Exalt: “With Everything”
Empower: Esther 8:1-17
A Glimpse of Hope
Sa ikaapat na pagkakataon, muling lumapit si Reyna Esther kay Haring Ahasueros (ng may pagtangis) upang gumawa ng kautusan (decree) na magpapawalang-bisa sa naipakalat na kautusan ni Haman na patayin ang lahat ng.mga Judio sa kaharian. Ngunit, sinabi ng hari na anumang naisulat sa kanyang pangalan at tinatakan ng kanyang singsing ay hindi na mababago. Gayunman, dahil patay na si Haman at ang singsing ay ibinigay na kay Mordecai, maaari na siyang gumawa ng kautusan sa pangalan ng hari at tatatakan ng kanyang singsing, para sa ikabubuti ng mga Judio. Gayon nga ang ginawa ni Mordecai; ipinahatid niya ng mabilisan ang bagong kasulatan sa lahat ng probinsiya ng kaharian upang makapaghanda ang mga Judio. Ayon sa sulat, binigyan ng pahintulot ang lahat ng Judio na magsama-sama sa ikalabing-tatlo ng buwan ng Adar at ipagtanggol ang kanilang sarili laban sa mga sasalakay sa kanila. Dahil sa kautusan, marami ang natakot sa mga Judio at marami ang umanib sa kanila. Gayon na lamang ang tuwa at saya ng mga Judio dahil dito; ang lahat a nagdiwang dahil nakakita sila ng pag-asa. Again, we see how God turned circumstances around.
Kung pagbubulayan, hindi maiiwasang i-ugnay ang eksenang (scene) ito sa ginawa ng ating Panginoong Hesus – sa Kanyang kamatayan at pagkabuhay na muli, binigyan Niya tayo ng kapangyarihan o pahintulot [authority in His Name to declare His Word (His decree/promises] at tinatakan tayo ng Banal na Espiritu (seal of ownership). Dahil dito, nakakakita tayo ng liwanag at pag-asa sa hinaharap. Binigyan tayo ng Diyos ng Kasulatan (decree) na ating matatayuan habang tayo’y nabubuhay sa mundo. Daladala natin ang Kanyang Salita na siyang lalaban sa lahat ng maling kaisipan (i.e. fear, worries, anxieties) habang sinusunod natin ang Kanyang kalooban at isinasakatuparan ang Kanyang panawagan o layunin sa buhay natin. May pag-asa tayong nakikita sa anumang kalagayang kinaroroonan natin. Hindi man natin nakikita pa ang kabuuan ng lawaran (whole picture), ang liwanag at pag-asa na galing sa Diyos ang magpapalakas sa atin upang magpatuloy sa buhay.
Si Hesus ang ating Pag-asa; Siya ang ating ankla (anchor) upang manatili tayong matatag (firm and secure) at hindi madala ng hangin (mga hamon at krises ng buhay). Ang mga suliranin ng buhay ay totoo; we cannot control or resolve them on our own; but the hope we see in Christ shall be our strength to overcome what the enemy is trying to plant in our minds. Ang gusto ng kaaway ay isaisip ng tao na wala na siyang pag-asa; alam niya na kapag ang tao ay wala nang nakikitang liwanag o pag-asa sa buhay, wala nang magtutulak sa kanya upang magpatuloy, sa madaling salita, madali na siyang mapapasuko. But God gave hope to all humanity through Jesus Christ. Para sa iba, ito ay misteryo; subalit para sa atin na nanampalataya, Siya na sumasaatin ang ating pag-asa na tayo’y makakabahagi sa kaluwalhatian ng Diyos (…Christ IN us, is the hope of glory. Colossians 1:27b)
Now faith is the substance of things hoped for, the evidence of things not seen. (Hebrews 11:1) Ang pananampalataya ay katiyakan (assurance, confidence, reality) sa mga bagay na hindi pa nangyayari. Hindi pa man nakikita ng mata (natural eyes), totoo na ito sa iyong imagination o nakikita na ito ng iyong puso (spiritual eyes). Isang magandang halimbawa si Abraham, sa kabila ng kanyang katandaan at pagkabaog ni Sarah, hindi siya nawalan ng pag-asa, bagkus nanalig siya sa pangako ng Diyos na siya ay magiging ama ng maraming mga bansa. Abraham hoped, against all hope… (Roma 4:18-19). Hope sees possibilities. Hope empowers and inspires us to make a difference in this world!
Elevate: Application/Suggested Question:
1. Ano sa palagay mo ang kaugnayan (connection) ng tamang kaisipan o pananaw (mindset or perspective) sa pag-asa (hope) na mayroon ang isang Kristiyano?