Exalt: “Death was Arrested”
Empower: Isaiah 61:10; Matthew 22:8-14; Galatians 3:26-27; Romans 13:14; Ephesians 4:20-24; Colossians 3:9-10
Being clothed with Christ’s righteousness means receiving right standing with God as a free gift through faith in Jesus rather than trying to earn it through human effort, moral performance or keeping the law.
Isaiah 61:10 “... binihisan Niya ako ng mga damit ng kaligtasan, binalot Niya ako ng balabal ng katuwiran...”. Dito, ang katuwiran ay inilalarawan bilang isang kasuotang ibinibigay ng Diyos. Ito’y kaloob ng Diyos, hindi kailangang gumawa ng sariling damit ng katuwiran, kaya’t walang maaaring ipagmalaki ang tao; ang kanyang katuwiran ay hindi galing sa sariling pagsisikap o sa gantimpala sa mabubuting gawa o pagsunod sa Kautusan.
Efeso 4:22-24 - 22 Kaya talikuran nʼyo na ang dati ninyong pamumuhay dahil gawain ito ng dati ninyong pagkatao. Ang pagkataong ito ang siyang nagpapahamak sa inyo dahil sa masasamang hangarin na dumadaya sa inyo. 23 Baguhin nʼyo na ang inyong pag-iisip at pag-uugali. 24 Ipakita nʼyong binago na kayo ng Dios at binigyan ng buhay na matuwid at banal katulad ng sa Dios. Mahalagang maunawaan na ang katuwiran ni Cristo ay hindi lamang isang panlabas na pagkakakilanlan. Ito ay may kaugnayan sa ating bagong pagkatao (new man) kay Cristo. Ang dating pagkatao (old man) ay namatay na sa krus kasama Niya. Ang dating pagkatao ay hindi lamang tumutukoy sa masasamang gawi, maling pag-uugali o hindi kanais- nais na asal. Ito’y tumutukoy sa ating dating pagkakakilanlan kay Adan; ang kalikasang makasalanan ay napasaatin. Nahiwalaway tayo sa kaugnayan sa Diyos. Napailalim tayo sa kapangyarihan ng kasalanan at hindi natin kayang maging matuwid sa pamamagitan ng sariling pagsisikap. Subalit, noong tayo’y nanampalataya kay Cristo, binihisan tayo ng Diyos ng katuwiran ni Cristo; binigyan Niya tayo ng bagong pagkatao (new man). Hindi lamang tayo pinatawad; binigyan tayo ng bagong pagkakakilanlan (new identity) at bagong katayuan sa harapan ng Diyos.
When death was arrested, a new life began. Through Christ’s death, the old humanity in Adam was dealt with. Our old self was crucified with
Him. Ang ating lumang pagkatao ay namatay at nailibing na kasama ni Cristo, at sa Kanyang muling pagkabuhay, isang bagong buhay ang ating tinanggap. It is the resurrection life - eternal life, a life of righteousness, fellowship with God, and freedom from the dominion of sin. Kaya’t hindi na tayo dapat mamuhay ayon sa pagkakakilanlan ng lumang pagkatao.
God did not simply repair or improve the old man; He created an new man in Christ (2 Corinthians 5:17). Tayo’y bagong nilalang na kay Cristo. Through Christ, God created a new humanity and called them His children. Jesus brought us into a new relationship with the Father through His finished work.
Believers are clothed with Christ’s righteousness; meaning, we are as righteous as Jesus Christ. Anuman ang taglay Niya sa Kanyang kalikasan ay taglay din natin dahil sa ating pakikipag-isa sa Kanya. Hindi pinipilit ang anumang likas sa atin. Ang Kanyang katuwiran ay kusang lumalabas sa ating mga buhay habang nakikilala natin kung sino na tayo ngayon kay Cristo. Tayo’y tinanggap na ng Diyos; ginawa na Niya tayong matuwid; pinalaya na tayo ni Cristo; binigyan na tayo ng bagong pagkatao. Ang problema na lang ay ang “unrenewed mind.” Napakahalaga na mabago ang ating kaisipan sa pamamagitan ng Salita ng Diyos. Kailangang umayon ang ating pag-iisip sa katotohanan kung sino na tayo kay Cristo.
We have been made the righteousness of God in Him. Kung ang katotohanang ito ukol sa ating matuwid na katayuan sa harapan ng Diyos ay lubos nating mauunawaan at ito ang paniniwalaan ng ating mga puso, magbabago ang approach natin kung paano tayo nakikipag-ugnayan o nananalangin sa Diyos. Hindi tayo mag-aatubiling lumapit sa Kanya dahil pinapawi nito ang takot at pag-aalinlangan sa ating mga puso. We can come boldly unto the throne of grace... and obtain mercy, and find grace to help in time of need.
Elevate: Application Question:
1. Bakit mahalagang maunawaan na hindi lamang inayos o pinaganda ng Diyos
ang ating dating pagkatao kundi binago (recreated) Niya ito (lumikha Siya ng bagong tao - a new man)?