Exalt: “Because He Lives”
Empower: Galatians 5:1,13; Matthew 11:28-29;Eph. 6:13-14; Joshua 1:8-9; Heb.10:35; Phil. 1:27
Standing Firm in Liberty
Galatians 5:1 - Stand fast therefore in the liberty by which Christ has made us free, and do not be entangled again with a yoke of bondage. (NKJV).
Tinubos tayo ni Cristo upang palayain sa pagkaalipin ng kasalanan at kautusan (works of the Law). Sa konteksto ng Galacia, tinatalakay ni Pablo ang usapin tungkol sa mga Judaizer na nagpipilit na ang mga Kristiyanong Hentil ay kailangang sumunod sa kautusang Hudyo, kabilang ang pagtutuli (circumscision), upang tunay silang maligtas. Ipinaliwanag ni Pablo na ang pagsunod sa Kautusan (legalism and law-based righteousness) ay pagbabalewala sa ginawa ni Cristo. Sila’y naligtas sa pamamagitan lamang ng biyaya (grace) ng Diyos at hindi sa kanilang gawa (performance); at kung susundin nila ito (ang pagtutuli), kailangan nilang sundin ang buong Kautusan (which is impossible). Maliwanag na ito’y salungat sa biyaya (grace) ng Diyos at sa ebanghelyong ‘pinapangaral ni Pablo. Hinikayat niya ang mga mananampalatayang Hentil na maging matatag sila, huwag silang patitinag at manindigan sila sa ebanghelyo. Ang ebangelyo ay hindi mensahe ng pagkaalipin, kundi kapahayagan ng ganap at tunay na kalayaan dahil sa ginawa ni Cristo.
The “yoke of slavery” is a symbol of oppression and burden. Ang pamatok ay tumutukoy sa mga batas o panuntunan (legalistic observance of the Mosaic Law) na pilit nilang sinusunod upang maging katanggap-tanggap sa Diyos, subalit lagi lamang silang nabibigo. Hinikayat ni Pablo ang mga mananampalataya na huwag silang magpaalipin muli sa pamamagitan ng pagsunod sa panlabas na panuntunan upang masabing sila’y espirituwal, sa pag- aakalang makakamit nila ang pag-ibig at pagpapala ng Diyos sa pamamagitan ng kanilang mga gawa.
Si Hesus ay may inaalok ding pamatok subalit hindi ito katulad na pamatok na dulot ng pagsunod sa kautusan ni Moises - 28 “Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at lubhang nabibigatan sa inyong pasanin, at kayo'y bibigyan ko ng kapahingahan. 29 Pasanin ninyo ang aking pamatok at matuto kayo sa akin sapagkat ako'y maamo at may mababang loob. Makakatagpo kayo sa akin ng kapahingahan 30sapagkat madaling dalhin ang aking pamatok at magaan ang pasaning ibibigay ko sa inyo.” Kay Cristo lamang makakasumpong ng tunay na kalayaan at kapahingahan. Ito ang kaloob NIya sa sinumang manalig o sumampalataya sa Kanya. Magaan ang buhay kapag ikaw ay na kay Cristo. Kaya, saan ka pa pupunta? Kanino ka pa magtitiwala?
Standing firm in liberty means remaining established (rooted) in the revelation of what Christ has accomplished through His death and resurrection. Maihahalintulad ito sa isang puno na may malalim na ugat, maaari siyang yanigin ng malalakas na bagyo, mawalan ng mga sanga at malaglagan ng mga bunga, ngunit nananatili pa rin itong nakatayo sapagkat buhay at matibay ang mga ugat nito sa ilalim ng lupa. Ganoon din ang mananampalataya. Maaaring dumating ang mga hamon ng buhay at yugyugin tayo, subalit, ang mananampalataya na nakaugat kay Cristo ay nananatiling nakatayo sapagkat ang kanyang buhay ay nakasandig sa natapos na gawa ni Hesus. Mas malalim ang ugat ng biyaya kaysa mga bagyo ng buhay!
Bilang paalala, mag-ingat tayo sa mga katuruan o kaisipang hindi nakaugat sa ginawa ni Cristo. Malalaman (discern) natin ang mga ito kung ang dala ay takot, pag-aalala, at kondemnasyon, at kung nakabase sa sariling-katuwiran. Hence, maging handa lagi sa mga palaso (lies and deceptions) at panunukso ng kaaway sa pamamagitan ng pagsusuot sa buong baluti ng Diyos (the whole armor of God).
Elevate: Application Questions:
1. Sa anong paraan maaaring maranasan ng isang mananampalataya ang “pamatok ng pagkaalipin (yoke of bondage)”? [Note: Believers are already FREE]
2. Paano mo mapaninindigan ang ebanghelyo?