Exalt: “None But Jesus”
Empower: Matthew 24:1-14 [Read Matthew 21, 22 and 23)
The Coming of the Son of Man (Part 1)
“Sabihin nʼyo po sa amin kung kailan mangyayari ang sinabi nʼyo? At ano po ang mga palatandaan ng muli nʼyong pagparito at ng katapusan ng mundo?”(Matt. 24:3b ASND)
Napakahalaga na maunawaan na ang mga alagad (Peter, James, John and Andrew – Mark 13:3) ay nagtanong dahil sa sinabi ni Hesus sa Mateo 24:2 na “magigiba ang lahat ng iyan (referring to the temple) at walang maiiwang magkapatong na bato” (a complete destruction). Ang kanilang tanong (a unified question) ay hindi tungkol sa katapusan ng pisikal na mundo (Gk. cosmos), kundi tungkol sa kanilang napakakagandang templo na sentro ng kanilang buhay [i.e. Jewish identity; national pride; the heart and symbol of Israel’s religious, political and economic life.]
Bilang tugon sa tanong ng mga alagad, nagbigay ng mga tanda si Hesus sa Mateo 24:3-14: false christs, wars and rumors of wars, earthquakes and famines; tribulations/ persecutions, apostasy, false prophets, lawlessness, preaching of the gospel in all the world (Gk. ‘oikoumene’– referring to the inhabitants of the Roman world/empire). Kailan nangyari ang lahat ng sinabi ni Hesus? – sa kanilang henerasyon. Assuredly, I say to you, THIS GENERATION will by no means pass away till ALL these things take place. (Matt. 24:34) All took place in their lifetime; not at the end of history or ‘yet-future’ event. Ito’y pinatutunayan ng mga naisulat sa kasaysayan ng mga Judio at ng imperyo ng Roma .
I. Historical Context: Jesus and the Temple
Matapos ang matagumpay na pagpasok ni Hesus sa Jerusalem (His triumphal entry), pumasok siya sa templo at ‘pinagtabuyan palabas ang mga nagtitinda at namimili, ipinagtataob ang mga mesa ng mga namamalit ng salapi at upuan ng mga nagtitinda ng kalapati. At sinabi Niya– “Ang aking tahanan ay tatawaging bahay-dalanginan, ngunit ginawa ninyo itong lungga ng mga magnanakaw.”
The temple was exploited by the religious leaders and disrupted its sanctity (sacredness) through commercial activities. Jesus exposed the hypocrisy, corruption and false security of the religious system centered in the temple.
II. The Covenantal Context: Covenant Breaking --> Judgment
Ang Diyos at ang Israel ay may tipan o kasunduan sa bundok ng Sinai (also known as Mosaic covenant). Ang kanilang pagtupad sa kasunduan ay mangangahulugan ng pagpapala, subalit ang kanilang pagtalikod o pagsuway dito (violation) ay hahantong sa kapahamakan o kahatulan. Maraming propeta ang sinugo ng Diyos upang paalalahanan ang Israel, subalit nanatili ito sa kanyang kasamaan, lalo na ang kanyang mga pinuno. Kaya nga naghayag si Hesus ng matinding condemnation sa mga religious leaders (7 Woes in Matthew 23:13-36. And the greatest offense they committed- tinanggihan nila ang Hari o Mesias na makapagbibigay sa kanila ng kapayapaan at kalayaan. Kaya’t dumating sa kanila ang kahatulan ng Diyos noong AD 70. Ayon kay Josephus (a Jewish historian), ang Jerusalem ay pinaligiran ng mga sundalong Romano, nawasak ang templo, mahigit isang milyon na Judio ang namatay at marami ang ginawang bihag.
III. The Linguistic Context
COMING – Gk. ‘PAROUSIA’- presence, appearing; it refers to HIS COMING IN JUDGEMENT (cf. Isaiah 19:1; Micah 1:3-4); not visible/physical coming, but a spiritual and covenantal one.
AGE (Gk. “AION”) – refers to a redemptive-historical period (Jewish Age); end of the OLD COVENANT AGE (the Mosaic system: rituals, priestly mediation, temple sacrifices)
Jesus’ prophetic ministry was primarily for the people alive in His day, the people to whom he was sent, not to 21st century people.
Elevate: Application/Questions:
1. Ano ang kahalagahan ng prediction ni Hesus tungkol sa pagkawasak ng templo?
2. Paano nabago ang iyong pananaw tungkol sa pagdating ni Hesus ngayong alam mo na na ang mga tanda na sinabi Niya ay natupad na sa kaniyang henerasyon?