Exalt: “One Thing”
Empower: 2 Corinthians 9:6-8; Galatians 6:7-9; Acts 20:35; Luke 6:38; 21:1-4; Gal. 5:19-24; Romans 8:5-8; Prov. 11:24-25
Sowing and Reaping
2 Corinto 9:6-8 - 6 Tandaan ninyo ito: Ang naghahasik ng kaunti ay umaani ng kaunti, at ang naghahasik ng marami ay umaani ng marami. 7 Ang bawat isa sa inyo ay magbigay nang ayon sa sariling kapasyahan, nang walang pag- aatubili, at hindi sapilitan, dahil mahal ng Dios ang mga nagbibigay nang may kagalakan. 8 At magagawa ng Dios na ibigay sa inyo ang higit pa sa inyong mga pangangailangan, para sa lahat ng panahon ay maging sapat kayo sa lahat ng bagay, at lagi ninyong matutulungan ang iba.
Context of 2 Corinthians 9:6-8: Ayon sa mga kilalang Jewish historians, isang matinding taggutom ang tumama sa rehiyon ng Judea noong 45 AD. - the famine that reportedly affected the whole world in clusters during the reign of Claudius Caesar. Ito’y pinaniniwalaan na katuparan ng sinabi ni propeta Agabus na naghayag na darating ang isang matinding taggutom (severe famine) na magdudulot ng kaguluhan sa buong mundo (Acts 11:28). Sa panahong iyon, ang taggutom ay limitado lamang sa rehiyon ng Judea, samantala, ang mga lugar na tinitirhan ng mga Hentil ay hindi naapektuhan (e.g. Corinth).Sa ganitong kalagayan, kumilos sina Pablo at Barnabbas upang hikayatin ang mga mananampalataya sa Corinto (and Macedonian believers) na magbigay ng tulong (relief) sa mga mananampalataya sa Judea na naapektuhan ng taggutom (read 2 Cor.9:1, 12).
Ang paghahasik at pag-aani (sowing and reaping) ay isang natural principle sa agrikultura na “anumang itinanim ang siyang aanihin”; kung nagtanim ka ng mangga, mangga ang iyong aanihin; kung nagtanim ka ng santol, santol din ang iyong aanihin. Ang mga kasabihang nakasulat sa Biblia ay karaniwang metaphors or allegory, upang ikumpara o ilarawan ang gustong marating na punto o katotohanan.
Bilang mga mananampalataya na nasa ilalim ng Bagong Tipan (New Covenant), maging malinaw sa atin na hindi tayo nagbibigay upang pagpalain ng Diyos; hindi tayo nagbibigay upang makuha ang Kanyang pabor o tayo ay Kanyang mahalin. Nagbibigay tayo dahil tayo ay pinagpala na (Eph.1:3). Kay Cristo tinanggap na natin ang Kanyang mayamang biyaya. Kaya ang ating pagbibigay, paglilingkod, pagmamahal, at paggawa ng mabuti ay mga tugon sa biyayang atin nang tinanggap. Ang pagbibigay ay hindi investment scheme; hindi ito formula upang pagpalain tayo ng Diyos. Ang ating kaugnayan sa Diyos ay hindi transactional (meaning, magbigay ka muna bago ka bigyan). Hindi natin binibili ang pagpapala, kagalingan, protekyon o probisyon ng Diyos. Ang ating pagbibigay ay bunga ng pagmamahal mula sa ating mga puso dahil sa ating kaugnayan (relationship) sa Kanya. Kasabay nito, hindi rin natin dapat balewalain ang katotohanan na “...kung ano ang itinanim ng tao, iyon din ang kanyang aanihin” (Galacia 6:7). Ang pagkakaiba ay ang motibasyon.
Ang buhay natin ay parang isang bukirin; araw-araw may itinatanim tayong binhi. Ang pagtatanim ay hindi lamang sa pera o sa ating mga ginagawa, kundi sa ating puso at isip. Ano ba (anong binhi) ang ating itinatanim sa ating puso at kaisipan? Itanim natin ang Salita ng Diyos araw-araw - kung ano ang ginawa ni Cristo at kung sino na tayo ngayon. Huwag nating itanim ang kasinungalingan ng mundo ukol sa Diyos at sa ating pagkakilanlan (identity). Magtanim tayo ng pag-ibig, hindi galit; magtanim tayo ng pagpapatawad, hindi sama ng loob. Release from your heart the things of the Spirit: goodness, generosity, faithfulness, love, wisdom and service. “Huwag tayong magsasawa sa paggawa ng mabuti, dahil sa tamang panahon matatanggap natin ang ating gantimpala kung hindi tayo susuko. (Galacia 6:9)”
Elevate: Application Questions:
1. Ano ang nag-uudyok sa iyo upang magtanim o magbigay (tumulong) sa iba o sa gawain ng Panginoon (CFSM)?
2. Ano ang mga bagay na madalas mong itinatanim sa iyong isip at puso?