Exalt: “How He Loves”
Empower: Genesis 3:21; Leviticus 4:33; Isaiah 53:5; Hebrews 9:28; Romans 8:3; 1 Peter 2:24; Galatians 2:20; 1 Corinthians 12:8-9
THE GREATEST EXCHANGE: Christ Became Sin For Us
This is the greatest exchange: Christ took our sin, and through Him, we received the righteousness that comes from God. Ito ang isa sa mga malalim na katotohanan na kailangang nating maunawaan - ang dakilang palitan na naganap sa pamamagitan ng kamatayan ni Cristo sa krus at sa Kanyang pagkabuhay na muli. Siya na walang kasalanan ang nagdala ng ating kasalanan, upang tayo na dating makasalanan, ay maging katuwiran ng Diyos. Kailanmaʼy hindi nagkasala si Cristo, ngunit alang-alang sa atin, itinuring siyang makasalanan para sa pamamagitan niyaʼy maituring tayong matuwid ng Dios. (2 Cor.5:21)
Ang dakilang palitan ay hindi nangangahulugan na naging makasalanan si Hesus sa Kanyang kalikasan o nakagawa Siya ng kasalanan. Si Hesus ay banal at walang kapintasan (nilalarawan ng mga tupang inihandog sa ilalim ng Lumang Tipan na dapat walang kapintasan o walang sakit). Sa Kanyang pagkatao, kailanman ay hindi Siya nagkasala pero kusang loob Niyang dinala ang bigat at kaparusahan ng ating kasalanan; Siya ang naging handog bilang ating kahalili (as our Substitute). He Himself bore our sins in His body on the tree (1 Peter 2:24). He willingly took our place and bore the judgment and penalty of our sins. Hindi rin ito nangangahulugan na literal na nailipat sa atin ang Kanyang magan dang pag-uugali o katangian (HIs moral character) o tayo’y naging Diyos. We did not become morally perfect. Isipin natin ang isang taong walang utang na kusang-loob na nagbayad ng utang ng ibang tao. Ang pagbabayad niya ay hindi nangangahulugang siya mismo ang nangutang o siya ang gumawa ng pagkakamali. Inako niya ang pananagutang bayaran ang utang ng iba.
Gayundin, si Hesus ay hindi gumawa ng ating mga kasalanan, ngunit kusang-loob Niyang dinala ang ating mga kasalanan doon sa krus. Sa pamamagitan ng pananampalataya, nakamtan natin ang benepisyo ng Kanyang ginawang pagliligtas: ang ating bagong katayuan (our right standing) sa harapan ng Diyos. This shows that our salvation is not the result of our own goodness, but of what Christ accomplished for us. Sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan at muling pagkabuhay, ginawa Niya ang hindi natin kayang gawin para sa ating sarili. Tanging pag-ibig at biyaya lamang ng Diyos ang makagagawa nito.
Dahil sa dakilang palitan na naganap, hindi na dapat kasalanan, kahihiyan (shame or guilt) at pagkondena (condemnation) ang maging batayan ng ating pagkakakilanlan (identity). Tayo ay matuwid na sa harapan ng Diyos; ito na ang ating bagong pagkakakilanlan (bagong kalikasan o pagkatao). Magkaroon man ng dilim sa ating paligid, dahil taglay natin ang Liwanag, ang dilim ay kusang mapaparam. Oo, may mga pagkakataon na tayo’y nagkakamali dahil sa hindi pa lubos na pang-unawa, meaning, kailangan pa nating lumago sa ating pag-iisip at pamumuhay; subalit, hindi na ito ang pundasyon ng ating katayuan sa harapan ng Diyos, kundi ang Katuwiran ni Cristo na nakikita Niya sa atin bilang Kanyang mga anak. Hindi din naman ito dahilan upang balewalain natin ang kasalanan o maling gawain; sa halip, nagbibigay ito ng matibay na pundasyon upang talikuran ang kasalanan, at mamuhay ayon sa bagong pagkakakilanlan na tinanggap natin kay Cristo. Ang pagkaunawa sa ating katuwiran kay Cristo ang nagbibigay sa atin ng kalayaan upang lumapit sa Diyos nang may pagtitiwala at mamuhay na may pasasalamat.
“Ginawa ng Diyos ang hindi kayang gawin ng Kautusan dahil sa kahinaan ng tao. Isinugo niya ang kanyang sariling Anak sa anyo ng taong makasalanan upang pawiin ang kasalanan. Sa gayon, hinatulan na niya ang kasalanang umaalipin sa tao.” (Roma 8:3 ASND) Napawi na ang kasalanan; natanggap na natin ang kapatawaran ng Diyos; karapat-dapat na tayo sa Kanyang harapan; tinanggap na Niya tayo; malinis, banal at matuwid na ang tingin ng Diyos sa atin dahil sa katuwiran ni Cristo na sumasaatin. Halleluiah! The greatest exchange is a demonstration of the depth of God’s love: Jesus identified with our fallen condition so that we could receive God’s righteousness, eternal life, and sonship through His finished work.
Elevate: Application Question:
1. Paano binabago ng iyong pagkaunawa sa Greatest Exchange - na si Cristo ang nagdala ng ating mga kasalaanan upang tayo ay maging katuwiran ng Diyos sa Kanya, ang paraan ng pagtingin mo sa iyong sarili at sa ibang tao?