Exalt: “Resurrecting”
Empower: 1 Cor. 2:11-12; John 3:6; Romans 5:5,8:15-17; Acts 2:17-18
Hearing God Through the Holy Spirit
Paano mo malalaman kung ikaw ay ligtas at naisilang na muli? Paano ka nakatitiyak na ikaw ay anak ng Diyos? Sagot: Sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. Siya ang nagpapatotoo (witness) sa iyong espiritu na ikaw ay anak ng Diyos at hindi lamang anak, kundi kasamang tagapagmana (joint-heirs) ni Cristo (Romans 8:16-17). You know in your spirit that you are a child of God because of the Holy Spirit that dwells you. Kung baga sa isang nililitis, Siya ang tumatayong witness natin sa ginagawang pagaakusa ng kaaway upang mag-alinlangan tayo sa ating kaugnayan sa Diyos. Nililinaw (illuminate) Niya sa atin kung gaano tayo kamahal ng Diyos, upang hindi tayo manahan sa ating mga sariling gawa kundi sa Kanyang kagandahang-loob o biyaya.
Ang Banal na Espiritu ang nangungusap at nagpapaalala sa atin ng ating katatayuan bilang mga pinaging-matuwid at pinaging-banal sa harapan ng Diyos. Siya ang naghahayag sa atin kung sino na tayo ngayon sa espiritu upang ang pagkakilanlan (identiy) na ito ang atin ng ipamuhay. As He (Jesus) is, so are we in this world. In our born again spirit, we have the fruits of the Spirit (love, joy, peace…), strength/power, righteousness, blessings, health, and completeness in Christ. Ang laman ay walang kakayahan na marinig ang tinig ng Diyos sa pamamagitan ng Banal na Espiritu; hindi nito nauunawaan ang mga bagay na espiritual; ang kaya lamang niyang maarok ay ang mga bagay sa mundo at ukol sa mga pansariling kagustuhan. Alam ng Diyos ang ating mga kahinaan; subalit sa pamamagitan ng Banal na Espiritu na nananahan ngayon sa ating espiritu, mayroon na tayong kakayahan na supilin ang gusto ng laman at labanan ang ibang mga tinig na ating naririnig sa mundo o mula sa sarili.
1 Corinto 2:12 - At ang Espiritu na ito ng Dios ang tinanggap nating mga mananampalataya, hindi ang espiritu ng mundong ito, upang maunawaan natin ang mga pagpapalang ibinigay sa atin ng Dios. Maraming pagpapala ang ibinigay ng Diyos sa mga mga mananampalataya, subalit marami ang dayuhan o hindi alam ang mga ito. Kaya’t ipinagkaloob ang Banal na Espiritu upang ipaunawa ang mga ito sa pamamagitan ng Salita ng Diyos. The Holy Spirit reveals to us that we are already free… that sin has no power over us that we are no longer slaves… that we are children of God. Maging sensitibo tayo sa Kanyang presensya at tinig sa buhay natin.
God always speaks through His Spirit (by quickening the Word). Sa pamamagitan Niya, dumadaloy ang buhay at kapangyarihan sa Salita na ating nababasa at napagbubulayan. Kaya nga kung paanong hindi maaaring ipaghiwalay ang Salita at si Cristo, hindi rin maaaring ipaghiwalay ang Salita at Banal na Espiritu. It is the Spirit that gives life.
Ang Banal na Espiritu gumagabay at nagtuturo sa atin upang tayo’y makapamuhay sa kalooban at layunin ng Diyos. Kung sa kasalukuyan alam mo sa iyong puso na ikaw ay hindi lumalakad ayon sa nilayon ng Diyos sa iyong buhay, pasimulan mong basahin ang Kanyang Salita at maging sensitibo sa pangungusap ng Banal na Espiritu. What He speaks in your heart is always relevant and on time. Alam Niya ang buhay mo o ang pinagdadaanan mo; alam Niya ang laman ng iyong puso; kaya alam din Niya kung paano Siya mangungusap sa iyo at ano ang Kanyang sasabihin. God speaks in your heart through His Spirit; learn to listen to what He is saying.
Elevate: Application/Suggested Question:
1. Anong insidente o karanasan sa buhay mo ang masasabi mong naging pakinabang ang (tinig ng) Banal na Espiritu? Ibahagi.