Exalt: “10,000 Reasons (Bless the Lord)”
Empower: 1 Chronicles 16:25-27; Psalm 103:1-5; Eph. 5:19-20; 1 Timothy 1:17; Revelation 4:11, 5:13
Worthy of Our Praise and Worship
Buhay mo na ba ang magpuri at sumamba sa Diyos? Ano ang nagtutulak sa iyo upang purihin at sambahin Siya?
Worship is derived from the English word “worthship” that means, “to ascribe worth to someone”. We worship God (we ascribe worth to Him) for Who He is and What He is! (kung sino Siya at kung ano ang kalikasan Niya). Sa tuwing tayo’y nagpupuri at sumasamba sa Kanya, kinikilala, pinaparangalan at inihahayag natin ang Kanyang kahalagahan (worthiness) bilang ating Diyos at Manlilikha. He deserves to be worshipped; He has the right to be worshipped because He is our God, He is our Creator!
Sa lahat ng ipinapamalas na katangian, karakter at kalikasan ng Diyos [i.e. mahabagin, mapagmahal, hindi madaling magalit, tapat, mapagpatawad, mapagkakatiwalaan, banal at matuwid, makatarungan, nagbibigay ng kapahingahan, mapagbigay, maluwalhati at maringal (where the object is always man)], marapat lamang na Siya ay purihin at sambahin ng lahat ng nilalang.
David ascribed greatness and worthiness to his/our God for He had a revelation of who God is. Ang laman ng puso niya sa Diyos ay inihahayag ng kanyang mga sinulat na mga salmo at mga awitin.
Si Yahweh ay papurihan, O aking kaluluwa!
At lahat ng nasa aki'y magsipagpuri sa kanya, purihin mo sa
tuwina ang banal na ngalan niya.
2 Si Yahweh ay papurihan, O aking kaluluwa,
at huwag mong kaliligtaan, mabubuti niyang gawa. (Mga
Awit 103:1-2 MBBTAG)
Nananabik lagi si David na mapagmasdan ang kagandahan ng presensiya ng Diyos sa Kanyang templo; siya’y namamangha sa kabutihan at kapangyarihang ipinamalas ng Diyos sa kanyang buhay at sa pinamumunuan niyang bayan (Israel), kaya naman ang puso niya ay puno ng pagpupuri at pasasalamat sa Diyos. Bawat karanasan niya sa Diyos ay kanyang sinusulat at inaawit; at sa bawat salita na kanyang nabubuo, nakikita ang kaluwalhatian at kadakilaan ng Diyos.
David was able to praise God not only in times of joy and victory, but in times of sorrow or at the lowest point of his life, because he knew who God is – that He is good, merciful and truthful. Sa anumang kalagayan niya, alam niyang hindi magbabago ang Diyos sa kanyang buhay; Siya’y mananatiling mabuti at tapat magpakailanman! Halleluiah!
Kung nagawa ni David na papurihan at sambahin ang Diyos noon sa anumang kalagayan ng kanyang buhay (sa gitna man ng tagumpay o pagkatalo), mas higit natin itong magagawa ngayong tayo’y na kay Cristo na at pinananahanan ng Kanyang Espiritu. Bumubukal mula sa ating puso ang pagdakila at pagluwalhati sa Kanyang Pangalan bunga ng pagkakilala natin sa Kanya. At ang ating pagpupuri ay hindi nakabase sa ating nararamdaman (masaya ka man o malungkot) o anumang kalagayan sa buhay, kundi kung ano ang ating pagkakilala at pang-unawa sa Diyos sa pamamagitan ni Cristo. Sa gitna na mga hamon ng buhay at takot na ibinibigay ng mundo, we can still praise and worship God. We can worship Him through reading His Word, giving, praying, giving glory to Him through our testimonies, loving others, living the righteousness of Christ, etc. Ang pagpupuri at pagsamba natin sa Diyos ay pagkakataon upang ang puso natin ay lalong mapalapit sa puso ng Diyos, kaya’t maging buhay na natin na.
Elevate: Application/Suggested Question:
1. Magbigay ng isang katangian o karakter ng Diyos na nagbigay ng impact sa puso mo. Masasabi mo bang totoo sa puso mo karapat-dapat nga siyang purihin at
sambahin? Bakit?