Exalt: “Cornerstone”
Empower: 2 Samuel 5:1-5; 1 Samuel 16:2; 30:3-4,6; Rom. 10:17; Hebrews 13:5; 1 Corinthians 15:57; Matthew 6:33
Seasons of Change and New Beginnings
3 Lahat ng pinuno ng Israel ay nagpunta nga sa Hebron at doo'y nakipagkasundo sa kanya sa harapan ni Yahweh. Binuhusan nila ng langis si David at kinilalang hari sa Israel (2 Samuel 5:3 MBB).
Ang pangyayaring ito ay hindi lamang pagtatalaga ng isang hari; ito rin ay pagpapasimula ng bagong kabanata (change/new beginnings) sa buhay ni David at sa buong Israel. Pinahiran siya bilang hari ni propeta Samuel noong isang batang pastol pa siya, subalit lumipas muna ang labingtatlong taon bago siya naupo sa trono. Marami siyang hinarap na mga labanan, pag-uusig, at paghihirap habang hinihintay niya ang katuparan ng pangako ng Diyos na siya ang maghahari sa Israel. At dumating na nga ang araw na iyon; isang araw ng napakalaking tagumpay sa buhay ni David, napagkaisa niya ang Judah at Israel at kinilala siya bilang hari na itinalaga ng Diyos. Naghari muna siya sa Judah ng pitong taon, bago siya naghari sa buong Judah at Israel sa loob ng tatlumpu’t tatlong taon (40 years in all),
Hindi madali ang pagbabagong ito ng paghahari ni David sa Judah at Israel. Matatandaan na habang naghahari si David sa Judah, si Ish-bosheth na bundong anak ni Saul ang naghahari sa Israel (2 Samuel 2:8-9); may tension at digmaan sa pagitan ng sambahayan ni Saul at sambahayan ni David. May alitan din sa pagitan ng mga pinuno at tagasunod ng dalawang grupo; nandun ang paghahati-hati at katigasan ng ulo ng kanyang mga sinasakupan. Just imagine what it was like for David to be both king and shepherd to these people. Subalit dahil sa laging pagsaliksik niya sa Diyos at paghanap sa Kanyang kalooban… dahil sa karunungan at gabay ng Panginoon, napagbuklod ni David ang labindalawang lipi ng Israel (Judah and the other tribes into one kingdom).
Kung si David ay umasa sa kanyang sarili at hindi nanalig sa Diyos, marahil sumuko na siya sa dami ng hirap na kanyang pinagdaanan; subalit, dahil sa pagkakilala niya sa Diyos bilang Diyos na tumutupad sa kanyang pangako at hindi kailanman magpapabaya, nanatili siya sa kanyang panawagan. Alam niya na mayroong dakilang layunin ang Diyos sa kanyang buhay… siya ay pinili upang mamuno sa Israel (on behalf of God, the True King of Israel). Sa kabila ng matitinding pighati at sakit, pinili niyang sundin ang kalooban ng Diyos kaysa sumuko. At the lowest point in his life, he chose to seek God; he chose to praise and worship Him; he chose to strengthen himself in the Lord his God. And God gave him victory after victory after victory!
Ang buhay natin ay dumadaraan din sa panahon pagbabago at bagong panimula. Ikaw ba ay nasa bagong kabanata ng buhay? Bagong kasal? May bagong trabaho o negosyo? Nasa bagong paaralan o kumpanya o nasa bagong kapaligiran, bahay, o lugar? Hindi madali, subalit nakatitiyak tayo ng tagumpay dahil kasama natin ang
Panginoon. Sa bawat desisyon, alamin mo ang naka-ayon sa kung sino ka na ngayon kay Cristo at kung ano ang sinasabi ng Salita ng Diyos (not on past failures or fear of the unknown).
Sa bawat kabanata ng buhay, saliksikin mo ang kalooban o\\ layunin ng Panginoon. Knowing God’s purpose will create a vision in your heart and motivate you to move forward. Wala nang pinakamahalaga at pinaka-makabuluhan sa buhay ng tao kundi ang malaman niya ang kalooban/layunin ng Panginoon. Kaya nga hinihimok tayo na laging basahin at pagbulayan ang Salita ng Diyos dahil dito natin lubusang makikilala ang Panginoon at malalaman ang Kanyang kalooban o layunin. Each of us is called to fulfill God’s greater purpose!
Elevate: Application/Question:
1. Paano mo naipapakita ang iyong pananamplataya at katatagan sa gitna ng pagbabago o bagong panimula?