bagyo man sa buhay dumaan
Lumakad man sa lilim ng kamatayan
Ikaw O Diyos ang aking kaligtasan
Natatangi kong kublihan ay Ikaw O Hesus
Natatangi kong pag-asa ay Ikaw Panginoon
Kailanman ‘di ka nagbabago
Sandigan ko’y Ikaw
Natatangi kong kublihan ay Ikaw O Hesus
Natatangi kong pag-asa ay Ikaw Panginoon
Kailanman ‘di ka nagbabago
Sandigan ko’y Ikaw

Exalt: “Sandigan Ko’y Ikaw”
Empower: Psalm 23:1-6; John 10:11,27-28;Ezekiel 34:8-10

Jesus, My Good Shepherd
Awit 23:1 – “Ang PANGINOON ay aking pastol; hindi ako magkukulang…” - Ito ang pahayag (declaration) ni David kung sino ang Diyos sa kanyang buhay. David’s words in Psalm 23 were a declaration of faith. God is his personal Shepherd. Ginamit niya ang paghahalintulad (analogy) ng isang pastol at tupa upang ihayag niya ang ginagawang pangangalaga ng Diyos sa kanya; alam na alam niya ito dahil siya mismo ay naging pastol noong kanyang kabataan [culture at that time: being the youngest among the siblings, he was given the job of tending sheep (shepherd).]

Ano nga ba ang gampanin ng isang pastol sa kanyang mga tupa? Bilang pastol, siya ang nagbibigay sa pangangailangan ng mga tupa. The shepherd provides for the needs of the sheep. Sinisiguro niya na mayroon silang sapat na pagkain at inumin. The shepherd also guides the sheep. Ginagabayan niya ang mga tupa upang walang malihis ng landas at mapahamak. At kung may mawala mang tupa o masugatan [caused by not hearing(attending to) the voice of the shepherd], hinahanap niya ito at ginagamot ang kanilang mga sugat (heals the wounded). The shepherd protects the sheep. Gamit ang kanyang pamalo (rod), inililigtas at ‘pinagtatanggol niya ang bawat tupa laban sa mga mababangis na hayop (at the expense of his life). [Note: rod is used not to hurt or bring pain or suffering to the helpless sheep but to protect and save them from enemies (wild animals)]

Ito ang naranasan ni David sa Diyos na kanyang Pastol. Mula ng tawagin siya mula sa pagiging pastol, hanggang sa siya’y mahirang na hari ng Israel, naranasan niya ang pagliligtas at pag-iingat ng Diyos sa tuwing siya’y nahaharap sa panganib. Ang Diyos, na kanyang Pastol, ang Siya ring tumawag, gumabay at nagdala sa kanya sa
trono. His Shepherd (God) led him to exactly (where) he needed to be – to rule Israel in behalf of God. At sa kanyang pamumuno, naranasan ng Israel ang kapayapaan at kasaganaan (i.e. the golden age in the history of Israel) dahil sa malapit niyang ugnayan at pagsunod sa Diyos.

As a representative of God, David also became a shepherd to Israel for 40 years. Subalit, nang mapalitan na siya ng sumunod na mga hari, ang Israel ay naligaw ng landas, nagkawatakwatak at napabayaan, dahil mas inuna ng mga pastol (leaders) ang kanilang mga sarili; sila na dapat sanang umaantabay at gumagabay sa Israel ay naging makasarili (Ezekiel 38:8-10). Gayunpaman, nangako ang Diyos, bilang kanilang Pastol, na muli niyang iipunin at kukupkupin ang Israel at ito’y natupad sa pagdating ni Hesus.

Sinabi ni Hesus sa Juan 10:11, “Ako ang mabuting pastol. Ibinibigay ng mabuting pastol ang kanyang buhay para sa mga tupa.” Bilang mga mananampalataya, ang Pastol ni David at Israel ang atin ding Pastol, sa katauhan ng ating Panginoong Hesus. Sa ating pagtanggap sa Kanya bilang ating Mabuting Pastol, makakaasa tayo na hinding-hindi Niya tayo pababayaan. Kung ang mismong buhay Niya ay Kanyang inialay upang tayo’y iligtas, anong pangangailangan pa ang hindi Niya kayang ibigay?. Gayunpaman, kailangan nating pakinggan ang boses ng ating Pastol upang magabayan Niya tayo sa bawat hakbangin natin sa mundo at hindi tayo mapahamak. Si Hesus ang ating Mabuting Pastol na magdadala sa atin sa isang buhay na noon pa man ay nilayon na Niya para sa bawat isa sa atin, “…isang buhay na ganap at kasiya-siya.” Halleluiah!

Elevate: Application/Suggested Questions:
1. David found comfort and security in the thought that God cared for him as a shepherd cares for his sheep. Ito rin ba ang pagkakilala mo sa Diyos? Masasabi mo ba ngayon (with faith and conviction)- “Ang Panginoon ang aking Pastol, hindi ako magkukulang.” Expound.

2. As David wrote in Psalm 23, do you also declare (speak) blessings, abundance, healing, protection, victory and God’s goodness upon your life (instead of pain, sickness, suffering or
lack(poverty)? Elaborate.

Mobirise.com
Free Web Hosting