Exalt: “Diyos Ka sa Amin”
Empower: Genesis 39:19-23; Psalm 5:12; Isaiah 26:3
God’s Favor Amidst Adversity
Adversity – hardship, difficult situation, misfortune, trouble.
Paano nga ba kumikilos o nararanasan ang Diyos sa gitna ng pinakamahirap na sandali sa buhay? Wala namang ginawang masama si Jose, pero siya ay nabilanggo dahil sa maling paratang. Sa kabila ng kanyang kalagayan, hindi makikita na nagalit, pinanghinaan ng loob o pakiramdam na iniwan na siya ng Diyos. Bagkus, sinasabi sa Genesis 39:21 - 21 Subalit kasama ni Jose ang PANGINOON at nagpakita sa kanya ng tapat na pag-ibig, at pinagkalooban siya ng biyaya (favor) sa paningin ng bantay sa bilangguan (Ang Biblia 2001). Malinaw na hindi iniwan ng Diyos si Jose, kahit na parang gumuho ang kanyang mundo. Sa katunayan, doon pa mismo sa bilangguan – isa sa pinakamadilim na bahagi ng kanyang buhay – ay naranasan niya ng pabor ng Diyos. Nakita ng tagapamahala ng bilangguan na pinapatnubayan ng Diyos si Jose at pinagpapala sa lahat ng kanyang ginagawa, kaya siya’y pinagkatiwalaang mamahala sa mga gawain sa bilangguan. What a favor! Hindi man agad nakalaya si Jose, kitang-kita na hindi siya pinabayaan ng Diyos. Ang maliliit niyang tagumpay sa loob ng bilangguan, dahil sa patnubay ng Diyos, ang nagsilbing batong-tungtungan (stepping stones) ni Jose sa pag-angat niya (eventually) sa kapangyarihan sa lugar ng Ehipto.
Katulad ni Jose, may mga panahon na dumaraan tayo sa matitinding situasyon ng buhay – sa pamilya, sa sarili o pakikitungo sa ibang tao. Sa kabila marahil ng mga
magaganda o matuwid na bagay na ating ginagawa, may mga maling paratang pa rin na ibinabato sa atin. Sinasabi natin marahil, “it’s unfair”, “I do not deserve this” o kaya naman, “Nasaan ang Diyos?” Kapatid, pakinggan mo ang Diyos sa iyong puso, sinasabi Niya “Anak, kasama mo Ako… hindi kita iiwan, hindi kita pababayaan!” Ang bawat isa sa atin ay hindi exempted sa mga kahirapan ng buhay. We live in a fallen/imperfect world; darkness rules the hearts of unbelieving people; our physical bodies are yet to be redeemed. Tayo ay napaliligiran ng kadiliman at apektado tayo sa masamang ginagawa ng mga taong walang kaugnayan sa Diyos. However, unlike Joseph, we (Christians) are much more capable of overcoming adversities because of the indwelling presence of God.
God’s favor does not always mean deliverance from suffering. Minsan gusto natin na maalis kaagad ang anumang paghihirap (Note: gustong-gusto rin ito ng Diyos) upang masabi natin na ang Diyos ay mabuti at tapat sa buhay natin. Ang pabor o biyaya (grace - the unmerited favor of God) ay ang patnubay at presensya ng Diyos sa atin na mga anak Niya sa gitna ng mahirap na kalagayan o situasyon. God’s favor or grace helps us overcome any adversities. Ang pagtitiwala o pagkilala natin sa presensiya at patnubay Niya ang nagdudulot ng kapayapaan, kakayahan at lakas upang malampasan ang anumang mahirap na situasyon sa buhay. Iyong iingatan siya sa ganap na kapayapaan, na ang pagiisip ay nananatili sa iyo, sapagkat siya'y nagtitiwala sa iyo. (Isaiah 26:3 ASND) God wants us to trust Him in everything. His favor does not leave us; His love never fails; His goodness always follows after us; but we need to acknowledge what He has already done through His Son, Jesus.
Elevate: Application/Suggested Questions:
1. Naranasan mo na ba ang pabor ng Diyos tulad ni Jose, kahit may mabigat kang pinagdadaanan?
2. Ano ang pananaw mo sa mga situasyon na parang hindi patas (unfair) ang mga nangyayari?