Reigning in Life

REVELATION SONG
Song by: Life Church Worship

Tearing down the lies that I believed Breaking through the selfish parts of me Truth has come and set this captive free Your love has opened up my eyes to see
Jesus, I'm Yours
Forever I'll surrender all my heart
I see it now, You loved me from the start I won't forget the faithful God You are I'm confident I'm covered in Your
Grace upon grace upon grace You cover us with
Grace upon grace upon grace (Yeah)
You wash away my guilt and make me clean Revealing what You meant for me to be Mercy wrecked my heart, now I can see Your love restoring every part of me
(C’mon)
Jesus, I'm Yours
Forever I'll surrender all my heart
I see it now, You loved me from the start I won't forget the faithful God You are I'm confident I'm covered in Your
Grace upon grace upon grace You cover us with
Grace upon grace upon grace Can't get enough of
Grace upon grace upon grace You cover us with
Grace upon grace upon grace Woah, oh, oh-oh
Yeah
It's Your grace on top of grace
It's Your grace on top of grace Grace in the driest desert
Grace when I'm feeling worn Grace when I don't believe it Grace found at every turn
Grace in the deepest valley Grace when the night is long Grace found in every season Grace has the final word (c’mon)
Grace breaks the power of darkness Grace mends a wounded soul Grace moving every mountain Grace fills the deepest void (yes!) Grace overtakes my battles
Grace resurrects these bones Grace lifts me from the ashes Grace is my victory song
Hey! (oh-oh-oh-oh-oh)
It's your grace on top of grace (oh-oh-oh-oh-oh) Oh, oh-oh (oh-oh-oh-oh-oh)
I'm confident I'm covered in Your
Grace upon grace upon grace You cover us with
Grace upon grace upon grace Can't get enough of
Grace upon grace upon grace You cover us with
Grace upon grace upon grace Jesus
Jesus, I'm Yours (woo)
Forever I'll surrender all my heart
I see it now, You loved me from the start I won't forget the faithful God You are I'm confident I'm covered in Your grace Yeah, woah-oh

Exalt: “Grace Upon Grace”
Empower: Romans 3:24-28, 4:5, 5:1, Galatians 2:16, 3:11; Acts 13:38-39; Hebrews 2:4

Galatians 2:16 - Knowing that a man is not justified by the works of the law but by faith in Jesus Christ, even we have believed in Christ Jesus, that we might be justified by faith in Christ and not by the works of the law; for by the works of the law no flesh shall be justified (NKJV).
The above argument of Paul helps us distinguish between earning righteousness through human effort (works of the Law) and receiving righteousness through faith in Christ. Sa orihinal na konteksto ng Biblia, ang mga gawa ng Kautusan (works of the Law) ay tumutukoy sa mga gawaing naaayon sa Kautusan ni Moises na ibinigay ng Diyos sa Israel (The Mosaic Law included commandments concerning circumcision, food regulations,Sabbath observance, sacrifices, and other covenant requirements, as well as moral commandments.) May mga tao (Jewish Christians) sa Galatia na iginigiit na kailangang magpatuli at sumunod sa Kautusan ang mga mananampalatayang Hentil upang lubos silang tanggapin bilang kabilang sa bayan ng Diyos. Tinutulan ito ni Pablo; ang argumento niya: hindi kailangang dagdagan ng pagsunod sa Kautusan ang pananampalataya kay Cristo upang maging ganap ang kanilang katuwiran at tanggapin sila (without any condition). Sapat na ang pananampalataya nila kay Cristo upang sila’y ituring na matuwid at maging karapat-dapat sa harapan ng Diyos.

