Living in a Fallen World

WALANG KATULAD
Verse I
Di kayang isulat sa lapis o papel
O iguhit man ng pintura at pinsel
Ang hiwaga ng kapangyarihan Mong tangan
Di mailalarawan ng matalino mang nilalang
Verse II
Kahit ipunin ko'ng kayamanan ng mundo
Di pa rin tutulad sa kadakilaan Mo
Kahit ibigin ko lahat ng uri ng tao
Di pa rin tutulad sa dakilang pag-ibig Mo
Walang katulad ang kapangyarihan Mo
Walang katulad ang dakilang pag ibig Mo
Diyos ka't hari ng mga hari
Panginoon ng panginoon
Purihin ka Ama sa habang panahon
Back to verse II
Back to chorus 2x

Exalt: “Walang Katulad”
Empower: Romans 3:11-12, 6:14,10:17;John 8:11,17:14-18;  Colossians 3:2; Romans 8:22

Living in a Fallen World
Ang pagkahulog ng tao (Adam) sa kasalanan ang naging simula sa unti-unting pagkasira hindi lamang ng buhay ng mga tao kundi ng iba pang mga nilalang dito sa mundo (i.e. animals) at ng mundong ating tinitirhan. Bagamat ito (the earth) ay nilikha ng Diyos na may kakayahang tugunin ang lahat ng pangangailangan ng tao, ngunit dahil sa kasalanan o kagagawan ng tao (greed and selfishness), ito’y unti-unti nang nasisira. Consequenlty, bumabalik sa tao kung ano ang kanyang ginagawa sa kalikasan (nature).

Sin (like virus) corrupts the hearts/minds of many. Man is depraved morally and spiritually. Lahat ng naiisip niya(natural man) ay kasamaan. Kung hindi gumawa ng paraan ang Diyos sa pamamagitan ni Hesus, ano kaya ang kalagayan ng buhay natin ngayon? How chaotic our lives would be? Tiyak na mas matindi ang kahirapan at kaguluhan dito sa mundo; tiyak na mas maraming pamilya ang wasak; tiyak na mas marami ang patayan, nakawan, imoralidad at katiwalian sa lipunan; tiyak na ang lahat ay patungo sa kapahamakan at kamatayan (tuluyang pagkahiwalay sa Diyos).

Purihin ang Diyos dahil may dumating na Tagapagligtas. Ang Kanyang paghahari ay dumating sa puso ng bawat nananalig sa Kanya. Ang lahat ay mayroon nang pagkakataong makabangon at mailigtas sa masamang dulot ng kasamaang namamayani sa mundong ito. Ilan lamang tayo sa tumugon sa panawagan ng Diyos na magbalik-loob sa Kanya (repentance = change of mind). Nangyari ito dahil narinig natin ang Salita ng Buhay (Jesus) at naniwala tayo sa Kanya. At hindi tayo tumitigil na kilalanin Siya (by hearing and hearing the Word) upang patuloy na mabago ang nilalaman ng ating kaisipan kung sino tayo at kung sino ang Diyos. 

Subalit, hindi lingid sa atin na mas marami ang hindi pa nagbabalik-loob sa Diyos; kaya’t napapaligiran pa rin tayo ng kadiliman. Kung gayon, bilang mga mananampalataya, paano tayo dapat mamuhay sa gitna ng kasamaan at kaguluhan dito sa mundo? Paano tayo mamumuhay ng masaya at mapayapa kung apektado pa rin tayo sa ginagawa ng iba (e.g. effect of graft and corruption, adultery, gambling, illegal loggers, etc.)? We may probably say that living in a fallen world is not easy. Laging takot, pag-aalala at pagkabalisa ang dulot ng mundo. Oo, totoo ang kahirapan at kapighatiang nararanasan sa mundo; marami ang dumadaing, maging mga Kristiyano. Subalit, higit na totoo ang inilalaang pag-ibig at kagandahang-loob ng Diyos upang higitan (overpower) ang lahat ng hindi magandang pangyayari sa ating buhay. Through our own effort, we cannot overcome the world, but through the One (Jesus) who has overcome it, we can!

In relation to sin, tandaan na hindi na naghahari ang kasalanan sa buhay natin, dahil tayo’y hindi na nakapailalim sa Batas, kundi sa kagandahang-loob ng Diyos (Romans 6:14). Ang katuwiran at kabanalan ni Cristo ang kalikasan na natin ngayon. Kung ang lagi nating isasaisip ay ang mga bagay na panlangit, hindi tayo maaakay ng anumang tukso o kasamaan sa mundo. We are IN this world, but we are not OF this world. Bagamat tayo ay nabubuhay sa mundo (physical world), hindi tayo umaayon sa ginagawa ng mga taong makamundo (walang kaugnayan sa Diyos). Remember, may iba tayong kinalalagyan (spiritual kingdom), kung saan ang katuwiran ang namamayani… kung saan naroroon ang lahat ng benepisyo (healing, prosperity, victory) ng ginawa ni Cristo… kung saan ang lahat ng imposible ay maaaring maging posible sa pamamagitan ng pananampalataya.

Elevate: Application/Suggested Questions:
1. Magbigay ng isang kaisipan o pananaw sa mundo (mindset or belief system) na hindi sinasang-ayunan ng mga katuruan ni Cristo. Ipaliwanag.
2. Gaano na kalawak ang iyong pang-unawa sa biyaya o kagandahang loob ng Diyos? Paano nito naapektuhan ang iyong buhay?

Best AI Website Maker
Free Web Hosting