Exalt: “Worthy of It All”
Empower: Genesis 12:1-3, 15:6, 22:18,,16,14,29; Hebrews 11:8-9; Galatians 3:6-9; Romans 4:1-5, 13
Kung mayroong isang tao sa Lumang Tipan (especially before the Law) na maaaring pagparisan sa katuwirang mayroon tayo ngayon ay si Abraham. Ginamit ni Pablo si Abraham bilang halimbawa upang ipaliwanag ang katuwirang tinatanggap ng lahat ng sumasampalataya kay Jesu-Cristo. Katulad ni Abraham, hindi tayo itinuring na matuwid dahil gumawa tayo ng maraming relihiyosong gawain o sumunod sa isang mahabang listahan ng mga utos. Tayo ay itinuring na matuwid sa harapan ng Diyos dahil sa pananampalataya.
Sino ba si Abraham? Si Abraham, na dating Abram ang pangalan, ay nagmula sa Ur ng mga Caldeo. Ang kanyang ama na si Tera at ang kanilang mga ninuno ay sumasamba sa ibang mga diyos. Ibig sabihin, hindi nagmula si Abraham sa pamilyang kilala na sa pagsamba sa tunay na Diyos. Hindi rin siya ipinakilala sa Biblia bilang isang pinuno ng relihiyon o isang taong nakagawa na ng maraming mabubuting bagay upang maging karapat-dapat sa pabor ng Diyos. Ngunit tinawag siya ng Diyos. Grace found him.
Sa Genesis 12, mababasa natin kung paano kumilos ang Diyos sa buhay ni Abraham. Inutusan siya ng Diyos na iwan ang kanyang bayan, mga kamag- anak, at tahanan ng kanyang ama upang pumunta sa lupaing ituturo sa kanya ng Diyos. Kasabay nito, binigyan siya ng Diyos ng mga dakilang pangako: gagawin siyang isang malaking bansa, pagpapalain siya, dadakilain ang kanyang pangalan, at sa pamamagitan niya ay pagpapalain ang lahat ng pamilya sa mundo.
Sa Genesis 15, matanda na si Abraham, ngunit wala pa rin siyang anak. Matanda na rin si Sarah at wala siyang kakayahang magkaanak dahi siya ay baog (barren). Sa pananaw ng tao, tila imposibleng mangyari ang ipinangako ng Diyos. Ngunit tiniyak ng Diyos kay Abraham na magiging kasingdami ng mga bituin sa langit ang kanyang mga lahi. Kahit tila wala nang pag-asa kung titignan ang kaniyang kalagayan, sumampalataya si Abraham. And he believed in the Lord; and he counted it to him for righteousness (Genesis 15:6). Sumampalataya siya sa PANGAKO ng Diyos, at ibinilang ito sa kanya bilang KATUWIRAN.
Take note, Abraham’s faith was real (genuine). Although, he made a mistake when he took Hagar, Sarah’s servant, (in their attempt to accomplish God’s promise through human means), his mistake did not cancel God's promise or his righteous standing. This is where we see the beauty of God's grace. Ang pagkakamali ni Abraham ay hindi nagpawalang-bisa sa pangako at katapatan ng Diyos. Ang kanyang katuwiran ay hindi nakabatay sa kanyang perpektong gawa, kundi sa pananampalataya sa Diyos na nangako.
Ang pangako ng Diyos kay Abraham ay nagkaroon ng katuparan kay Cristo - ang ipinangakong Binhi (the promised Seed). Dahil sa pananampalataya, nakita na ni Abraham ang katuparan ng ebanghelio (the good news) na naihayag sa kanya (Galatians 3:8). At dahil kayoʼy kay Cristo na, kabilang na kayo sa lahi ni Abraham at mga tagapagmana ng mga ipinangako ng Dios sa kanya (Galatians 3:29). Sa pamamagitan ni Cristo, naging kasindami ng bituin sa langit at buhangin sa dalampasigan ang lahi ni Abraham; kabilang tayo na mga Hentil na sumampalataya kay Cristo, mga tagapagmana at tunay na pinagpala.
Isa pa sa mga binigyang-diin ni Pablo tungkol sa katuwiran ni Abraham ay ang pagtanggap ni Abraham ng katuwiran bago pa man siya tuliin (circumcise) at bago ibigay ang Kautusan. Sa madaling salita, hindi siya naging matuwid dahil siya ay tinuli. Tinuli siya pagkatapos na maibilang siyang matuwid. Bukod dito, ang Kautusan ni Moises ay ibinigay sa Israel maraming taon na ang nakalipas pagkatapos ni Abraham. Hindi rin naging matuwid si Abraham nang ihandog niya si Isaac na kanyang kaisa-isang anak. He was already righteous in the sight of God through faith and his righteousness produced obedience.
Sumampalataya si Abraham sa Diyos, at ibinilang iyon sa kanya bilang katuwiran. Tayo naman ay sumasampalataya kay Jesu-Cristo, at sa pamamagitan Niya ay pinawalang-sala at ginawang matuwid tayo ng Diyos.
Elevate: Application Questions:
1. Ano ang itinuturo sa iyo ng pinagmulan ni Abraham tungkol sa biyaya ng Diyos? Bakit mahalagang maunawaan na itinuring siyang matuwid ng Diyos dahil sa pananampalataya bago pa man siya gumawa ng anumang bagay na maaaring magpakitang karapat-dapat siya (e.g. circumcision; offering his son, Isaac)?