Exalt: “Through It All”
Empower: 1 John 6:63; Romans 10:17;Isaiah 55:10-11; Hebrews 4:2,12, 12:2
Hearing God Through the Word (Part 1)
Ang Salita ng Diyos ay isang napakahalagang regalo mula sa Diyos (a good and perfect gift from above) upang marinig natin ang Kanyang tinig. God speaks through the Word; He reveals Himself through the Word (Jesus); He reveals truths through the Word. Sa pamamagitan ng Salita, naihayag sa atin kung gaano kamahal ng Diyos ang buong sang-nilikha; at ang kapahayagang ito’y nagdudulot ng pagbabago sa ating pananaw kung sino Siya. Bawat salitang naririnig natin mula sa Diyos ay binhi na nagbubunga ng tunay na kagalakan, kapayapaan at kasaganaan. Ang Salita ay makapangyarihan at kayang buwagin ang anumang mataas at matibay na pader sa buhay ng tao (life’s walls that enslave man).
Ang mga salitang sinabi ko sa inyo ay espiritu at ito ang nagbibigay-buhay (John 6:63). Ang Salita ay ibinigay ng Diyos upang makinabang tayo sa kapangyarihan at buhay na kaloob nito (as a life-giving Word). Subalit, kung minsan hindi ito nagiging pakinabang sa atin dahil mas pinipili nating pakinggan ang mundo o ang sinasabing kasinungalingan ng kaaway. Beware of what you hear outside. Ito rin ay mga binhi na unti-unting nang-aagaw sa lugar ng Salita ng Diyos sa iyong puso at kinalaunan ay nagdudulot ng kalungkutan, pagkalito at kapahamakan. Maraming kaagaw ang Salita sa puso ng tao; nandyan ang mga alalahanin ng buhay (cares of this world) at mga bagay na nagbibigay-saya (temporarily). At kung hindi tayo magiging maingat, maaari nitong gawing manhid (dull) ang ating pandinig sa boses ng Diyos.
Kailan mo huling narinig ang tinig ng Diyos? A minute ago? An hour ago? Yesterday? Last Sunday? Better yet, when was the last time your heart was truly attuned to God? (Kailan ang huling pagkakataon na ang puso mo ay tunay na nakatuon sa Diyos?) Tandaan, ang pananampalataya ay dumarating sa pamamagitan ng pakikinig at pakikinig sa Salita ng Diyos (Romans 10:17). Hindi tayo maaaring lumakad o mabuhay sa pananampalataya (where God is always involved) kung wala tayong kapahayagan (o naririnig) mula sa Diyos. How can we fully trust God in all areas of our lives if we don’t spend time with Him through His Word or we don’t hear from Him? Let us fix our eyes on Jesus, the author and finisher of our faith. Ituon natin ang ating mga mata at pandinig sa Kanya lamang. Pakinggan mo kung ano ang sinasabi Niya sa iyo; ito ang gagabay sa iyo habang ikaw ay nabubuhay dito sa mundo.
10 Ang ulan at nyebe ay mula sa itaas, at hindi bumabalik doon hanggaʼt hindi muna nakapagbibigay ng tubig sa lupa at nakapagpapalago ng mga halaman para makapagbigay ng binhi at pagkain sa nagtatanim at sa mga tao. 11 Ganyan din ang aking mga salita, hindi ito mawawalan ng kabuluhan. Isasakatuparan nito ang aking ninanais, at isasagawa an aking layunin kung bakit ko ito ipinadala.
Ang Salita ng Diyos (i.e. God’s declarations, covenant blessings, promises) ay buhay at makapangyarihan; ito’y naghihintay lamang na maisagawa nito ang kanyang layunin (assignment). God’s word is always alive and powerful; but its power cannot be experienced until it is spoken and declared by a believing heart. Ideklara mo ng may pananampalataya ang bawat Salita na naitatanim at naihahayag sa iyong puso. Speak and declare the Word and witness how its power works!
Elevate: Application/Suggested Questions:
1. Gaano kahalaga ang Salita ng Diyos sa buhay mo? (Anumang bagay na ating pinahahalagahan ay binibigyan natin ng panahon.)
2. Paano mo nararanasan ang kapangyarihan ng Salita ng
Diyos?