Justification refers to God’s act of declaring a person righteous before Him. Ang sinumang nanampalataya kay Cristo ay pinaging-ganap (pinawalang-sala) o idineklara ng Diyos na matuwid na sa Kanyang harapan. Hindi ito gantimpala sa taong nakapasa sa pamantayan ng sariling gawa o kabutihan. Walang magagawa ang tao sa sariling pagsisikap upang ituring siyang matuwid sa harapan ng Diyos. Ito ay biyayang tinatanggap sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo at nakasalig sa Kanyang natapos na gawain. Sa pamamagitan ng kamatayan at muling pagkabuhay ni Hesus, ipinahayag ang katuwiran ng Diyos at ang paraan ng Kanyang pagliligtas sa tao. Kaya ang ating pagtitiwala ay hindi sa kung gaano tayo kabuti, kundi sa kung ano ang ginawa ni Cristo. Five Solas of the Protestant Reformation (in Latin): Sola Gratia (By Grace Alone), Sola Fide (Through Faith Alone), Solos Christus (In Christ Alone), Sola Scriptura (Scripture alone), Soli Deo Gloria (Glory to God alone) - attributed to Martin Luther and other Protestant Reformers.

Ang pagsunod sa Kautusan o ang mabubuting gawa ay hindi kailanman maaaring gawing batayan upang maging matuwid ang tao. Hindi ito nangangahulugan na hindi na mahalaga ang mabubuting gawa; ang sinumang na kay Cristo ay nakikitaan ng mabubuting gawa. Subalit, hindi natin ito pinaghihirapan upang maging katanggap- tanggap sa Diyos o makuha ang Kanyang pabor; ang gawang matuwid ay bunga ng katuwirang natanggap natin kay Cristo. Hindi tayo naglilingkod, nagbibigay sa iglesia, o tumutulong sa kapwa upang maging karapat-dapat sa harapan ng Diyos; ito ay mga bunga ng biyayang ating natanggap.

Romans 5:1 - Therefore, having been justified by faith, we have peace with God through our Lord Jesus Christ (NKJV)

Ang kapayapaang tinutukoy ni Pablo ay hindi lamang panloob na katahimikan dahil wala kang problema o maganda ang iyong kalagayan, kundi, ito’y tumutukoy sa kapayapaan sa ating kaugnayan sa Diyos dahil tayo’y inaring ganap o matuwid na sa pamamagitan ni Cristo. Ipinagkasundo tayo sa Diyos sa pamamagitan ng kamatayan ng Kanyang Anak. Hindi na tayo itinuturing na mga kaaway dahil sa kasalanan, kundi mga kaibigan... mga anak Niyang minamahal. Kaya’t sa gitna ng problema, karamdaman, pangangailangan o kabiguan, mayroon pa rin tayong kapayapaan na nakaugat sa ating pakikipagkasundo sa Diyos.

“The just shall live by faith” (Habakkuk 2:4, Galatians 3:11; Hebrews 10:38: Romans 1:17). Ang mamuhay sa pamamagitan ng pananampalataya ay nangangahulugang patuloy tayong nagtitiwala sa katapatan ng Diyos at sa katotohanan ng Kanyang Salita. Sa panahon na tayo’y humaharap sa mga hamon ng buhay, hindi takot ang namamayani, kundi pananalig sa Diyos. Sa panahon ng sakit o karamdaman, pangangailangan o pagkukulang, hindi pag-kondena sa sarili ang pumupuno sa ating isip at puso, kundi, ang katotohanan kung sino na tayo ngayon kay Cristo (our present reality in Christ.) Bumabalik tayo sa ginawa ni Cristo at ang mga benepisyo ng Kanyang ginawa. Kumikilos tayo ayon sa ipinamalas Niyang pagibig at biyaya sa pamamagitan ni Cristo.

Elevate: Application Question:
1. Paano ka napapalaya sa takot ng pang-unawa mo sa katuwirang hindi nababatay sa gawa ng Kautusan o di kaya’y sa mabubuting gawa, kundi sa ginawa ni Cristo?

Announcement: Adopt-a-Material campaign – Katulad ng nai-anunsiyo noong Linggo, ang layunin nito ay para ma-kompleto ang mga beams sa Phase 1 ng ating proyekto (para hindi “bitin”). Kapag sama-sama at tulong-tulong madaling maisakatuparan ang proyekto! Tagumpay!!!

‌

Free AI Website Software
Free Web Hosting