Exalt: “Dakilang Katapatan”
Empower: Genesis 39:1-18; 1 Peter 5:8
Integrity in the Face of Temptation
Ang integridad ay isang napakahalagang katangian na dapat nakikita sa buhay ng mga mananampalataya. Ito ay pagiging tapat (honest) at matuwid (morally upright) kahit walang nakamatyag o nakakakita. Nagagawa natin kung ano ang tama dahil tayo ay secured sa pagmamahal ng Diyos; tapat tayo sa ating mga prinsipyo at paniniwala may nakakakita man o wala. Ang taong may integridad ay namumuhay ng naaayon sa kalooban ng Diyos. He does not compromise his beliefs in God; he remains undivided (in heart) regardless of circumstances, pressures or consequences. His heart is fully devoted to God; and he trusts Him with the results.
Si Jose ay isang halimbawa na nagpakita ng integridad sa kabila ng mga tukso sa kanyang buhay. Una, bilang alipin, naglingkod siya ng may katapatan (faithfulness and honesty). Lahat ng hawakan ng kanyang kamay ay nagtatagumpay dahil sa patnubay ng Diyos; kaya naman siya’y pinagkatiwalaan ni Potifar sa kanyang sambahayan at mga ari-arian. Sa anumang kalagayan niya, nanatili siyang nagtitiwala sa Diyos, hindi sa kanyang sarili.
Pangalawa, tinanggihan niya ang araw-araw na panunukso sa kanya ng asawa ni Potifar na siya’y sipingan. “No one is greater in this house than I am. My master has withheld nothing from me except you, because you are his wife. How then could I do such a wicked thing and sin against God?” (Genesis 39:9) Hindi sinira ni Jose ang pagtitiwalang ibinigay sa kanya ni Potifar at hindi niya nagawang magkasala sa Diyos. Alam niya na ang presensiya ng Diyos ay sumasakanya; walang maililihim sa Kanya; kaya malakas ang loob niya na magsabi ng “hindi” sa pang-aakit ng asawa ni Potifar. Joseph ran away from Potiphar’s wife enticement; he resisted and did not give in to temptation; he remained obedient to God even if it led to unfair suffering due to false accusation.
Ang temptation o tukso (e.g. stealing, cheating, moral compromise), ay karaniwang dumarating sa isang tao kapag walang nakamatyag o sa isip niya hindi naman malalaman ng iba. It is often persistent and private. Ito ay patuloy at palihim na ginagawa ng isang tao na walang lubos na pagtitiwala sa Diyos. Temptation itself is not a sin, but yielding or giving in to it is. Ito’y nagiging kasalanan kapag pinili mong manatili ito sa iyong kaisipan (conceived) hanggang sa ito ay maipanganak o lumabas sa pamamagitan ng gawa (action). Ang ating Panginoong Hesus ay tinukso din sa ilang (wilderness) subalit hindi Siya nagkasala. Ipinapakita nito na ang lahat ay maaaring makaranas ng tukso bilang mga tao; nagkakaiba lang sa kung ano ang magiging tugon (response) mo sa tukso. Being tempted is not sin; but acting/yielding on temptation is sin.
Tayo ay nabubuhay sa mundo na kabi-kabila ang tukso – mga pagkakataon na sumusubok sa ating katapatan upang bigyang kasiyahan ang sarili (flesh) kahit na ito ay hindi tama at matuwid. Subalit tayo na mga mananampalataya ay tinawag upang mabuhay ng may integridad, may nakakakita man o wala. Let us be watchful and vigilant. Maraming inooffer ang mundo na nakaka-attract (enticing) sa paningin ng mga tao (even Christians); marami ang hindi nakakaalam na ito’y nagsisilbing bitag (trap) ng kaaway upang mailayo ang kaisipan at puso ng mga Kristiyano sa Diyos. Kaya habilin ni Pedro, “Maging handa kayo at magbantay. Ang diyablo, ang kaaway ninyo, ay parang leong umuungal at aali-aligid na naghahanap ng malalapa.” (1 Pedro 5:8)
Elevate: Application/Suggested Questions:
1. Paano mo naipapakita (or practice) ang integridad (integrity) sa iyong trabaho, paaralan, pamilya o mga kaibigan? May mga pagkakataon ba sa iyong buhay na muntik ka nang matukso, subalit hindi ito nanaig dahil pinaalalahanan ka ng Salita o ng Espiritu ng Diyos? Maaaring ibahagi.