Exalt: “The Stand”
Empower: 1 Corinthians 1:18; 15:54-57; Col. 1:20, 2:14-15; Romans 8:3, 8:13; Gal. 3:13; 2 Cor. 5:21; Hebrews 2:14-15
The Triumph of the Cross
Ang mensahe tungkol sa pagkamatay ni Cristo sa krus ay kahangalan para sa mga taong napapahamak, ngunit ito'y kapangyarihan ng Diyos para sa ating mga naliligtas. (1 Corinto 1:18 MBBTAG)
Ang ebanghelyo ay kahangalan (it appears foolish) para sa mga taong hindi kumikilala sa ginawa ni Hesus, dahil ang kaisipan nila ay nakabatay sa sariling karunungan. Hindi nila nauunawaan ang espiritual na kahalagahan ng Kanyang kamatayan sa krus – kung bakit kailangang magdusa sa krus ang Mesias [at pagkatapos nito’y Siya’y lubos na pararangalan ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang pagkabuhay na muli]. Ang kanilang mga mata’y nakatakip sa katotohanan, dahilan upang sila’y matisod at mapahamak. Sila’y nakaasa sa sariling mga gawa upang masabi nilang sila’y maka-diyos. Para sa kanila, ang krus ay simbolo ng pagkatalo; subalit sa atin na kumilala kay Cristo, ito ay tanda ng isang ganap na tagumpay. Sa pamamagitan ng kamatayan sa krus, ipinakita ng Diyos ang Kanyang pag-ibig, karunungan at kapangyarihan.
The cross is the complete expression of God’s power; it revealed God’s eternal wisdom. Akala ng kaaway at ng mga religious leaders noon, nakamtan nila ang tagumpay nang kanilang ipapako sa krus si Hesus. Hindi nila alam na ito mismo ang magbibigay katuparan sa layunin ng Diyos kay Cristo bago pa nilikha ang sanlibutan. Hindi nila alam (naarok) ang karunungan ng Diyos, na higit sa lahat ng karunungan ng mundo.
Inihayag ng krus ang ginawa ng Diyos, hindi ang dapat gawin ng tao ayon sa Kautusan (performance/good works). Sa pamamagitan ng kamatayan ni Cristo Hesus sa krus, naipawalang-bisa ang Kautusan upang bigyang kalayaan ang tao sa kasalanang bumibihag sa kanya; meaning, wala nang hahatol sa tao dahil sa kasalanan. Wala nang magsasabi na siya’y dapat parusahan sa tuwing siya’y nagkakasala; pinalaya na siya ni Hesus sa kahatulang nakasaad sa Kautusan. Ginawa na Niya ang hindi magawa ng tao. Hindi ibig sabihin nito na walang halaga o saysay ang Kautusan. Ang Kautusan ay banal at perpekto; subalit ang tao’y lubhang mahina (Rom. 8:3; wala siyang kakayahan na matupad niya ang lahat ng nakasaad dito. Bagamat, hindi maikakaila, na marami pa rin ang pilit na sinusunod ang Kautusan, minsan maging ang mga Kristiyano (unawarely; due to lack of revelation).
The cross is an announcement of accomplishment - “It is finished”, “It is done.” Look at what the Lord has done! Tinupad na ni Hesus ang lahat ng hinihingi ng Kautusan upang ang tao’y muling maipanumbalik sa Diyos (through faith). God, by His grace and wisdom, accomplished the reconciliation of man to Himself through the cross. Ginawa na ni Hesus ang lahat, wala nang kailangang gawin pa ang tao (by observing the Law or doing good works to please God) upang siya’y maging matuwid sa harapan ng Diyos. No amount of good works could save man; it’s only by grace through faith! Magpahinga ka sa Kanya. Christ is our Sabbath; He is our Rest (Matt.11:28). Nasa espiritu mo ang kapayapaan at kagalakang dulot ng iyong kaugnayan sa Kanya. Let it dominate your mind and heart.
Tandaan, ang krus ay hindi lamang simbolo ng sakripisyo o paghihirap; ito’y simbolo ng tagumpay. Sa anumang situasyon na iyong hinaharap sa kasalukuyan, tagumpay ka na! Through he triumph of the cross, our salvation is secured – both for eternity and for our present life on earth.
Elevate: Application Question:
1. Paano nakatulong ang iyong pang-unawa sa tagumpay na nangyari sa krus [i.e. the paradox of the cross – waring salungat sa inaasahan, subalit naging kaparaanan sa kaligtasan at pagkakasundo ng marami sa Diyos] sa iyong pagbabahagi ng iyong pananampalataya sa iba?