Exalt: “Awesome God”
Empower: Exodus 15; 40:34-35; Psalm 19:1
A Glorious and Majestic God
A glorious, magnificent, awesome, great, amazing, wonderful, mighty, majestic God… Sadyang kulang ang ating mga salita upang ilarawan kung sino ang Diyos. Habang nahahayag ang Kanyang kaluwalhatian at kadakilaan sa ating buhay, lalong nag-aalab sa ating mga puso ang pagpupuri at pasasalamat sa Kanya.
God made us for His glory. Adam and Eve were clothed in God’s glory. It’s sin that caused man to fall short of His glory (Romans 3:23). Purihin ang Diyos dahil ang kaluwalhatiang iyon na nawala ay naibalik sa atin sa pamamagitan ni Cristo. At habang nakikilala natin si Cristo at nauunawaan ang Kanyang mga gawa, lalong naihahayag ang kaluwalhatian ng Diyos na sumasaatin.
Jesus Christ is the same yesterday and today and forever (Hebrews 13:8). He never changes. Hindi Siya nagbabago; totoong mabuti Siya noon pa man. Our life itself is a testament of God’s goodness. Biniyayaan tayo ng buhay dito sa mundo (biologically) at binigyan tayo ng walang hanggang buhay (in Christ) upang maranasan natin ang lahat ng magagandang bagay bilang Kanyang mga anak. We are so privileged to be His sons and daughters, enjoying the glory of God that is in us (His presence, power and goodness). Pagmulat pa lang ng ating mga mata sa umaga, ang Kanyang kaluwalhatian at kadakilaan ay naihahayag na ng mga bagay na Kanyang nilikha: mga bundok, halaman, araw; at sa gabi’y ang buwan at mga bituin. Ang iyong pamilya at mga taong binigay ng Diyos sa iyo upang lumago ka at magtagumpay sa larangan kung saan ka tinawag ay malaking pasasalamat na sa Diyos. Bawat oportunidad, probisyon at pabor na Kanyang ibinibigay ay katunayan ng Kanyang presensya, kapangyarihan at kabutihan sa ating mga buhay.
Ang bansang Israel ay nabigyan ng pagkakataon na ipakilala ang Diyos at dapat sana’y maging liwanag sa ibang mga bansa. Ipinaranas ng Diyos ang Kanyang presensya, kapangyarihan at kabutihan (in other words, His glory) sa bawat situasyon o panganib na kanilang kinaharap [situations where there seemed to be no way]. Sa kanilang paningin ay wala nang solusyon, subalit sa kapangyarihan ng Diyos sila’y nakatawid sa Red Sea; nalunod ang mga Egyptian soldiers na humahabol sa kanila. Bagamat pinapurihan nila ang Diyos matapos silang makatawid, madali silang makalimot, dahil ang kanilang pagtitiwala ay nakabase sa mga bagay na nakikita nila (in what they see or in what situation they are in at that time). Sa simula pa lang ay nakitaan na sila ng kawalan ng pananalig at pagtitiwala sa Diyos dahil sa kanilang walang tigil na pagrereklamo (e.g. walang pagkain, walang tubig). Sa kabila ng Presensya ng Diyos at mga ipinaranas Niya sa kanila na mga himala (e.g. plagues in Egypt; parting the Red Sea; provision of manna and quails for food; provision of water from the rock), ang kanilang puso ay naging matigas; ito’y balot ng takot at pag-aalala, hanggang sa tuluyan na silang napalayo sa Diyos. The glory has departed, not because of God leaving them, but because they chose to live apart from God.
Ang pagpapahayag ng Diyos sa atin ng Kanyang kalikasan at katangian (nature/ character/ attributes) ay hindi upang gawin tayong maalam sa Teolohiya (bagamat kailangan din ito), kundi upang anyayahan tayo na maranasan ang bawat katangian Niya. At sa bawat karanasan natin, nakikita o nakikilala natin Siya ng lubusan. Mas madali na sa atin ang maniwala na tutulungan tayo ng Diyos sa bawat situasyon na ating kinakaharap araw-araw dahil nauunawaan natin kung sino Siya. He is our Healer; He is our Provider. God can’t help but act in accordance with His nature— that’s who He is!
Elevate: Application/Suggested Questions:
1. “Show me your glory.”(Exodus 33:18) Ito ang kahilingan ni Moses sa Diyos. Bagamat nakita na natin ang kaluwalhatian ng Diyos kay Cristo (as believers), magbigay ng patotoo kung paano mo ito nararanasan sa buhay mo. (His presence, power and goodness.)