Exalt: “Diyos ng Kabutihan”
Empower: Isaiah 55:10-11; Romans 10:10; 2 Peter 2:2; Psalm 119:105; Hebrews 11:1; Acts 10:9-17
Hearing God Through the Word (Part 2)
Ang Banal na Espiritu na tinanggap ng bawat isinilang na muli sa espiritu (born again Christians) ay patuloy na kumikilos sa ating buhay (through the Word) upang turuan at gabayan tayong makalakad sa kalooban at layunin ng Diyos. The Holy Spirit is always at work in our lives to reveal who Jesus (God) is, so we could walk according to His will. He always reminds us of the finished work of Christ, so we can always live in victory. Sa panahon na nahaharap tayo sa matitinding hamon ng buhay, lagi Niyang pinapaalala sa atin ang kabutihan at katapatan ng Diyos sa pamamagitan ng tagumpay ni Cristo; ang tagumpay Niya ay tagumpay din natin! All of God’s promises in Christ are “yes” and “amen.” (God says “yes” and we say “amen”).
God’s Word will not return to Him void or empty; it will accomplish what He desires and shall prosper where He sends it! Halleluiah! Yes, minsan may mga frustrations or disappointments tayo dahil sa mga expectations na hindi nangyari o nangyayari; subalit maaaring ang mga iyon ay pansarili lamang; we must always check the motives of our hearts and see if these are in accordance with God’s desires and purpose for us, because, when in comes to God and His Word, our future is a done deal. Victory is certain!
Now faith is the substance of things hoped for, the [ evidence of things not seen (Heb.11:1 NKJV). Sa pamamagitan ng pananampalataya (that comes by hearing, and hearing by the word of God), nabubuksan ang ating mga mata (spiritual eyes), meaning, nagkakaroon tayo ng kakayahan na makita (vision) ang mga bagay na lampas o higit pa (beyond) sa mga pangyayari (circumstances) sa ating buhay upang makalakad tayo sa mga pangako ng Diyos at magawa natin ang Kanyang layunin. Through faith, we see beyond natural thinking; we see possibilities. Para sa isang nabubuhay sa espiritu (who walks according to what the Word says), hindi mahirap na mangyari ito dahil sa patuloy niyang pagbababad sa Salita ng Diyos. Faith creates vision.
Napakayaman ng Salita ng Diyos. Ito’y napakahalagang hiyas na punong-puno ng kaalaman, karunungan at kapangyarihan ng Diyos. Ito’y tanglaw natin sa ating dinaraanan… gumagabay sa atin habang tayo’y naglalakbay dito sa mundo. Ito’y naglalaman ng mga espiritual na katotohanan na gusto Niyang ihayag sa puso ng bawat nagbabasa dito upang mabago ang kanilang pananaw at makita ng malinaw ang layunin ng Diyos (individually and corporately). Ang Salita ay buhày (alive) at buhay (life). It is God’s love letter to all of us where He expressed His unceasing love and commitment to us.
Peter heard the voice of God in Acts 10:9-17. Inihayag ng tinig (ng Diyos) sa kanya sa pamamagitan ng pangitain (vision) na ang Diyos ay hindi nagtatangi ng tao; ang kaligtasang naranasan ng mga Hudyo na nanampalataya kay Hesus ay maaari ding maranasan ng mga Hentil (like Cornelius). Tayo rin (as Gentiles) ay nilinis na ng Diyos (saved and became righteous in God’s sight by faith) at karapatdapat sa Kanyang kaharian. Ito ang kalooban at layunin ng Diyos – na ang lahat ay maligtas at magkaroon ng buhay na walang hanggan (relationship with Him). Ito ang katotohanang naihayag kay Pedro at inihahayag din ng Diyos sa bawat puso natin. People need hope; and their only hope is our Lord Jesus Christ. So let us preach/share Christ to the nations; people need the Lord!
Elevate: Application/Suggested Question:
1. Faith creates vision. Ano na ang nabuong pangitain (vision) o nakikita ng puso mo sa hinaharap (through the eyes of faith? (Maaring sa personal mong buhay, sa pamilya o sa grupong kinabibilangan mo.) Paano nito na-i-impluwensyahan ang mga kilos o desisyong ginagawa mo sa araw-araw?