Exalt: “Crown Him ”
Empower: Galatians 4:4-5; 2 Peter 1:16-21
Introduction: The Fullness of Time (Behold, the King has Come)
Galatians 4:4-5 - 4 But when THE FULLNESS OF THE TIME had come, God sent forth His Son, born of a woman, born under the law, 5 to redeem those who were under the law, that we might receive the adoption as sons.
The Fullness of Time: Sa tama o takdang panahon (not premature time), isinugo ng Diyos ang Kanyang Anak [Note: The word “sent” signifies that Christ already existed even before His birth.]. At bago pa Siya ipinanganak, inihanda na ng Diyos ang daan (way); (1) Theologically, sa pamamagitan ng mga isinulat ng mga propeta tungkol sa Cristo o Mesias na darating. Jesus stands at the very center of God’s Redemptive Plan. Inihayag ng mga hula (prophecies in the Old Testament) ang dakilang layunin ng Diyos kay Cristo para sa kaligtasan ng sangkatauhan. Sa bawat hula o propesiya, unti-unting nabubuo ang larawan ng darating na Tagapagligtas, si Hesus. Bawat propesiya tungkol sa Kanya ay nagkaroon ng katuparan sa Bagong Tipan. (2) Historically, ang mga daanan ay naihanda [Roman roads and peace allowed the gospel to spread rapidly]; ang wikang Griego sa panahong iyon ay gamit ng nakararami [Greek language unified the world for communication]. Everything was ready; the world, esp. Israel, was pregnant with expectation.
Ang mga aklat sa Biblia (66 books: 39 in the OT and 27 in the NT) ay naisulat ng iba’t ibang may-akda (approximately 45 authors) sa loob ng 1400-1500 na taon, subalit ang nilalaman ng mga ito ay nagkakaisa (unified), dahil sa likod ng mga taong sumulat ay ang Espiritu ng Diyos, na siyang tunay na May-Akda. Ito ang sinasabi ni Pablo sa 2 Peter 1:20-21 - 20 Higit sa lahat, dapat ninyong tandaan na ang lahat ng isinulat ng mga propeta sa Kasulatan ay hindi ayon sa sarili nilang interpretasyon. 21 Sapagkat hindi galing sa sarili nilang kalooban ang mga ipinangaral nila kundi sa Banal na Espiritu na nag-udyok sa kanila upang sabihin ang salita ng Dios.
THINGS TO REMEMBER WHEN READING THE BIBLE:
1. Read IN CONTEXT.
“Ano ang nauuna at kasunod sa talatang ito?” “Ano ang buong kwento?” Also, dahil ang lahat ng mga aklat sa Biblia ay nagkakaisa, ito ay dapat unawain o ipakahulugan (interpreted) sa KONTEKSTO ng buong aklat. [*Note: For pastors and leaders: If you have means or resources, know also the TEXT (language used at the time of writing) and historical context of the book or passages in the Bible)
2. “SCRIPTURE INTERPRETS ITSELF”
2 Peter 1:20 – “knowing this first, that no prophecy of Scripture is of any private interpretation”. Ang Biblia mismo ang nagpapaliwanag ng sarili nitong mga aral at kahulugan. Ibig sabihin, kapag may talatang mahirap intindihin, makikita ang linaw ng ibig sabihin nito sa ibang bahagi ng Biblia. Hindi ito hiwa-hiwalay na aklat, kundi magkakaugnay na nagpapaliwanag sa isa’t isa.
3. Recognize and understand the TYPE (pattern, shadow).
Ano ang mga bagay, tao o kaganapan na umaanino, naguugnay o maitutulad sa buhay at mga ginawa ni Hesus?
4. The necessity of FAITH (right relationship with the Divine author)
Mahalaga na ang bawat nagbabasa ng Biblia ay may kaugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya niya kay Jesu-Cristo. Meaning, kailangan siyang maisilang na muli sa espiritu upang tanggapin niya o manahan ang Espiritu ng Diyos sa kanya.
5. The illuminating work of the HOLY SPIRITThe Holy Spirit quickens the Word and enlightens us with the truths about God/Jesus. We receive divine revelation from Him. He is our Great Teacher. Siya ang nagtuturo at nagpapaliwanag ng mga katotohanan mula sa Salita ng Diyos.
Elevate: Application/Question:1. Nai-apply mo na ba ang iilan o lahat sa mga nasa itaas sa tuwing nagbabasa ka ng Biblia?