Exalt: “Thank You Jesus for the Blood”
Empower: Matthew 6:22-23; 13:14-17; 2 Kings 6:15-17; Eph.1:18, 1 Samuel 16:6-7; 1 Corinthians 2:16; Hebrews 11:13
How do you see or view your life, the world, yourself, others and circumstances around you? Through what lens do you see them?
Mateo 6:23b “…Kung ang nagsisilbing ilaw mo ay walang ibinibigay na liwanag, napakadilim ng kalagayan mo.”
Ito ang kalagayan natin noong una, nabubuhay tayo sa kadiliman… nakasara ang ating mga mata… kumakapa tayo sa dilim…walang direkyon ang ating buhay. Tayo’y binulag ng diyos ng mundong ito (Satan), dahilan upang hindi natin makita ang liwanag ng ebanghelyo. Salamat sa Diyos sa mga taong ginamit Niya upang maihayag sa atin ang Katotohanan, si Cristo, na siyang liwanag na suminag sa ating mga mata upang ang mga ito’y mabuksan. Our spiritual eyes were opened! Noon, nabubuhay lamang tayo sa nakikita ng ating mga pisikal na mga mata at dito kadalasang nakadepende ang mga desisyon na ating ginagawa, ngunit ngayon, malinaw na ang nakikita ng ating mga mata (puso) at may kakayahan tayo na makita ang di-abot o lampas sa nakikita (beyond) ng pisikal na mata. Mateo 6:18 – Ngunit mapalad kayo, dahil nakakakita kayo at nakakaunawa.
Spiritual eyesight is the ability to see beyond what you can see with your natural eyes. Mahalaga na maunawaan natin ito dahil ang kaisipan natin ay hinubog ng mga karanasan sa buhay (masaklap man o maganda), hindi ng katotohanan. Nasanay tayo sa dikta ng mga nakikita ng ating mga pisikal na mata o nakikita sa panlabas na nagdudulot kadalasan ng takot at pangamba. Katulad ng alipin ni Eliseo, ang nakita niya ay ang dami ng kalaban na paparating kaya siya natakot. Samantalang si Eliseo ay panatag dahil alam niyang hindi sila pababayaan ng Diyos. Nakita niya na mas marami sila kaysa mga kalaban. Paano? Dahil ang kanyang mga mata (puso) ay bukas sa mga kapahayagan ng Diyos; alam niya kung ano ang balak ng hari (of the Arameans) kaya’t nanalig siya na sila’y iingatan ng Diyos. Upang mawala ang takot sa puso ng kanyang alipin, sinasabi sa 2 Hari 6:17 - Nanalangin si Eliseo, “PANGINOON, buksan po ninyo ang mga mata ng katulong ko para makakita siya.” Binuksan ng PANGINOON ang mga mata ng katulong, at nakita niya na puno ng mga kabayo at karwaheng apoy ang kaburulan sa paligid ni Eliseo (ASND). Diyos lamang ang maaaring magbukas sa ating espiritual na paningin (spiritual eyesight).
Spiritual eyesight allows us to see God’s perspective (God’s point of view). Ang pang-unawa natin sa kalikasan ng Diyos at kung paano Siya tumitingin (which is always through the eyes of love) ang siya ring makakapagpabago ng ating mga pananaw sa ating mga sarili, sa ibang tao at sa mga pangyayari sa buhay. Perspective comes from the Latin word “percipere” which means “looking through or beyond.”
God’s perspective looks through and beyond (He looks at the heart); while physical eyes (human lens or world lens) can only look at the wrong or mistakes done. Gamit ang sariling pananaw (human perspective), ang nakikita lang natin ay ang mga maling nagawa at kabiguan natin o ng ibang tao; subalit gamit ang lente ng Diyos, makikita mo na ikaw ay pinatawad na, matuwid at karapatdapat sa harapan ng Diyos at ito’y maaari ding maranasan ng iba. Through God’s lens (eyes), you can see that you (and other believers) are blessed, strong, healed, prosperous and victorious in Christ. Through God’s lens, makikita mo na ang bawat tao, sino man siya sa harap ng lipunan, anuman ang kamalian o kasalanang nagawa (laban sa iyo o sa lipunan) ay maaaring magbago sa pamamagitan ng pag-ibig (through the unconditional love of God flowing through you).
Elevate: Application/Suggested Questions:
1. Ibigay ang kuru-kuro sa isa sa dalawang statements na ito:
a. “You cannot have (partake) what you do not see.” [Hindi mo matatanggap ang hindi mo nakikita.]
b. “We do not see things as they are, we see them as we are.” [Hindi natin nakikita ang mga bagay kung ano sila (ayon sa tunay na anyo o kalagayan), nakikita natin sila kung sino tayo (ayon sa pananaw o pagkakilala sa sarili).]
Announcement: CFSM Convention on December 28-30, 2023 @
Vista Verde Resort, Pulung Maragul, Angeles City