Exalt: “I Give You My Heart”
Empower: 1 John 5:18-21; Colossians 2:8; Acts 2:40; Ecclesiastes 1:4,18; 2 Peter 1:3-4
The World System (Part 3)
Colosas 2:8 - Mag-ingat kayo upang hindi kayo mabihag ninuman sa pamamagitan ng walang kabuluhang karunungan at pandaraya na ayon sa mga tradisyon ng mga tao at mga alituntunin ng mundong ito, at ang mga ito ay hindi ayon kay Cristo. (MBBTAG)
Malayo na ang narating ng tao sa larangan ng agham at teknolohiya (science and technology). Araw-araw, maraming pag-aaral at pagsasaliksik (research) ang ginagawa upang punuin ang puwang (gap) o kakulangan sa mga naunang ginawang pananaliksik. May mga bagay na naiimbento at natutuklasan (e.g. modern structures and machineries, gadgets, medicines, communication apps, transits, artificial intelligence (AI), softwares, etc.); ang iba’y nakatutulong sa pag-unlad ng lipunan o mga bansa, subalit mayroon din na imbes na makatulong, ang dulot nila ay pagkasira ng buhay, lalo na’t kung mali ang pagkagamit.
Come to think of it, bakit sa kabila ng ng paglawak ng karunungan ng tao (increase in knowledge) bakit marami pa rin ang naghihirap at tila lalong tumitindi ang kapighatian (Ecclesiastes 1:18); bakit laganap pa rin ang katiwalian at kasamaan sa lipunan; bakit wala pa ring katahimikan at kapayapaan sa mundo? Hanggang ngayon, sa kabila ng libo-libong taon na katanda ang sibilisasyon ng tao (human civilization), hindi pa rin naaalis ang mga suliranin sa lipunan (social issues)? Why can’t humans make a better society? Because the world we live in was corrupted by sin. May mga batas o alituntunin ang sanlibutan (o ang mga bansa) na mula sa mga pinuno na ang tanging hangad ay kapangyarihan o control (self-willed leaders or policymakers); sarili lamang ang iniisip, hindi iniisip ang kapakanan ng nakararami. In this world, there is always a desire (greed) for power because, if they can control the system, they can control the world.
Sa mga usaping ganito hindi maaaring ihiwalay ang gobyerno (civil or human government) at ang mga namamahala (authorities) dito. Take note, that human government was instituted by God for the good and welfare of the people; ito’y naitatag upang ipairal ang katarungan at ibigay ang karapatan ng bawat mamamayan (i.e. sapat na pagkain, edukasyon, trabaho, peace and order, etc.) But apparently, simula pa nang naitatag ang mga bansa, kahit ano pa mang uri ng pamamahala [any forms of human government (democracy, oligarchy, monarchy, aristocracy, etc.)] ay hindi nakalutas sa mga suliranin sa daigdig. Human government has failed over and over again. History always repeats itself. Here is the truth, hanggat hindi kinikilala ng tao ang pinakaugat ng problema – ang tao ay hiwalay sa Diyos dahil sa kasalanan (spiritually dead), at hindi kinikilala na ang tanging solusyon ay pananampalataya kay Hesus, walang maaasahang pagbabago sa daigdig.
Subalit, tayo na mga anak ng Diyos ay namatay nang kasam ni Cristo; pinalaya na Niya tayo mula sa nakakasirang pagnanasa ng sanlibutang ito. Maaaring sa pisikal hindi parepareho ang ating kinalakihan at estado sa buhay; hindi parepareho ang mga oportunidad na dumarating sa atin. Maaaring sasabihin mo “life is not fair”, pero kung titingin ka kung anong mayroon ka ngayon bilang anak ng Diyos, matatanto mo na ang maaaring maranasan ng isa (believer ay maaari mo ring maranasan sa pamamagitan ng pananampalataya. Faith is the great equalizer (Barry Bennett). We can all access God’s grace by faith. Remember, when it comes to your relationship with God, know that you are blessed, favored, loved, accepted, righteous and victorious. Indeed, “God is good all the time!”
Elevate: Application/Suggested Question:
1. Bilang mananampalataya, kung mabibigyan ka ng pagkakataon na mamuno o mamahala sa isang komunidad (o bansa), anong sistema ang iyong babaguhin?