The Righteousness of God REVEALED

 REVELATION SONG
Song by Kari Jobe

[Verse 1]
Worthy is the Lamb who was slain Holy, holy is He
Sing a new song to Him who sits on Heaven's mercy seat
Worthy is the Lamb who was slain Holy, holy is He
We sing a new song to Him who sits on Heaven's mercy seat
[Chorus]
Holy, holy, holy is the Lord God Almighty
Who was and is and is to come
With all creation I sing praise to the King of kings You are my everything and I will adore You
[Verse 2]
Clothed in rainbows of living color
Flashes of lightning, rolls of thunder
Blessing and honor, strength and glory and power be To You the only wise King
[Chorus]
Holy, holy, holy is the Lord God Almighty
Who was and is and is to come
With all creation I sing praise to the King of kings
You are my everything and I will adore You (I will adore You, oh)
[Bridge]
Filled with wonder, awestruck wonder
At the mention of Your Name
Jesus, Your Name is power, breath and living water Such a marvelous mystery, oh
You're worthy, mystery
You are worthy
[Chorus]
Holy, holy, holy is the Lord God Almighty
Who was and is and is to come
With all creation I sing praise to the King of kings You are my everything and I will adore You
[Outro]
I will adore You

Exalt: “Revelation Song”
Empower: Romans 1:16-17; Deuteronomy 9:5; Hebrews 12:2

The Righteousness of God Revealed
Romans 1:16 - For I AM NOT ASHAMED of THE GOSPEL OF CHRIST, for it is the POWER OF GOD to SALVATION for everyone who believes, for the JEW FIRST AND ALSO FOR THE GREEK. (NKJV)

Sa kabila ng takot at mga social pressures na kinaharap ni Pablo, hindi niya ikinahiya ang pangangaral ng Ebangelio (ang Mabuting Balita). Sa panahong iyon ang kamatayan sa krus ay para lamang sa mga kriminal at rebelde; subalit, hindi inalintana ni Pablo ang maaaring sabihin o ipukol sa kanya dahil nauunawaan niya ang sakrispisyo o pagtitiis na kailangang danasin ni Cristo; alam Niya na ang Ebangelio ay ang kapangyarihan ng Diyos upang mailigtas ang lahat ng sumampalataya, una sa mga Judio, pangalawa sa mga Hentil.

Sa ating panahon, naligtas tayo (mga Hentil) dahil narinig din natin ang Mabuting Balita ng kaligtasan na ipinangaral o ibinahagi sa atin; pinaniwalaan natin ang ginawa ni Cristo; sumampalataya tayo na Siya ang Mesias, ang Tagpagligtas. Bahagi ng kaligtasan ang isang napakalaking milagro na ating naranasan - ang tayo’y maisilang na muli (born-again), meaning, ipinanganak tayo sa espiritu... nagkaroon tayo ng bagong buhay – the life of Christ in us (God dwells in us). Tayo’y naging kabahagi sa kalikasan ng Diyos (2 Peter 1:4). Ang katuwiran Niya ay napasaatin. Ang pagkakakilanlan natin ngayon ay hindi nakabatay sa ating nakaraan, mga pagkukulang, o mga pagkakamali, kundi sa ginawa at ibinigay na sa atin ng Diyos kay Cristo. What is found in Him is found in me, and what is not found in Him is not found in me.

Keep your focus on Jesus and your identity with Him; rather than on yourself, your circumstances, or past failures. 

Romans 1:16 - For in it THE RIGHTEOUSNESS OF GOD IS REVEALED FROM FAITH TO FAITH; as it is written, “THE JUST SHALL LIVE BY FAITH.” (NKJV)

Ang katuwiran ng Diyos ay hindi lubos na naipahayag sa panahon ng Lumang Tipan. Bagama’t ipinakita na ng Diyos ang Kanyang katapatan at katuwiran sa pakikitungo Niya sa Kanyang bayan, ang ganap na kapahayagan nito ay dumating sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Ang mga kautusan, paghahandog ng mga hayop, at iba pang seremonya sa Lumang Tipan ay nagsilbing mga anino at larawan ng higit na dakilang bagay na matutupad kay Cristo. Tinupad ni Hesus ang hinihingi ng Kautusan at isinakatuparan ang mga bagay na dati ay anino lamang. Jesus was the end of the Law.

Pero ngayon, inihayag na kung paano itinuturing ng Dios na matuwid ang tao. Itoʼy hindi sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan. Ang Kautusan na mismo at ang mga propeta ang nagpapatotoo rito (Roma 3:21 ASND) Samakatuwid, sa pagdating ni Cristo [i.e. sa Kanyang kapangakan (incarnation), kamatayan (death), pagkabuhay na muli (resurrection) at pagluwalhati (glorification) ni Cristo] ay ganap nang naihayag na ang tao ay itinuturing na matuwid sa pamamagitan lamang ng pananampalataya kay Cristo. Si Cristo ang kapahayagan ng Katuwiran ng Diyos. Si Cristo mismo ang Katuwiran ng Diyos. At bilang itinuring na matuwid dahil sa pananampalataya kay Cristo, magpatuloy tayo sa ating paglalakbay sa buhay na ito sa pamamagitan din ng pananampalataya.

Elevate: Application Question:
1. “The righteous will live by faith” – Paano mo naisasapamuhay ang biblical na prinsipiyong ito?

Announcement:
Adopt-a-Material campaign – Katulad ng nai-anunsiyo noong Linggo, ang layunin nito ay para ma-kompleto ang mga beams sa Phase 1 ng ating proyekto (para hindi “bitin”). Kapag sama-sama at tulong-tulong madaling maisakatuparan ang proyekto! Tagumpay!!!

‌

AI Website Generator
Free Web Hosting