Exalt: “King of Kings”
Empower: 2 Samuel 7:12-16; Jeremiah 23:5-6; Isaiah 9:6-7; Zechariah 9:9; Matthew 21:4-5; Psalm 24:7-10; Luke 1:32-33; Matthew 2:1-2; Revelation 19:16
The Enthroned King (Jesus, the Righteous King)
Sa pamamagitan ni David at Solomon, itinatag ng Diyos ang Jerusalem (kung saan naitayo ang templo) bilang Kanyang banal na lungsod (the center of worship), kung saan Siya mananahan kapiling ang mga taong Kanyang pinili (Israel). Dahil sa katapatan ni David, ipinangako ng Diyos sa kanya na ang kanyang trono ay mananatili magpakailanman. However, ang mga sumunod na hari (na galing sa lahi ni David) ay hindi sumunod sa yapak ng kanilang ama. Nahati ang kaharian (Judah and Israel) at ito’y unti-unting bumagsak (spiritually; i.e. moral decline). Ang karahasan at kasakiman ay lumaganap; walang katarungan, at ang mga tao (and their kings) ay sumamba sa mga diyos-diyosan. They violated/broke their covenant with God! The pre-exilic prophets [e.g. Isaiah, Jeremiah (part exilic)] warned both Israel and Judah of the coming judgment but they never repented. Sa kabila ng mga babala at mensahe ng mga propeta hindi sila nagbago at nagbalik-loob sa Diyos. Kaya sila’y nabihag ng ibang mga bansa. Judgment fell on them!
But the good news is, isang Haring matuwid (the Righteous King) na magmumula sa lahi ni David ang ipinangako ng Diyos na Kanyang ipapadala. Siya’y maghahari ng may karunungan, katuwiran at katarungan (hindi katulad ng karamihan sa mga naging hari ng Israel at Judah.) Itatatag ng Diyos ang isang kaharian na mayroong kapayapaan at maghahari Siya magpakailanman.
Ang katuparan ng mga propesiyang ito ay ganap na nakita kay Jesu-Cristo, ang Matuwid na Hari. Sa Kanyang pagdating, hindi siya dumating bilang isang politikal na tagapagligtas o namuno sa pamamagitan ng lakas o kapangyarihang pantao, kundi sa pamamagitan ng kababaan (paglilingkod) at kapayapaan. Siya ang Haring may pagmamahal o malasakit sa mga tao (lalo na sa mga maysakit, mga dukha at inaapi)… isang Haring handang ialay ang buhay para sa Kanyang bayan. Sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan, pagkabuhay na muli at pag-akyat sa Ama, i.e. pagluklok sa kanan ng Ama, napasakanya ang lahat ng kapamahalaan (authority) at kapangyarihan upang lubusang MAKAPAGHARI hindi lamang sa Israel kundi sa buong sangkalupaan. Nakamit ni Hesus ang lubusang tagumpay!
O Zion, magdiwang ka sa kagalakan! O Jerusalem, ilakas mo ang awitan! Pagkat dumarating na ang iyong hari na mapagtagumpay at mapagwagi. Dumarating siyang may kapakumbabaan, batang asno ang kanyang sinasakyan. (Zacarias 9:9 MBBTAG) Ang propesiyang ito ay natupad nang maluwalhating pumasok si Hesus sa Jerusalem (triumphal entry). Siya’y tinanggap ng mga tao ng may kagalakan, papuri at pagpupugay: “Hosanna sa Anak ni David! Mapalad ang dumarating sa pangalan ng Panginoon! Hosanna sa katastaasan!” (Matthew 21:9 ABTAG2001)
Subalit, mayroon din na hindi tumanggap sa Kanya bilang Hari. Sa Lukas 19:41-44, mababasa na sa Kanyang pagpasok sa Jerusalem, Siya’y umiyak dahil sa nakikita Niyang mangyayari sa mga tao – sila’y lilipulin at ang lungsod ay wawasakin; ang dahilan – dahil binalewala nila ang araw ng pagliligtas ng Diyos. Mula pa sa simula ng ministeryo ni Hesus, pinapangaral na Niya sa mga nawawalang tupa ng Israel na ang kaharian ng Diyos ay dumating na; subalit sadyang bulag ang kanilang mga mata, hindi nila nakilala ang Haring magliligtas sana sa kanila at magbibigay ng kapayapaan. Gayunpaman, sa mga nanalig at tumanggap sa Kanya bilang Hari, handog Niya ay walang hanggang buhay at kapayapaan! Now that Christ is reigning in us, we have confidence and security in life! No more fear… we are free indeed! Purihin ang Hari ng mga hari!
Elevate: Application/Question:1. Ibahagi kung paano mo nararanasan ang paghahari ni Cristo sa iyong buhay.
2. Nakikita mo ba ang paglago ng kaharian ng Diyos dito sa lupa? Paano ka maaaring maging instrumento para sa ikalalago pa nito?