My Sheep Hear My Voice

SALITA MO
Song by Jesus One Generation

Sa gitna ng kadiliman
Liwanag ang iyong binibigkas
Sa sakit at karamdaman
Sa latay mo Hesus angkin ang
kagalingan
Salita mo panghahawakan ko
Salita mo tapat at totoo
Lahat ay nasayo
Sapat sa buhay ko
Salita mo ay nararanasan ko
Pagkalito at kaguluhan
Sagot mo ay kapayapaan
Sa mundo ay kahirapan
Yaman ko ay sayo natagpuan
Salita mo panghahawakan ko
Salita mo tapat at totoo
Lahat ay nasayo
Sapat sa buhay ko
Salita mo ay nararanasan ko
Salita mo panghahawakan ko
Salita mo tapat at totoo
Lahat ay nasayo
Sapat sa buhay ko

Hesus ikaw ang
Salita ng buhay
Tanging ikaw ang
Nagbibigay kahulugan
Sa aking buhay
Salita mo panghahawakan ko
Salita mo tapat at totoo
Lahat ay nasayo
Sapat sa buhay ko
Salita mo ay nararanasan ko
Salita mo panghahawakan ko
Salita mo tapat at totoo
Lahat ay nasayo
Sapat sa buhay ko
Salita mo ay nararanasan ko
Nararanasan ko
Nararanasan ko
Nararanasan ko
Nararanasan ko

Exalt: “Salita Mo”
Empower: John 6:63,10:3-5,11-12, 27, 15:5; 2 Cor. 5:17; Genesis 2:7; Rom. 8:16; Deut. 8:3; 2 Peter 1:19; Eph. 1:3-4, 4:18; 2 Cor. 4:18

“My Sheep Hear My Voice”
Juan 10:27 - “Nakikinig sa akin ang aking mga tupa. Kilala ko sila at sumusunod sila sa akin.” (ASND)
Juan 10:3 “Pinapapasok siya ng tagapagbantay sa pintuan, at kilala ng mga tupa ang boses niya. Tinatawag niya ang mga tupa sa kani-kanilang pangalan at inilalabas sa kulungan.” (ASND)

Napakagandang metaphor o pagtutulad (Pastol at mga tupa) ang ginamit ng Panginoong Hesus upang ipahayag Niya ang Kanyang pagmamahal at pag-iingat sa atin na mga tagasunod Niya. Kilala ng Pastol ang Kanyang mga tupa at tinatawag sa kani-kanilang pangalan. Ito ay nangangahulugan ng isang malalim na ugnayan Niya sa atin. Tayo ay Kanyang     mga tupa; kabilang tayo sa Kanyang kawan; tayo ay Kanya. Ang tanging gawain natin bilang mga tupa ay sumunod sa boses ng ating Pastol. However, we need to recognize His voice. Kilala mo ba ang boses o tinig ng iyong Pastol para makasunod ka sa Kanya?

Makikilala lamang natin ang boses ni Hesus (ang ating Pastol) sa pamamagitan ng Kanyang Banal na Salita. Noong una, dahil sa katigasan ng puso ng mga kabilang sa bayan ng Diyos (Israel), hindi nila marinig ang Kanyang boses. Nadiliman ang kanilang kaisipan at nawalay sa buhay na ipinagkaloob ng Diyos. Mas itinuon nila ang kanilang mata sa mga bagay na nakikita (tulad ng pagkain), kaysa sa mga bagay na espirituwal; kaya’t ‘tinuro ng Diyos sa kanila na “hindi lamang hindi lang sa tinapay nabubuhay ang tao kundi sa bawat salita ng Panginoon.” (Deut. 8:3 ASND) Inilabas sila ng Diyos sa Egypt at ipinangakong dadalhin sa lupang pangako, hindi ba Niya kayang ibigay ang kanilang pangangailangan? Subalit hindi nila pinaniwalaan ang sinabi (Salita) ng Diyos; mas nakita nila ang kanilang kalagayan kaysa pangako ng Diyos.

Hindi gusto ng Diyos na mawalay tayo sa buhay na inilaan Niya para sa bawat isa sa atin. Ang Salita Niya (na inihahayag ng Espiritu) ang Siyang nagbibigay ng buhay (John 6:63). There is life in His Word; His promises bring hope, peace, joy, strength, encouragement, comfort, vision, etc. Kaya nasain natin na lumabas ang buhay na kaloob Niya (in our spirit) sa pamamagitan ng araw-araw nating pakikinig sa boses Niya at pagsunod sa Kanya.

Kilala ka ni Hesus. Nasa sinapupunan ka pa lamang ng iyong ina, kilala ka na Niya dahil siya ang humubog sa iyo. Alam Niya ang iyong buhay at kung ano ang iyong nararanasan sa kasalukuyan. Inialay Niya ang Kanyang buhay para sa iyo upang ikaw ay mapabilang sa Kanyang kawan. At ngayong ikaw ay nasa Kanya nang pag-iingat wala Siyang hindi gagawin para sa iyo. Hindi maaaring pabayaan ng Mabuting Pastol ang Kanyang mga tupa. Kung mapapahamak man ang tupa, ito ay dahil sa hindi niya pagsunod sa boses ng kanyang Pastol. Ang Espiritu ng Diyos ay laging nangungusap sa iyong espiritu, 24/7, upang gabayan ka Niya sa lahat ng bagay. Subalit kailangan mong pag-aralang makilala at maging pamilyar sa Kanyang boses. Learn to recognize God’s voice and follow whatever He tells you to do.

Recognizing God’s voice takes time. Kailangan tayong magbabad sa Kanyang Salita upang makilala natin ang Kanyang boses. At kapag naging pamilyar na tayo sa Kanyang boses, hindi na natin susundin ang ibang mga boses dahil hindi na natin kilala ang mga ito. Tanging ang boses na lamang ng ating Pastol ang Siyang ating kilala (John 10:3,5).

Elevate: Application/Suggested Question:
1. Nakikinig ang mga tupa sa boses ng Pastol; kilala ng Pastol ang bawat tupa Niya; at ang mga ito’y sumusunod sa Kanya. Ito’y isang simpleng pagtutulad (metaphor) subalit puno ng malalim na katotohanan. Ang tanong: Handa ba tayong maglaan ng panahon upang patuloy na makilala (recognize) ang boses Niya? Handa ba tayong sumunod kung saan Niya tayo dinadala?
Elaborate. 

Offline Website Creator
Free Web Hosting