Exalt: “The Perfect Love of Jesus”
Empower: Ephesians 1:6; Matt. 3:17; John 1:26, 17:23-24; Colossians 1:21-22
Ephesians 1:6 - to the praise of the glory of His grace, by which He made us accepted in the Beloved.
Look around you, and you will see many people struggling to gain acceptance from others. Ito ay dahil sa pangangailangan ng tao na maramdaman na siya’y kinikilala, pinahahalagahan, minamahal at kabilang sa isang pamilya, grupo o komunidad (belongingness). He longs to be loved and accepted. May mga taong ginagawa ang lahat (todo-kayod) upang mapahanga ang ibang tao at tanggapin sila. May mga tao na binabago ang kanilang pagkatao para lamang matanggap sa isang grupo. Ang iba ay isinasantabi pa ang kanilang mga paniniwala at prinsipyo dahil natatakot silang hindi tanggapin o ma-reject ng iba. Marami rin ang sumusukat sa kanilang halaga sa kanilang mga tagumpay at sa mataas na pagtingin sa kanila ng ibang tao. Para sa isang mananampalataya, hindi ibig sabihin na walang halaga ang pagsusumikap, pagkilala ng iba o pakikipagkaibigan; kundi, hindi ito ang mga batayan ng iyong halaga at tunay na pagkakakilanlan; kundi, kung paano ka nakikita ng Diyos o kung sino ka na ngayon kay Cristo.
Alam ng Diyos na kailangan ng tao na maramdaman niyang siya’y minamahal at tinatanggap. In fact, kaya nagkaroon ng ganitong pakiramdam ang tao ay dahil sa kasalanan. Bumaba ang pagtingin niya sa kanyang sarili. Because of sin, feelings of inferiority, insecurity, and low self-esteem entered the heart of man. Sin caused man to struggle with his sense of worth, identity, and acceptance. Subalit, dahil sa biyaya at ganap na pag-ibig ng Diyos, tinugunan Niya ang pangangailangan ng tao. No branch of science can fully satisfy the deepest longing of human heart for unconditional love and acceptance. Only in Christ can one find the complete and lasting love and acceptance. Ang hindi kayang ibigay ng iba ay malayang ipinagkaloob ng Diyos. Minahal ka ng Diyos. Tinanggap ka ng Diyos. Itinuring ka Niyang matuwid. Ipinakita ng Diyos sa pamamagitan ni Hesus na ikaw ay karapat-dapat at katanggap-tanggap sa Diyos. Ang lahat ng Ito ay hindi dahil sa iyong performance o gawa, kundi dahil kay Cristo.
Being accepted in the Beloved means that our acceptance before the Father is not based on what we have done for Him, but on what Christ has done for us. Si Cristo ang minamahal na Anak ng Diyos Ama: “This is my Beloved Son, in whom I am well pleased” (Matthew 3:17). Sa pamamagitan ng ating pakikiisa kay Cristo (union with Christ), nakabahagi tayo sa mga pagpapalang dulot ng Kanyang natapos na gawain. We did nothing to earn it. We were simply recipients of God’s grace. We were freely justified, forgiven, saved, accepted, and adopted as children of God. Hindi natin kailangang magsikap upang magkaroon ng lugar sa pamilya ng Diyos. Sa pamamagitan ni Cristo, isinama Niya tayo sa relasyon o kaugnayang ito dahil sa Kanyang biyaya.
People may spend their entire lives seeking acceptance from others, unaware that the acceptance their hearts desperately long for has already been freely given to them in Christ (by faith). Kapag hindi mo lubos na nauunawaan kung gaano ka na lubusang tinanggap kay Cristo, maaaring magpatuloy ka sa pamumuhay na para bang may kulang pa rin sa iyo; maaaring titingnan mo ang iyong sarili bilang isang taong walang halaga, mababa, o hindi karapat- dapat; maaring ang opinyon ng ibang tao ang magtakda kung paano mo titingnan ang iyong sarili. Subalit, kapag naging tunay na malinaw sa puso mo ang katotohanang ito, hindi ka na mamumuhay upang magpasikat o magpa- impress sa ibang tao. Mamumuhay ka nang may kapanatagan dahil alam mo kung sino ka kay Cristo. Colossians 1:21-22 - 21 Noong una ay malayo kayo sa Dios, at naging kaaway niya dahil sa kasamaan ng inyong pag-iisip at mga gawa. 22 Pero ngayon, ibinalik na niya kayo sa kanyang sarili sa pamamagitan ng kamatayan ng katawang-tao ni Cristo. Kaya maihaharap na kayo sa kanya na banal, malinis at walang kapintasan. You are no longer a stranger (alienated) or enemy of God; you are now reconciled with God. You are no longer condemned. See yourself through the lens of God; see yourself standing before God as blameless, holy, and spotless (in Christ).
Believers’ Daily Confession: Tinanggap ako ng Diyos (Accepted in the Beloved). Mahal ako ng Ama at ginawa akong matuwid sa pamamagitan ni Cristo. Panatag at payapa ako sa Kanyang natapos na gawain. Hindi ko kailangang paghirapan na ako’y maging katanggap-tanggap sa harapan ng Diyos. Namumuhay ako ayon sa Kanyang biyaya, tiwala sa aking pagkakakilanlan at bagong relasyon sa Kanya. Ako ay tinanggap, minamahal, at ganap kay Cristo.
Elevate: Application Question:
1. Ibigay ang iyong saloobin sa mga (o isa sa mga) pangungusap na ito: “TINANGGAP KA NA (YOU ARE ALREADY ACCEPTED). Hindi mo kailangang magpasikat upang patunayan ang iyong halaga. Hindi mo kailangang makipagkompetensiya sa iba upang patunayan kung gaano ka kahalaga. Hindi mo kailangang baguhin ang iyong sarili para lamang matanggap at mapabilang sa iba. Hindi mo kailangang paghirapan ang isang bagay na malaya nang ipinagkaloob sa iyo ng Diyos.”