Exalt: “Beautiful Saviour”
Empower: Genesis 3:15; 22:18; Galatians 3:16; Revelation 12:5; 1 John 3:8; Hebrews 2:14; Romans 16:20; 2 Cor.2:14
he Promised Seed of the Woman (Jesus in the Eternal Plan of Salvation)
Ang pagkahulog ng tao sa kasalanan ay nagbunga ng kanyang pangangailangan para sa kaligtasan (divine redemption) – isang pangangailangan na agad na tinugunan ng Diyos sa Kanyang pangako sa Genesis 3:15.
Kayo ng babae'y aking pag-aawayin, binhi mo't binhi niya'y lagi kong paglalabanin. Ang binhi niya ang dudurog sa iyong ulo, at sa sakong niya'y ikaw ang tutuklaw.”
Sa kabila ng trehedya na dinulot ng pagkakasala ng tao, inihayag ng Diyos ang tagumpay ng binhi ng babae (the “seed” of the woman) at pagkatalo ng ng ahas (Satan) na sa simula pa ay nagtangka nang hadlangan ang pagdating ng Mesias (e.g. Herod’s attempt to kill the King/child Jesus).
Genesis 3:15 – known as the protoevangelium (Greek “protos” = first (una) and” euangelion” = goodnews (mabuting balita); i.e. the first good news/gospel (about Jesus, the Christ/Saviour) or the first Messianic prophecy.
Napakahalaga na maunawaan ang Genesis 3:15 dahil dito nakabase (grounded) ang lahat ng mga hula ng mga propeta. Here, God pronounces hope to mankind (through the seed); He also pronounces judgment to the enemy (and enemy’s seed/s). Ang pangakong ito ang pasimula ng kasaysayan ng pagliligtas ng Diyos sa tao (God’s Redemptive plan) na naisakatuparan kay Hesu-Cristo. As promised, the seed - the Saviour - bruised/crushed the head of Satan, a prophecy fulfilled through the death and resurrection of Jesus Christ. Sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan at pagkabuhay na muli, napabagsak Niya ang kaaway at nalupig Niya ang kasalanan at kamatayan. Christ has won the victory; He now rules with power and grace!
Collectively, inihahayag din ng Genesis 3:15 (“Ang binhi niya ang dudurog sa iyong ulo, at sa sakong niya'y ikaw ang tutuklaw.”) ang patuloy na pakikipagtunggali ng tao sa pagitan ng mabuti at masama (a long struggle between
good and evil) mula noon hanggang ngayon. But the ultimate victory belongs to the people of God. Dahil sa panlilinlang ng kaaway, ang kasalanan o kadiliman sa mundo ay laganap. Subalit, mayroong pag-asa; iyan ang hatid ng Protoevangelium; it highlights God’s love for humanity. At tayo na mga mananampalataya, na nakauunawa sa pag-ibig at biyaya ng Diyos, ang intrumento upang maihayag ang Mabuting Balita (the Good News; the Gospel).
Protoevangelium also showcases God’s unwavering faithfulness to His promises. Sa kabila ng mga nagaganap na trahedya o kalamidad sa iba’t ibang panig ng mundo (e.g. earthquake in the Philippines) na nagdadala ng takot o pangamba, makakaasa tayo sa katapatan ng pangako ng Diyos na hindi Niya tayo pababayaan. “Walang hadlang o laban na ‘di kayang pagtagumpayan… Tagumpay! Sa Diyos ang Kaluwalhatian!
THINGS TO REMEMBER WHEN READING THE BOOK OR REVELATION:
1. Revelation is a book of signs and symbols.
2. The interpretation of these symbols comes from the Old Testament.
3. The focus of Revelation is on the exalted Christ, not on speculations (haka-haka) about the future.
Elevate: Application/Questions:
1. Sa tuwing tila nagwawagi ang kasamaan, paano mo maaalala na “nadurog na ang ulo ng ahas” at si Cristo ay naghahari na?
2. Sa iyong pananaw, bakit mahalagang maunawaan na ang buong Kasulatan – mula Genesis hanggang Revelation – ay umiikot sa persona at gawain ni Cristo?
3. Ano ang impact nito sa iyo sa tuwing isinisigaw mo ang salitang “Tagumpay!”?