Sword of the Spirit

KALAKIP NG AWITN
Song by Musikatha Kids

Kung mayroon lamang akong isang libong buhay
Hindi ipagkakait, lahat sa 'Yo'y ibibigay
Gayun pa man sa 'king nag-iisang taglay
Ilalaan bawat saglit upang ibigin Ka nang walang humpay
Gaya ng dagat na hindi napapagal sa pag-alon
Puso ko ay sa 'Yo magmamahal sa habang panahon
Natatanging kayamanan ko'y Ikaw ay sambahin
Wagas na pagsinta'y Iyong dinggin, kalakip ng awitin
Kung mayroon lamang akong isang libong buhay
Hindi ipagkakait, lahat sa 'Yo'y ibibigay
Gayun pa man sa 'king nag-iisang taglay
Ilalaan bawat saglit upang ibigin Ka nang walang humpay
Gaya ng dagat na hindi napapagal sa pag-alon
Puso ko ay sa 'Yo magmamahal sa habang panahon
Natatanging kayamanan ko'y Ikaw ay sambahin
Wagas na pagsinta'y Iyong dinggin, kalakip ng awitin
Natatanging kayamanan ko'y Ikaw ay sambahin
Wagas na pagsinta'y Iyong dinggin, kalakip ng awitin
Ilalaan bawat saglit upang ibigin Ka nang walang humpay
Gaya ng dagat na hindi napapagal sa pag-alon
Puso ko ay sa 'Yo magmamahal sa habang panahon
Natatanging kayamanan ko'y Ikaw ay sambahin
Wagas na pagsinta'y Iyong dinggin, kalakip ng awitin
Kalakip ng awitin
Kalakip ng awitin

Exalt: “Kalakip ng Awitin”
Empower: Ephesians 6:17; Mark 4:26-29; 1 Peter 1:23; Gal.6:9

SWORD OF THE SPIRIT
Efeso 6:17b - At taglayin ninyo ang… tabak ng Espiritu, na siyang salita ng Diyos. (ABTAG2001)

Unawain na ang lahat ng mga bagay dito sa mundo ay pinamamahalaan ng batas ng pagtatanim at pag-aani (seed time and harvest time), mapa-kalikasan man ito (e.g. tao, halaman, hayop) o mga pangyayari na nagaganap sa buhay ng tao (e.g. kasaganaan, karukhaan, kabutihan, kasamaan, buhay, kamatayan). Ang lahat ng nasa kalupaan (physical world) ay nagmula sa binhi (seed); gayundin ang sistema sa espiritual na mundo. May panahon ng pagtanim (seed), paglago (time) at pagani (harvest). Alam ng magsasaka kung kailan siya magtatanim at alam din niya kung kailan siya aani; alam niya na kailangan niya ang pagtitiis (patience) dahil may pagdadaanang proseso o panahon ang binhi na kanyang itinanim bago mamunga at maaari nang anihin. Hindi niya alam kung paano ito tumutubo at lumalago pero nakatitiyak siya na mayroon siyang aanihin balang araw o sa takdang panahon. Kaya’t masaya niyang hinihintay ang panahon ng pag-aani.

26 Sinabi pa ni Jesus, “Ang paghahari ng Dios ay maitutulad sa kwentong ito: May isang taong naghasik ng binhi sa kanyang bukid. 27 Habang nagtatrabaho siya sa araw at natutulog sa gabi, ang mga binhing inihasik niya ay tumutubo at lumalago kahit na hindi niya alam kung paano. 28 Ang lupa ang nagpapatubo at nagpapabunga sa tanim. Sisibol muna ang mga dahon, saka ang uhay, at pagkatapos ay ang mga butil. 29 At kapag hinog na, inaani ito ng may-ari, dahil panahon na para anihin.” (Marcos 4:26-29 ASND).

Ang Salita ng Diyos ay inihalintulad sa BINHI (SEED). Kapag ito ay naitanim sa puso ng tao at ito’y iningatan at inalagaan, ito’y mamumunga sa takdang panahon. Tayo ay naisilang na muli sa pamamagitan ng binhi ng Salita ng Diyos (1 Peter 1:23); mayroong Salita na naihayag sa atin, dahilan upang tayo’y manampalataya kay Hesus. Without the Word of God, regeneration (to be born again) is impossible. That’s why it is very important to share and preach the Word. It is the Seed that needs to be planted into the hearts of people before it brings forth faith into their lives.

At kapag na born again na ang isang tao; kailangan niyang patuloy na itanim ang Salita ng Diyos sa kanyang puso at alagaan (keep and nurture) upang maranasan niya ang buhay na inilaan ng Diyos sa bawat anak Niya. But remember, may panahon ng pagtatanim at paglago bago ang pag-aani. Hindi maaaring ngayon ka pa lang nagtanim at umaasa ka na ng ani. Sadly, ito ang nangyayari sa buhay ng maraming Kristiyano, sa panahon na kailangan nila ang tulong ng Diyos doon sila magbabasa ng Kanyang Salita at ine-expect nila na mangyayari ang kanilang ninanais sa oras ding iyon. Hindi ganito ang sistema o batas ng binhi, ang Salita. Kailangan nito ng panahon (by keeping and nurturing the Word in your heart) bago ito mamunga. Kailangan mong makilala ang Diyos sa iyong buhay sa pamamagitan ng Salita, bago mo mapaniwalaan ang mga sinabi Niya o nahahayag sa Biblia. And this takes time, effort and patience. We need to give time and attention to the Word! Remember, faith comes by hearing and hearing the Word of God.

Ang buong baluti na kaloob ng Diyos ay ibinigay sa atin upang ating maranasan ang bunga ng Salita ng Diyos sa ating mga buhay. Gusto ng Diyos na ma-enjoy natin ang mga pagpapalang kalakip ng ginawa ni Cristo, ang bunga ng Kanyang kamatayan at pagkabuhay na muli. Subalit kailangan nating itanim sa ating mga puso ang Salita. We need to be receptive, passionate and committed to His Word. Hindi sapat na nakilala natin ang Diyos sa ating buhay; kailangang lumalim ang ating kaugnayan sa Kanya sa pamamagitan ng Salita ng Diyos. Ang bunga ay sumusunod na lamang; tiyak ang bunga ng Salitang naitanim sa matabang lupa; may 30’s, 60’s o 100’s. Maaring sa simula ay kakaunti pa lang ang ani, ang mahalaga ay na-e-enjoy na natin ang mga ito hanggang sa ito ay dumami nang dumami (100’s). Purihin ang Diyos sa Kanyang Salita!

Elevate: Application/suggested questions:
1. Ano ang kaliwanagan (enlightenment) na naihayag sa iyong puso mula sa mensahe tungkol sa binhi ng Salita ng Diyos noong Linggo? Paano nito nabago ang iyong pananaw ukol sa Salita ng Diyos?

Announcement: CFSM Convention on December 28-30, 2023 @
Vista Verde Resort, Pulung Maragul, Angeles City

Best AI Website Creator
Free Web Hosting