Exalt: “See A Victory”
Empower: Matt. 13:22; 2 Cor. 3:18; Prov.23:7; Phil. 4:6-8; Romans 10:17, 12:2; Joshua 1:8; Psalm 119:11; Eph. 4:23; Col.3:10
Renewed Minds, Transformed Lives
Romans 12:2 - And do not be conformed to this world, but be transformed by the renewing of your mind, that you may prove what is that good and acceptable and perfect will of God.
Mind is so powerful; it can affect our perspective, decision, emotion, words, and the way we live. Katulad ng sinasabi sa Kawikaan 23:7, “Sapagkat kung ano ang iniisip niya sa kanyang puso, gayon siya.” Ang tao ay namumuhay ayon sa kanyang pinaniniwalaan o pananaw tungkol sa kanyang sarili, sa Diyos, at sa mga nakapaligid sa kanya. Kaya sinabi ni Pablo na "hayaan ninyong baguhin ng Diyos ang inyong pagiisip" Hindi niya sinabing baguhin ninyo ang nyong pag-uugali o asal (behavior and attitude); ang pagbabago ay nagsisimula sa pagpapanibago (renewing) ng kaisipan; kapag nabago ang paniniwala o pang- unawa, sumusunod ang ugali o asal o mga ipinapakita sa panlabas. Tandaan na ang mananampalataya ay isang nang bagong nilalang kay Cristo - ganap nang matuwid sa espiritu; subalit ang kanyang kaisipan ay nangangailangan pa rin ng patuloy na pagpapanibago (renewing) sa pamamagitan ng tamang pagkaunawa sa Ebangelyo. May mga pag-iisip pa rin tayo na hindi naaayon sa ating bagong pagkakakilanlan bilang anak ng Diyos. Minsan, mas pinapakinggan natin ang takot, mga pagkukulang, o mga pagkakamali kaysa sa sinasabi ng Salita ng Diyos tungkol sa atin. Kaya napakahalaga na bigyang-pansin kung ano ang hinayaan nating humubog sa ating kaisipan – ang mundo ba o ang Salita ng Diyos?
Ang “world” o mundo (Greek “aion”) na tinutukoy ni Pablo ay hindi lamang makamundong gawain kundi isang sistema ng pag-iisip o pananaw na salungat sa mga katotohanan ukol sa Diyos at sa mga mananampalataya. ‘Tinuturo niya na huwag hayaang mahubog ang kanilang pag- iisip ng mga tradisyon ng tao or religious mindset, sariling katuwiran, at mga pangangatuwirang salungat sa Ebangelyo.
Maaaring sa panahon natin ngayon, at lalo na sa ating bansa, hindi ganoon katindi ang pagsalungat sa mga katotohanan ng Ebangelyo, subalit, mayroong sistema ang mundo upang malihis sa katotohanan ang mga mananampalataya. Halimbawa na rito ang mga nakikita sa social media na natamong tagumpay (success) ng iba, mga ari-arian, hitsura, pananamit, at buhay ng ibang tao na nagbubunga (unawarely) ng inggit, kawalan ng kasiyahan, at mababang pagtingin sa sarili. Unti-unting nakakalimutan ng mananampalataya na ang kanyang pagkakakilanlan ay na kay Cristo, hindi sa kung anong mayroon ang ibang tao. Marami ring hindi magagandang balita ngayon na nakasentro sa krisis, digmaan, sakuna at pagbagsak ng ekonomiya. Kapag ang isip ay mas pinapakain ng balita kaysa sa Salita ng Diyos, maaaring mamuhay ang isang Kristiano sa takot, sa halip na sa pananampalataya. Hindi ibig sabihin nito na balewalain ang mga nangyayaring realidad sa mundo, kundi huwag nating hayaan ang mga ito na magdikta at maghubog sa ating kaisipan at pananaw. See the victory of Christ! See our victory in Him!
Kaya, bigyan natin ng panahon ang pakikinig (reading and meditation) ng Salita ng Diyos; because “faith comes by hearing and hearing by the Word of God” (Rom 10:17). Habang nakikita natin si Cristo at ang Kanyang tinapos na gawa sa pamamagitan ng ating pakikinig at pagbubulay-bulay sa Salita ng Diyos; nababago rin ang ating kaisipan o pananaw sa Diyos, sa sarili, at sa mga nakapaligid sa atin. Sa gayon, magkakaroon tayo ng kakayahang malaman (discern) kung ano ang kalooban ng Diyos (good, acceptable and perfect will of God).
Elevate: Application Questions:
1. Nakaramdam ka ba sa mga nakaraang araw ng isa o dalawa sa mga ito: takot, pag-aalala, kalungkutan, insecurity, frustration, inggit, galit, pagmamahal, pag-asa, kasiyahan, o kapayapaan? Ano sa palagay mo ang dahilan ng ganoong pandama ?