Exalt: “Cornerstone”
Empower: Psalm 118:22; Isaiah 8:14, 26:16; Zechariah 12:10; Matthew 21:42; Luke 20:17-18, 24:36-47
The Rejected Cornerstone (Jesus’ Death and Resurrection)
Batong-Panulukan (Cornerstone) - ito’y isang napakagandang paglalarawan (metaphor) ng Bibliya sa ating Panginoong Hesus. In ancient construction, the cornerstone was the first and most important stone placed in a building. Kapag mali ang batong-panulukan – basag, hindi pantay, o mali ang puwesto – magiging mahina ang buong gusali. Ang batong-panulukan ang nagsisilbing pundasyon (foundation), pagtutuwid (alignment) at katatagan (stability) ng isang gusali.
Sinabi sa kanila ni Jesus, “Hindi ba ninyo nabasa ang talatang ito sa Kasulatan? ‘Ang batong tinanggihan ng mga tagapagtayo ng bahay ang siyang naging batong pundasyon (Mateo 21:42 MMBTAG). Ang talatang ito ay sipi mula sa aklat ng Psalmo (Psalm118:22). Ito’y tuwirang sinabi ni Hesus sa mga eskriba at Pariseo (religious leaders), ang mga tagapagtayo ng bahay (the house of God; temple). Subalit, sadyang nakasara/bulag ang kanilang mga mata; hindi nila nakita ang ginagawa ng Diyos sa pamamagitan ni Hesus na nasa harapan na nila. They were blinded by their pride, envy, hypocrisy, self-righteousness, and greed for power. Tinanggihan nila at ipinapako sa krus ang may pinakamahalagang papel sa Plano ng Kaligtasan ng Diyos. Tinanggihan nila ang Hari na dapat sana’y mamuno sa kanila. These builders rejected the stone, Jesus, but God honored Him! ‘The stone which the builders rejected has become the chief cornerstone.
Dahil sa pagtanggi ng mga pinuno (at ng mga mamamayan ng Israel na kanilang naimpluwensiyahan) kay Hesus, ang batong-panulukan, ito’y naging batongkatitisuran (stumbling stone) sa kanila (1 Peter 2:8). Sila’y madadapa at mawawasak… magkakaluray-luray at madudurog. [Note: Ito’y nangyari ilang taon (40 years) matapos i-predict ni Hesus ang kapahamakan/ kahatulan na darating sa kanila, kasama na ang pagkawasak ng Jerusalem at ng templo. Historically, this happened in AD 70.]
Ang pangyayaring ito ay hindi nalalayo sa nangyari sa Israel at Judah dahil sa kanilang kawalan ng pananampalataya sa Diyos. Sa panahon na ang Jerusalem ay nasa panganib dahil sa kasalanan ng mga lider nito (pride, moral corruption, spiritual decay – both of Israel and Judah) na nagtiwala sa mali o huwad na seguridad at pundasyon (i.e. alliance with other nation), hindi sa Diyos, inihayag ni propeta Isaias ang kanilang pagkawasak at pagbagsak [in the hands of Assyria (for Israel) and Babylon (for Judah)]. Gayunpaman, ipinangako ng Diyos na maglalagay Siya sa Zion (geographically-Jerusalem; spiritually/prophetically-the people of God)“…ng batongpanulukan, subok, mahalaga, at matatag na pundasyon; ‘Ang magtiwala rito'y hindi mapapahiya.’ (Isaias 28:16 MBB) Sa mga sumasampalataya, ito’y mahalagang batong-panulukan (matatag na pundasyon/kaligtasan); subalit sa mga hindi, ito’y magsisilbing batong-katitisuran (pagkadapa/ kapahamakan). Bilang mananampalataya, makakaasa tayo kay Hesus - ang subok, mahalaga at matatag na pundasyon ng ating buhay. Jesus is our Sure Foundation! Sa Kanya natin i-ayon (align) at ipagkatiwala ang ating buhay. Ang nagtitiwala sa Kanya ay hindi matitinag kailanman. Gaano man kalakas ang bagyo, matatag pa rin siyang nakatayo (stable) dahil nakasandig siya sa matatag at matibay na bato. Halleluiah!
Elevate: Application/Questions:
1. Ano ang impact na nagawa ng iyong pang-unawa kay Hesus bilang batong-panulukan (Chief Cornerstone) sa iyong pananampataya at pang-araw-araw na buhay?
2. Magbigay ng mga praktikal na pamamaraan kung paano mo mai-aayon (align) ang iyong buhay sa mga turo o salita ni Hesus.